Reynalyn's P.O.V.
Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ni Akihiko habang ito naman ang nagmamaneho sa tabi ko. Pupunta kasi kami ng grocery store para bumili ng pweding baonin. Hindi ko maiwasang hindi ito tingnan dahil dati paman talagang gusto-gusto ko itong tingnan habang nasa harap ng manobela. Ang cool at mas gwapo kasi ito tingnan.
Bigla itong tumikhim kaya ibinaling ko sa labas ng bintana ang tingin.
"Wag mo akong titigan nang ganyan. Natutunaw ang puso ko."- pangiti-ngiti nitong sabi.
Biglang nag- init ang pisngi ko. Ibig sabihin aware itong nakatingin ako dito kanina.
"Tigilan mo nga ako jan sa kakornihan mo. Isa pa ano bang nakain mo bakit mo naisipang mag- overnight sa beach."- tanong ko para maiwasan ang pagkapahiya.
"Marami kasing chicks doon. Mas sexy mas maganda."- sagot nito.
Busit talaga ang lalaking to kahit kailan talaga napakababaero.
"Sabi ko na nga ba. Pero bakit pati kami isasama mo pa."- pairap kong sabi bigla kasi akong nainis dito.
"Dahil hindi naman talaga ang mga naggagandahan sexy na mga babae ang pakay ko.(Tumingin ito sa akin) kundi ikaw."- seryosong sagot nito at ibinaling ulit ang tingin sa daan.
Ako naman ay parang naipit ang dila na di man lang ma-ibuka ang bibig. Ano bang problema ng lalaking to? Talaga bang gusto nitong mahulog ako ng tuluyan dito? Para ano? Haist, oo na nahuhulog na ako sayo pero manigas ka dahil hinding- hindi ko iyon ipapaalam sayo.
"Mas gusto kitang kasama sa beach kaysa sa kanila Reyn."- mahinang dagdag nito pero seryosong nakatingin parin sa daan. Hindi ko tuloy alam kong ano yong tamang reaksyon na gagawin ko dahil nang mga oras na iyon. Kinilig ako at hindi ko kayang baliwalain iyon.
"B-bakit..gusto mo akong makasama?"-wala sa sariling sabi ko pero huli na dahil talagang na itanong ko na iyon.
Bigla nitong hininto ang sasakyan at itinabi sa daan at hinarap ako. Seryoso ang mukha nito at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.
"Talaga bang hindi mo alam o ayaw mo lang paniwalaang totoong mahal kita."-sabi nito na hindi malang kumukurap.
Tama ito, ayukong maniwala dahil napaka-imposible niyon pero gustong-gusto nang bumigay ng puso ko.
"Bakit? Bakit mo ako nagustohan?"-mahinang usal ko habang nakatitig din rito.
Bumuntong hininga ito bago sumagot.
"Hindi ko din alam ang sagot. Alam mong sexy na mga babae ang gusto ko. Yong matatangkad at hindi mukhang bata. Kaya ano sa palagay mo ang meron ka at nakuha mo ang atensyon ko?"- balik tanong nito.
Natigilan ako. Complement ba yong sinabi nito o ipinamumukha lang nitong pandak at hindi sexy ang katawan ko?
"Nang-iinsulto ka ba?"-nakataas ang kilay kong tanong.
"Hindi. Gusto kong sabihing walang dahil kung bakit natin nagugustohan ang isang tao. Kusa lang iyong darating at mararamdaman ng puso ko. Siguro isang sinungaling ang tingin mo sa akin pero ang puso ko hindi marunong magsinungaling. "-mahabang sagot nito. Dama ko ang sensiridad sa bawat katagang banggitin nito pero natatakot akong magtiwala. Lalo na sa isang katulad ni Akihiko Takizaki.
Binuhay na ulit nito ang sasakyan nang hindi na ako muling sumagot. Sa isang hindi kalakihang grocery store ipinark nito ang sasakyan. Nauna itong bumaba at sumunod naman ako dito.
Pagpasok palang sa loob pansin na agaw ang pagpapa-cute ng ilang mga kababaihan sa loob habang nakatingin kay Aki. Hindi ko naman masisisi ang mga ito dahil sobrang gwapo naman talaga nito.
Sumunod lang ako dito habang palihim na nagmamasid sa paligid habang ito ay abala sa pamimili ng mga pweding dalhin. Minsan kung hindi ito sigurado sa bibilhin tinatanong ako nito.
Halos mapuno na yong cart s amga pinagbibili nito na akala mo isang linggo kaming mananaliti doon. Pero excited parin ako dahil namiss ko na ring lumangoy sa dagat.
"Helo pogi. Cash or card mo babayara."-malanding sabi ng cashier na nagpapacute pa kay Aki. Ang sarap tuloy ingud-ngud sa basuran. Pasimpleng inirapan ko nalang ang kaartihan nito.
Nakatayo lang ako sa tabi nito habang nagbabayad sa cashier matapos makompleto ang listahang ibinigay ni Daisuke.
"Card lang miss."- sagot nito na hindi man lang tiningnan ang babaeng malandi.
Kinuha nito ang wallet mula sa bulsa nito sa likuran. Kinuha nito ang card at iniabot sa babae. Napansin kong may kasamang hipo sa kamay ang ginawang pag- abot ng babae sa card kaya napataas nalang ang kilay ko. Napansin ko ring napatingin si Aki sa babae. Actually iyon palang ang unang beses na tumingin ito doon.
"Pwedi akong kainoman mamayang gabi."- dagdag na pang-aakit pa nito ng babae.
Inis na inis na ako dito promise nang bigla nalang akong hilain ni Aki sa tabi nito sabay akbay. Authomatic na nilingon ko ito. Nagtama ang mga mata namin dahil sa akin din pala ito nakatingin.
"Respetohin mo naman ang asawa ko miss dahil hindi ko siya lolokohin para sa ibang babae."-nakangiting sagot nito pero sa akin parin nakatingin. Parang gusto ko na namang kiligin. Isa pa anong asawa ang pinagsasabi nito? Kailan ba kami nagpakasal? Meron ba akong nakaligtaang kasal namin?
"Ai, sorry sir. Akala ko kapatid mo. Mukha kasing elementary pupil"- sagot ng babae na mas lalong ikinataas ng kilay ko pero bago ko pa maipagtanggol ang sarili sa pang- iinsulto nito naunahan na ako ni Aki.
"Insultohin mo na ang lahat wag lang ang asawa ko. Mula sa araw na ito maghanap kana ng bagong trabaho dahil sisiguradohin kung ngayong araw wala kanang trabaho."- may diin sa bawat pagbabanta nito kaya alam kung hindi ito nagbibiro.
Padarag na kinuha nito ang card sa babae matapos nitong maswipe iyon at marahan niton hinawakan ang kamay ko. Binitbit naman nito ang isang malaking plastic bag na naglalaman ng pinamili namin sa isang kamay at umalis na doon.
"Talaga bang mawawalan ng trabaho ang babaeng iyon?"- tanong ko nang makasakay na kami pareho sa sasakyan nito.
"Ano sa palagay mo?"- seryosong sagot nito.
Sa palagay ko tutuhanin nito ang sinabi kanina. Malakas kasi ang pakiramdam ko na maimpluwensya ang pamilya nito dahil sa school namin may sariling hideout ang mga ito. Kaya sa palagay ko talagang mawawalan ng trabaho ang babaeng iyon.
"Wag mo nalang pamsinin ang sinabi ng babaeng iyon. Alam kong mukha kang bata, alam ko din flat ang dibdib mo at walang dating yong katawan mo. Alam ko ring hindi ka kagandahan--"
"Ano ba. Mas sobra ka pa mang insulto kaysa baba--"
"Pero kahit ganun ikaw parin ang mahal ko. Ikaw parin ang pinili ng puso ko."- pinutol nito ng ganung sagot ang sabi ko.
Ano ba to. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko at tinutunaw niyon ang inis na nararamdaman ko kanina. Sabihin niyo nga kung kayo sa lugar ko hindi mo mamahalin ang taong ito?
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomansaReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...