Chapter 29

102 6 0
                                    

Hidio's P.O.V.

Naglalakad kami ni Reynalyn papuntang classroom nang may narinig akong isang pamilyar na boses mula sa likuran.

"Crushh.. Hintayy.." sabay kaming napalingun ni Reynalyn sa tumatakbong si Prime patungo sa kinatatayuan namin.

"Oh, anong nangyari sayo bakit di ka yata sumunod sa crush mo kahapon."- tanong ni Reyn dito. Nag- iwas naman ako ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng mga ito.

"Ahh, yun ba? Wala lang sinubukan ko lang kung mamimiss ba ako ng "mahal" ko."- narinig kong sagot nito at sigurado akong sa akin ito nakatingin kahit hindi ko ito nakikita.

Nagulat nalang ako nang bigla nitong iniligkis ang kamay sa kaliwang braso ko. "Namiss mo ko no?" - nakangiti nitong tanong sa pagitan nang paglalakad namin.

Hindi ko ito sinagot at hinayaan ko lang itong hawakan ang braso ko dahil medyu na-guguilt pa ako sa ginawa ko dito kahapon.

Kenshin's P.O.V.

Binilisa ko ang paglalakad dahil gusto ko nang makarating sa classroom pero bigla akong nakaramdam ng inis nang matanaw ko sina Hidio at Prime na magka-agapay sa paglalakad. Dagdag pa ang magkadikit na mga kamay ng mga ito.

Iwan ko ba pero na-iinis na talaga ang babaeng yan dahil pilit paring pinagsisikan ang sarili sa pinsan ko.  Tanga ba ito o talagang manhid lang? Pero bakit mas naiinis ako kay Hidio kahit wala naman itong ginagawang masama? Ah, basta naiinis ako sa kanilang dalawa lalo na kapag nakikita ko silang magkasama.

Tuloy- tuloy akong naglakad sa pagitan nang mga ito kaya nahiwalay ang kamay ni Prime na nakahawak sa kamay ni Hidio.

"Hoy, Kenshin! Tumingin ka naman sa daraanan mo."- narinig ko pang sigaw ni Prime nang may biglang may tangang bumangga sa akin.

"S-sorry M-master Ken."- natatarantang paumanhin ng lalaki habang nakayuko sa harap ko.

"Sa susunod.. Tingnan mong mabuti kung sino ang binabangga mo."- matigas kong sagot dito sabay sipa ng mga libro nitong nahulog dahil sa pagkakabangga sa akin.

Wala ako sa mood makipag- away kaya nilampsan ko na ito at pumasok sa classroom.

Reynalyn's P.O.V.

Natigilan kami sa paglalakad dahil sa nangyaring eksina sa harap namin. Nakaramdam ako ng awa doon sa lalaking nabangga ni Kenshin dahil parang ma-iihi pa yata ito sa takot.

"Haist, bakit ganon ang lalaking yan? Pinsan niyo ba talaga yun bakit ang sama ng ugali."- narinig kung tanong ni Prime.

"Oo nga, sa kanilang lima si Kenshin talaga ang hindi mo pweding kalabanin kung gusto mo pang mabuhay."- dagdag ko pa.

"Wag niyong husgahan ang isang tao basi lang kung sa anong ipinapakita nito. Para sa akin.. Si Kenshin ang pinakamabait dahil nakasama ko siya mula pagkabata pero dahil sa pagkamatay nang twins ya bigla nalang siyang nagbago."- pagkatapos nang kwento ni Hidio ay nauna na itong pumasok sa loob. Naiwan kami ni Prime na tela nagulat sa sinabi nito.

"Ibig sabihin.. Naging gangster siya dahil sa pagkamatay ng kambal niya? Tama ba ang dinig ko?"- tela hindi makapaniwalang tanong ni Prime.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon