Chapter 12

132 7 0
                                    

Akihiko's P.O.V.

Saglit akong natigilan sa ideyang sasamahan ni Hidio si Reynalyn na mamili ng mga gamit sa school. Nakakairita na ngang tingnan ang mga itong magkasama dito sa bahay pati ba naman sa labas magsasama ulit ang mga ito? Hindi ba nagsasawa ang mga itong tingnan ang mukha ng bawat isa?

Maya-maya ay nakita ko ang pag-alis nang mga ito habang nakatanaw ako sa baba mula sa balcony nang kwarto ko. Nasa mismong harapan kasi ng gate ang kwarto ko kaya kitang-kita ko kung sino ang umaalis.

Bigla ko na naman naramdaman ang inis nang makita ang mga ito kaya pumasok ako sa loob at nahiga sa kama. Ilang saglit akong napatitig sa kisame. Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay bored na bored ako kaya mabilis akong bumangon nang kama para sundan ang mga ito. Nag-eenjoy kasi akong inisin si Reynalyn kaya susundan ko lang ito para mawala ang pagkabored ko.

Naligo na rin ako kanina nang magpaalam si Hidio na maliligo kaya kinuha ko nalang ang jacket kong kulay brown at ipinatong sa puting v-neck tshirt na suot ko.

Nakaalis na ang mga ito ng makababa ako kaya dumiritso na ako ng garahe at sumakay ng aking kotse.

Dalawang mall lang ang malapit sa amin kaya doon ako dumiritso. Pagpasok ko ng mall agad akong dumirtso nang national bookstore dahil alam kong doon dumiritso ang mga ito. Hinanap ko ang ito. Nagpalibot-libot ako sa loob pero ni anino nang dalawa ay hindi ko nakita.

Inis na nilisan ko ang mall at lumipat sa isa pang mall na di kalayuan doon. Tulad kanina isang lugar lang ang pinuntahan ko. Dumiritso ulit ako sa bookstore. Pagkapasok ko palang agad lumapad ang ngiti sa labi ko nang agad na makita ang hinahanap.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nito. Mukhang hindi ako nito napansin dahil mukhang abala ito sa pamimili ng mga wattpad books. Pasimple akong lumapit mula sa likuran nito sabay abot sa librong balak sana nitong kunin.

Naunahan ko ito sa pag-abot ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko kundi sa kamay nitong nakadantay sa kamay kung nakahawak sa librong balak kong kunin. Pakiramdam ko ay parang saglit na tumigil ang pag- ikot ng mundo ng mga oras na iyon.

Kusang lumipat ang paningin ko sa mukha nito, sa mga matang nagtatakang nakatingin sa akin. Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko habang hindi iniaalis ang tingin sa mukha nito.

Dinig na dinig ko ang malakas na tambol nang dibdib ko kaya nang makabawi ako sa saglit na pagkawala sa sarili. Agad kong nilayo ang sarili mula sa pagkakatayo ko sa likuran nito. Parang bigla akong natakot na marinig nito ang malakas na pintig ng puso ko.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba magpapabili ka lang ng gamit?" nagulat pa ako nang marinig ang boses ni Hidio na papalapit sa kinaroonan namin.

Tumikhim  ako para alisin ang nakabara sa lalamunan ko bago ito sinagot .

"May nakalimutan lang akong e-pabili. Akala ko nga sa kabilang mall kayo dahil iyon ang mas malapit kaya nagulat ako na makita kayo dito." palusot ko para wag nilang isiping sinundan ko nga sila.

"Ah,. Mas malaki kasi ang bookstore nila dito kaya dito na kami pumunta." Hidio

"Tsk..pwedi namang e-txt bakit pa pumunta." bulong ni Reynalyn na rinig ko naman o sadyang pinarinig talaga nito.

"Mas mabuti kasing ako ang pumili non." -ako

"Bakit ano ba yon na di mo kayang ipabili sa amin?" inis namang tanong nito ulit.

Tiningnan ko ito bago sinagot na sakto namang nakatingin din ito sa akin.

"Condom.. Yan ang ipapabili ko. Bibilhan mo ba ako? "Mahinang sagot ko.

Nakita ko ang biglang pamumula nang mukha nito at ang pag-awang nang labi nito. Gusto kong tumawa sa hitsura nito dahil alam kong nagulat ito sa sagot ko.

Pero saglit lang ang pagkagulat nito dahil mataray na naman akong hinarap nito.

"Abnoy ka ba? Walang tindang condom sa bookstore baka di mo alam." mahinang sagot nito pero may diin na parang nagpipigil nang inis.

Nginitian ko ulit ito.

"Alam ko.. Pero doon meron." turo ko sa store na katapat nang bookstore. Sumunod naman ang tingin nito sa itinuro ko habang si Hidio ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa.

"Eh doon pala meron ng gusto mong bilihin bakit ka nandito?" -Reynalyn

"Dahil nakita kita." mabilis kong sagot na ikinatigagal nito. Nagdiwang tuloy ang puso ko dahil alam kong naapektohan ito sa sagot ko.

"So? Ano ngayon kung nakita mo ako?" bumalik ulit ito sa pagtataray.

"Wala lang .. Nawala na ang pagkabored ko." ako

"Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi tayo matatapos sa pamimili pag di pa kayo tumigil." inawat na kami ni Hidio. Siguro di na nakatiis sa pagbabangayan namin.

"Alright.. Aalis na ako para mabili ko na rin yong gusto kung bilhin...(Inilapit ko pa ang bibig sa tenga) para masubukan." bulong ko sabay alis sa harap nito pero bago ako tumalikod nakita ko pa ang pamumula ulit nang mukha nito.

Natatawa akong umalis sa mga ito. Pero hindi ako pumunta sa store na iyon para bumuli ng condom. Talagang pang-iinis ko lang iyon kay Reynalyn. Dumiritso na ako sa isang store nang mga signature bag. Balak kong bumuli nang bagong bag para sa darating na pasukan.

Babalikan ko nalang ang mga ito mamaya para yayaing kumain bago umuwi.Nasa tabi lang naman ng bookstore ang store kaya makikita ko pag lumabas na ang mga ito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon