Chapter 10

129 8 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Pagkaalis ng mga taong nagbuhat ng bago kong bed at dresser matapos nila akong tulongan na maayos ang mga iyon sa tamang lalagyan ay naupo ako sa kama.

Napakalambot ng kama malayong-malayo sa banig na sapin na tinutulogan ko sa bahay namin sa Isla. Kahit niloko man ako ng sarili kong tiya atleast napakabuti parin ng panginoon sa akin dahil may tao siyang ipinadala sa buhay ko para tulongan ako.

Bigla ko na naman na alala si Hidio..ang aking Hidio na siyang sumagib sa akin. Kinikilig na napahiga ako sa kama at parang kinikiliting nagpagulong-gulong doon.

"What are you doing?" bigla akong napatigil sa ginagawa ng marinig ang boses ng isang lalaki. Si Akihiko iyon na nasa may pintuan habang nakahawak pa sa may seradora ng pinto. Bigla na naman tuloy na sira ang mood ko ng makita ito.

Bumangon ako sabay upo ulit sa kama habang inaayos ang damit na bahagyang tumaas sa kakagulong ko kanina.

"Hindi ka ba marunong kumatok? Bakit bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ng iba?" pasinghal kong tanong.

Biglang kumunot ang mukha nito habang direktang nakatingin sa akin.

"Excuse me? Tatlong beses akong kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko nalang ang pinto. Hindi ko kasi alam na nababaliw na ang babaeng nasa loob." sagot naman nito.

Ako ba ang tinutukoy nitong nababaliw? Aba sumusobra na to ah.

"Excuse me rin? Ako bang tinutuloy mong nababaliw?" -ako

"Meron pa bang ibang babae dito?" balik tanong nito na lalo kong ikinainis.

"Aba't sumusobra kana ah." inis kong sagot.

"So what? Lumabas kana jan at ipagluto mo ako ng meryenda. Baka kasi nakalimutan mong katulong ka dito." sabay sabi nito.

Aaminin kong nasaktan ako sa huling tinuran nito kahit alam kong totoo naman iyon. Hindi ko naman kasi nakalimutang nakikitira lang ako bilang katulong. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahang sabihin nito iyon.

Akihiko's P.O.V.

Hindi ko sinasadyang ipamukha dito na isa itong katulong kaya lang nainis lang kasi ako na makita ito kaninang parang kinikilig habang pagulong-gulong sa kama nito. Dagdag pa ang pabalang na pagsagot nito s akin kaya kusa nalang lumabas ang katagang iyon sa bibig ko. Naguilt ako sa ginawa ko pero wala akong planong bawiin iyon. Hindi ito agad nakapagsalita kaya alam kong naapektohan ito sa sinabi ko kaya umalis na rin ako agad doon at isinara ulit ang pintuan na hindi man lang nagpaalam dito.

Bumalik ako sa salas at doon kumuha ng librong pweding mabasa. Maya-maya ay bumaba na rin ito ngunit hindi ako nito pinansin at diritsong pumasok sa kusina.

Mga 30mins din siguro ang lumipas bago ito lumabas ulit doon.

"Luto na po ang meryenda niyo sir." seryosong sabi nito.

Parang biglang umurong ang dila ko sa nakitang kaseryosohan nito. Nasanay kasi ako na mula kanina ay matapang akong sinasagot nito pero ngayon napakatahimik na nito.

Umalis ito sa harapan ko nang hindi ako sumagot. Diritso itong pumasok sa kwarto nito nang ganon nalang.

Kinagabihan na ulit ito lumabas para ipagluto kami ng haponan. Ngunit katulad kanina hindi ulit ako nito pinansin. Iwan ko pero mas lalo akong nainis sa kaseryosohan nito.

Tinulungan ito ni Hidio sa pagluluto. Nadagdagan pa lalo ang inis ko nang makita itong tudo ang ngiti habang kaharap si Hidio. Sinubukan kong lumapit sa mga ito at nagkunwaring kumuha ng tubig sa ref ngunit parang isang hangin lang ako na hindi napapansin ng mga ito kaya inis kong ipinatong ang pitsel sa mesa kaya gumawa iyon ng ingay. Napatingin naman silang dalawa sa akin habang iniinom ko ang tubig sa baso ngunit ganon lang dahil bumalik na naman sa pag-uusap ang mga ito. Padabog na iniwan ko nalang ang mga ito at pumasok sa akin kwarto.

Reynalyn's P.O.V.

Nagpaalam sa akin si Hidio na tatawagin ang mga pinsan para sabay-sabay na kaming maghaponan. Inayos ko naman ang mesa at hinanda ang mga pagkaing niluto namin ni Hidio. Tama-tama lang na bumaba ang mga ito nang maihanda ko lahat ng pagkain.

Tulad kanina, hindi ko pinapansin si Akihiko. Naiinis kasi ako dito lalo-lalo na sa ugali nitong hindi ko gusto.

"Hindi ka ba sasabay sa aming kakain?" takang tanong ni Hidio nang nanatili parin akong nakatayo.

"Nakakahiya namang sumabay sa inyo lalo na't mga amo ko kayo at katulong lang ako." sagot ko habang kay Akihiko nakatingin.  Nakita ko namang muntik na itong mabila-okan nang sumubo ito ngnpagkain. Napatingin naman ito sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Bakit ka nag-iisip ng ganon bagay? Hindi katulong ang trato namin sayo." mahinahong sagot ni Hidio.

"Maybe sayo hindi..pero sa ibang nandito katulong ang tingin sa akin." sagot ko na si Akihiko ang tinutukoy.

Kumunot naman ang noo ni Hidio at isa-isang tiningnan ang mga pinsan.

"Wala akong pakialam sa babaeng yan." Kenshin

"Ako naman ayos lang na may iba tayong kasama dito." Daisuke

"It's fine with me." Hiroshi

Natigilan sa pagsubo ng pagkain si Akihiko nang na kanya na nakatuon ang tingin ni Hidio.

"Wha?? Ayos lang din sa akin kung kasabay nating kumain ang babaeng yan." sagot nito.

"So.. Ikaw ang nagpamukha sa kanyang katulong lang natin siya dito?" seryosong tanong ni Hidio na hindi binawi ang tingin.

Napilitan si Akihiko na ibaba ang kutsara at seryoso ring hinarap ito.

"Yeah.. Your right.. Sinabi ko nga sa kanyang katulong lang siya dito which is true naman so ano ngayon?" Aki

"Baka nakakalimutan mong we need her.. You need her kaya don't treat her that way." sagot nito na ikinatigagal ni Akihiko. Parang may nababakas akong galit sa boses nito. Pero bakit naman? Dahil ba sinabihan ako ni Aki na katulong lang ako? OMG.. Gusto kong kiligin.

"Alright." Aki

"Apologize to her." Hidio

"What?" -aki

"You heard it right." Hidio

Katahimikan.....

"Alright.. I'm sorry for what I told you earlier." nagulat pa ako nang bumaling ang tingin ni Akihiko sa akin. Hindi ko ini-expect na magsosorry ito lalo na sa harap ng mga pinsan nito kahit sabihin pang dahil sinabi iyon ni Hidio. Akala ko kasi hindi ito basta-basta humihingi ng sorry lalo na parang ma-pride ang pagkakilala ko dito.

"I apologize already.. So maupo kana at sabayan kaming kumain. "Dagdag nito nang di parin ako gumagalaw talagang nagulat lang kasi ako.

Umupo naman ako sa bakanting mesa at tahimik na sinabayan ang mga ito sa pagkain.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon