Chapter 11

131 7 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Kinagabihan hindi ako makatulog. Pabaling-baling lamang ako sa aking higaan. Bigla akong napahinto at napatitig sa kawalan nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ko parin kasi lubos maisip na basta nalang ito hihingi ng sorry sa akin kanina.

Kahit kasi hindi ito mukhang sinsero sa paghingi ng tawad parang mahirap parin paniwalaan.

Pero teka... Bakit ko ba iniisip ang isdang iyon? Dapat ang baby Hidio ko ang iniisip ko.

Sinubukan kong iwaglit si Akihiko sa isip ko at pinalitan iyon ng mga alaala namin ni Hidio. Nagtagumpay naman ako kaya may ngiti sa labi ko bago tuloyang pumikit ang aking mga mata.

Akihiko's P.O.V.

Tinanghali na ako nang gising. Busit kasing babaeng iyon kahit sa aking isip binubuwesit parin ako. Iwan ko ba kung bakit ko iniisip ang babaeng iyon siguro dahil.....

Dahil.....

Aist..kainis wala akong maisip na dahilan kong bakit ko iniisip ang pangit na iyon.

Inis na bumangon ako sa higaan. Inayos ko muna ang kama bago ako dumiritso sa aking sariling banyo na konektado sa aking kwarto. Naghilamos ako at nagtoothbrush bago lumabas.

"Ayy... Kabayo."

Tili ni Reynalyn nang mabangga ito sa dibdib ko. Sakto kasing papasok ako ng kusina at palabas naman ito.  Dahil sa lakas nang pagkakabangga nito nag-bounce back ito kaya sumadsad ang pwet nito paupo sa sahig.

Hindi ko alam kong matatawa ako o maaawa dito.

Nagtaas ito nang tingin at tinitigan ako nang may ngitngit. Tumaas naman ang kanang bahagi nang labi ko. Yumuko ako sa harap nito kaya halos napakalapit na nang mukha namin. tumikhim muna ako bago magsalita dahil pakiramdam ko biglang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa pangit nitong mukha.

"Wag kasing tanga.."

Sabi ko sabay alis sa harapan nito at tuloyang pumasok sa kusina.

May isang ngiting sumilay sa labi ko nang makatalikod dito. Pakiramdan ko naging masaya agad ang araw ko umaga palang samantalang kanina lang naiinis ako.

Reynalyn's P.O.V.

Talagang kauma-umaga plano akong buwesitin nang lalaking iyon. Tatayo na sana ako nang biglang lumapit sa akin si Hidio at tinulungan akong makatayo.

"What happened?" -nag-aalalang tanong nito.

"Wala ito..na--- nadulas lang ako." nakangiwi kong sagot dahil sa pagsisinungaling ko. Ayokong humaba pa ang usapan eh.

"Ganon ba? Sa susunod mag-ingat ka." -Hidio

"Tanga kasi!" biglang sabat naman ni Akihiko na hindi ko napansig nasa likod ko. 

Nakasandal ito sa may dengdeng habang umiinom ng tubig sa baso at nakatingin sa gawi namin ni Hidio.

"Stop it Aki." matigas na sabi naman dito ni Hidio.

Unti-unting lumapit si Akihiko. Huminto ito sa mismong harapan ko.

"Tell me Hidio.. Ano ba ang tawag sa tanong nadudulas na wala namang tubig o madulas na bagay sa paligid? Diba katangahan iyon? " seryosong nagsasalita ito habang nakatingin sa akin.

"Tama na yan Aki.. " pigil ulit nito.

"Alright..." -sagot nito pero sa akin parin nakatingin. "By the way.. Busy akong tao at dahil ikaw lang ang pweding mautosan sa bahay na ito kaya ikaw na nag bumuli ng mga gamit namin na kakailanganin sa school." nang-uuyam ang mga ngiting pinakawalan nito kaya ang sarap tuloy ilagay sa sako para di ko na makita ang nakakainis na mukha nito.

"Seryoso ka ba? Di mo ba nakikita ang katawan niya sa dami ng gamit na kailangan niyang buhatin?" -Hidio

"E di samaham mo." -Akihiko

"Sige sasama ako sayo Reyn.. Wait me here maliligo lang ako saglit." -Hidio

Nakaligo na kasi ako kaya magbibihis nalang ako para umalis at bilhin ang inuutos ni Aki.

Napansin ko namang tela natigilan ito na para bang hindi nito eni- expect ang pagpayag ni Hidio. Nakatulala parin kasi ito kahit wala na sa harap namin si Hidio.

Iniwan ko nalang ito at pumasok ng kwarto para makapagbihis na rin ng pang-alis. Isang fitted jeans na maong at isang blouse na dilaw ang isinuot ko.

Naglagay ako nang pabango at pulbo bago ako lumabas syempre para magmukha namang presentable ang itchura ko.

Hindi ko na nakita si Akihiko nang lumabas ako. Dumiritso ako nang salas at naupo doon. Doon ko hinintay si Hidio na hindi rin nagtagal ay bumaba na rin ng hagdan. Isang ngiti agad ang pinikawalan nito kaya biglang nawala ang inis sa puso ko dahil kay Akihiko.

Sabay na kaming lumabas at dumiritso sa garahe dahil nandoon ang blue kotse nito.

Sa mall kami dumiritso dahil sabi nito mas convinient kung sa National Bookstore nalang kami bumili. Sumunod nalang ako dito dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon.

Sa Isla kasi sa bayan pa kami bumibili ng gamit sa school. Pero hindi sa National Bookstore dahil "gold" ang presyo nang mga gamit doon. kaya kung ako lang ang masusunod ayokong bumili doon.

Maya-maya pa ay busy na kami sa pamimili nang maagaw ang attention ko sa isang wattpad book na nakadisplay. Kukunin ko sana iyon nang maunahan ako ng isang kamay kaya wala sa sariling napasunod doon ang tingin ko.

Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahan ang taong nasa tabi ko habang tudo ang ngiti sa labi.

Walang iba kundi si Akihiko. Pero bakit ito nanroon? Akala ko ba busy ito? Sinundan ba kami nito ? Pero bakit?

Puno nang katanungan ang mga mata kong gulat parin habang nakatitig dito. Habang hindi parin mawala-wala ang magandang ngiti sa labi nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon