Akihiko's P.O.V.
Kailangan kong matulog na para magising ako ng maaga para maipagluto ng masarap na ulam si Reyn bukas. Muli na naman akong napangiti nang maalala ang babaeng girlfriend ko na.
"Reyn, sisiguradohin kong mula ngayon walang sino mang lalaking pweding umagaw sayo sa tabi ko dahil akin kalang."
Pangiti-ngiti at pakanta-kanta pa ako habang inaayos ang sapin nang kama ko nang biglang may kumatok sa pinto.
"Hindi kaya si Reyn ang kumakatok?"
Iniwan ko ang ginagawa at mabilis na lumapit sa pinto. Inayos ko muna ang nagusot na buhok bago iyon binuksan.
"Oh, bakit napawi yang ngiti mo sa labi? Ayaw mo bang makita ang Grandma mo?"- sabi nito na tela nagtatampo.
"Hindi po ganun yon grandma. May--"
"May iba kang inaasahang bisita kaya disappointed ka dahil ako ang nakita mo?"- may panunukso na sa mga ngiti nito.
Tuloy- tuloy itong pumasok sa loob kaya sinarado ko ang pinto at sumunod dito.
"Grandma bakit ka nga pala naparito?"- pag-iiba ko nang usapan.
Hindi sa ayaw kong pag- usapan si Reyn hindi lang kasi ako ang klase nang tao na kinukwento ang mga personal at seryosong bagay kahit sa mga taong malalapit sa akin.
"Ayoko na sanang sabihin ang bagay na ito sayo pero.. (Seryoso itong tumingin sa mukha ko) sa tingin ko kailangan ko paring sabihin sayo ito."
Biglang kumunot ang noo ko.
"Tungkol ito kay Yumi--"
"Ayoko na pong pag-usapan ang nakaraan."- putol ko sa sasabihin nito.
Masaya na ako ngayon kay Reyn kaya wala nang silbe kung pag-uusapan pa namin si Yumi.
"Apo, nakipagdevorce na si Yumi sa asawa niya."
Hindi ako umimik. Siguro kung hindi ko nakilala si Reyn magiging masaya ako sa balitang iyon pero ngayon wala na akong pakialam at wala nang kahit anong epekto sa akin ang mga balita tungkol sa babaeng unang minahal.
"Grandma I'm tired. I need to go to sleep ok?"- pag- iiwas ko.
Bumuntong- hininga ito.
"Sa totoo lang galit din ako sa babaeng yon pero bago ako pumunta dito ay nakapag kita si Yumi sa akin at sinabi niyang pupuntahan ka niya dito."
Napatingin ako kay Grandma. Bigla kasi akong kinabahan na baka manggugulo ito sa relasyon namin ni Reyn.
"Bakit? Para saan pa?"- medyo galit kong tanong.
Bigla kasi akong nainis dahil kung saan nakamove na ako at masaya na sa iba tiyaka naman ito eeksina.
"Kumalma ka lang Aki. Tingin ko kailangan niyo ring mag- usap para matapos niyo nang maayos ang relasyon niyo noon."
Close kasi ito ni Yumi kaya maraming alam si Grandma sa relasyon namin nito noon kaya siguro ito din ang nilapitan ni Yumi para ipaabot sa akin ang balak nitong pagpunta ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...