Akihiko's P.O.V.
May sariling CR ang room namin kaya dito na ko nagbihis ng damit. Hamak kasing mas malaki iyon kaysa sa kabilang kwarto. Siguro manghihiram nalang kami ng foam na matutulogan namin sa resort para magkasya kaming lima dito mamaya. Isang king size bed lang kasi ang nandoon at hindi kami magkakasya lahat.
Binuksan ko na ang pintuan para lumabas sana nang makita ko si Reynalyn na palinga-linga sa paligid habang tuwalya lang ang tanging suot nito. Mabilis kung naisara ulit ang pintuan ng kwarto. Iwan ko ba kung bakit ako pa ang magtatago habang ito naman ang nasa ganung sitwasyon.
Basta bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gustong sumabog. Bigla ring nanginig ang mga kamay ko kaya wala sa sariling naisarado ko ulit ang pinto. Buti nalang hindi masyadong gumawa nang ingay iyon.
Huminga ako nang malalim habang nakasandal sa pintuan nang kwarto. Pinakiramdaman ko munaa ng kabilang kwarto. Nang wala nang may marinig mabilis na akong naglakad palabas.
Medyo nakahinga lang ako nang maluwag nang makalabas.
"Hey, Aki. Anong nangyari sayo? Mukhang natuklaw ka nang ahas sa itchura mo."- sinalubong ako ni Daisuke mula sa pagkakaupo nito sa upuang kawayan na may kasamang square na mesa na gawa rin sa kawayan na merong malaking payong sa gitna. Kasama nito doon si Prime na siguro hinihintay si Reyn.
"Anong ginagawa mo dito?"- balik tanong ko para maiwasan ang tanong nito.
"Kakain na tayo. Hinihintay ko kayo ni Reyn para sabay- sabay na tayo."- paliwanag nito.
Maya- maya lang ay dumating din si Reyn. Nakasuot ito nang blouse na kulay skyblue at shorts na black na hindi naman masyadong maiksi.
Sabay-sabay na kaming tumungo sa resort para kumain.
Reynalyn's P.O.V.
Pagdating namin sa restaurant nang resort agad kung napansin ang paligid. Napakacozy at relaxing ang ambiance niyon na siguradong mag- eenjoy ang mga bisitang pumupunta doon.
Kumaway si Hidio sa amin kaya lumapit kami agad doon.
"Umorder na kayo. Naka-order na kami."- sabi nito pagkaupo namin.
Naunahan ako ni Prime na maupo sa tabi ni Hidio kaya sa tabi ni Aki ako bumagsak.
Maya-maya lang ay dumating na din ang mga inorder namin. Tahimik lang ang lahat hanggang sa matapos kaming kumain.
Bumalik agad kami nang bahay para magpahinga muna. Plano kasi nilang mag bonefire sa tabing dagat mamaya habang magninight swimming.
Hiroshi's P.O.V.
Hi, ako si Hitoshi Yanai maglalabing walong taong gulang na ko sa September 5. Wala akong kaibigan bukod sa mga pinsan ko. Wala kasing may nagkakalakas loob na lumapit dahil weirdo daw ako.
Nakakatakot daw ang ngiti ko at minsan nakaka-irita dahil hindi ko raw alam kung ano ang tamang pagngiti.
Meron kasi akong Alexithymia. Isa iyong psychological problem lung saan wala akong kakayahang e-identify o e-recognize ang mga feelings na nararanasan ko. Sa madaling salita hindi ko alam kung paano e-express ang bawat emotion na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano ang feelings na masaya, malungkot o natatakot kaya pinag-aaralan ko ang bawat expression nang mukha nang mga tao para kahit papano magagaya ko sila pero pumapalpak parin ako.
Sabi nila iyon daw ang sakit nang mga serial killer kaya parang baliwala lang sa kanila ang pumatay dahil wala silang pakiramdam kagaya ko. Kaya lagi kong ikinukulong ang sarili ko sa madilim kung kwarto baka bigla meron din akong mapatay na tao nang hindi namamalayan.
Iniiwas ko ang sarili sa mga tao at gumawa ako nang sariling mundo kung saan wala akong ibang taong masasaktan kaya mag- isa lang ako ngayon habang nakatayo sa malawak na dagat.
Nalaman ko noong hindi ako normal noong limang taong gulang ako. Nabasag ko ang paboritong vase ng mother ko at pinagalitan ako nito pero imbes daw na umiyak ngumiti ako. Mula noon ay pinakonsulta agad ako nito sa isang Psychiatrist at sinabing meron akong Alexithymia. Doon ko din nalamang hindi ako normal at mula noon hindi na ako nakikisalita sa mga pinsan ko kapag naglalaro ang mga ito. Lagi akong mag- isa at nagkukulong nang kwarto mula pa noong mga bata pa kami.
Biglang may tumama na tsinilas sa mukha ko habang nag-iisip. Tiningnan ko kung saan iyon galing at nakita ko ang dalawang babae. Nilapitan ko ang mga ito para ibigay ang tsinilas.
Agad naman akong umalis pero tinawag ulit ako nang babae at nilapitan. Bigla akong may naramdamang kakaiba. Iyon kasi ang unang beses na may lumapit sa akin na ibang tao. Ito din ang unang beses na kinausap ako ng isang tao na tumagal nang dalawang minuto. Karamihan kasi 30seconds lang umaalis sila agad. Hindi ko alam kung bakit pero naririnig kong nakakatakot daw ako at laging may kasamang multo.
Umalis din naman agad ang babae pero naiwan nito ang isang pares nang tsinilas. Hahabulin ko pa sana ito ngunit mabilis na itong nakalayo kaya binitbit ko nalang ang tsinilas. Ibabalik ko nalang iyon kung magkikita kami nito ulit. (hindi malang napansin ni Hiroshi ang kagandahan ni Mary Jean)
Reynalyn's P.O.V.
Naghanda na kami nang karne na iihawin mamaya habang magbo-bonefire sa tabing dagat. Mag-aalas-5:40 na iyon nang hapon at malapit na ring mag sunset kaya siguradong maya-maya lang ay didilim na ang paligid.
"Reyn, iwan mo muna iyan manood tayo nang sunset bilis."- masayang hinila ako nito papunsa may tabing dagat.
"Hoy, ayon si Hidio ang hilain mo."- napatigil kami ni Prime nang biglang humarang sa daraanan namin si Aki.
"Sige. Kaw na bahala kay Reyn."- mas lumapad ang ngiti nitong nilapitan si Hidio.
"Halika na."- yaya nito
"Ha?"- medyo nagulat pa ako.
Mas lalo akong nagulat nang bigla akong hawakan nito sa kamay at hinila papunta sa tabing dagat. Namalayan ko nalang na pareho na kaming tumatakbo habang nasa harap namin ang papalubo na sikat nang araw. Pakiramdam ko nang mga oras na iyon tumugtog ang musikang "huling El Bimbo" na magkahawak ang ating kamay na walang kamalay-malay. Basta kayo na ang kumanta yun na yun.
Sa Isla namin normal na sa akin ang magandang tanawin na iyon dahil kada hapon iyon ang lagi kong nakikita kapag lumapit nang gumabi pero nang mga oras na iyon kakaiba ang nararamdaman ko habang pareho kaming nakatayo sa gitna nang malawak na buhangin at medyo hinihingal habang nakatingin sa halos palubog na araw.
Sa buong buhay ko mula nang nagsimula akong manood ng sunset never ko pang nakita ang ganito kagandang sunset. Tama nga ang sinasabi sa mga romantic movies na madalas kung panoorin. Hindi ang paligid ang nagpapaganda ng isang lugar kundi nakadependi iyon kung sino ang taong kasama mo.
Kaya bago tuluyang magpaalam ang araw tumingin ako sa taong katabi ko at narealize kung palaging gumaganda ang paligid pag nakikita at kasama ko si Aki.
"I wish habang buhay kitang makakasama at sabay nating panoorin ang sunset."- bigla itong lumingon kaya nagtama ang paningin namin.
Halos hindi ko magawang gumalaw. Nang tuluyang sinakop nang dilim ang paligid bigla ring sinakop nang labi nito ang mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...