Reynalyn's P.O.V.
Pagbaba ko nang sasakyan ni Akihiko napansin ko agad ang principal na nasa may tabi nang guard habang busy nitong pinapagalitan ang iba pang studyanteng na late.
Sa labas na pi- nark ni Aki ang sasakyan nito dahil nga late na kami at sarado na ang gate. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa likod ko.
Napakagat-labi nalang ako habang papalapit sa gate. Naka- awang iyon nang bahagya kaya pumasok ako nang dahan- dahan sabay senyas sa guard na tumahimik lang. Sumunod naman si Manong guard dahil ibinaling nito sa iba ang tingin para kunwaring di ako napansin.
Nakatalikod yong principal kaya tahimik akong naglakad papasok para wag mapansin nito ngunit ang abnoy na si Aki talagang nilakihan pa ang bukas nang gate kaya gumawa iyon nang ingay na ikinalingon ng principal.
Nilungon ko si Aki at tiningnan ito ng masama.
"Kayong dalawa lumapit kayo dito."- tawag nito sa aming dalawa.
Nakayukong lumapit ako dito sa takot na mapagalitan nito lalo na at firstime kong malate mula pa noong nasa Elementarya ako. Matalino kasi ako kaya gusto ko ring maganda ang records ko sa school.
"Bakit late kayong dalawa?" - tanong nito.
"K-kasi po--."-ako
"Na-flat po yong gulong ng sasakyan ko kaya pina- ayos ko muna bago dumiritso dito."- sagot ni Aki na pinutol ang sasabihin ko.
Kumunot naman ang noo ng principal.
"Magkasama kayo?"- tanong nito ulit
"Yes."- Aki
"No."- ako
Mas lalo yatang kumunot ang noo ng principal sa magkasalungat na sagot namin ni Aki.
"I mean nakita ko po siyang naglalakad sa daan kaya pinasakay ko na."- paliwanag ni Aki.
Medyo nakahinga ako ng bahagya dahil hindi ko sana alam ang sasabihin buti nalang mabilis itong nakapag- isip ng dahilan.
Wala kasing dapat maka- alam na nakatira kami sa iisang bahay baka ano ang isipin ng mga ito lalo na ng mga fans ng limang hapon siguradong patay ako kapag may makaka-alam.
"Alright, sige pumasok na kayo pero mamayang hapon pagkatapos ng klase linisin niyo yong laboratory natin dahil masyado nang ma-alikabok doon. Iyon ang magiging parusa niyo dahil late kayo."- sabi nito.
Tumango nalang ako sabay takbo papuntang classroom namin.
Hidio's P.O.V.
"Water?"- ini-abot ko ang dala kong mineral water pagka- upo ni Reyn sa tabi ko. Hinihingal pa kasi ito at tela pagod na pagod.
Inabot naman nito ang tubig tyaka ininom. Halos mangalahati din siguro ang nabawas doon.
"Ok kalang ba? Bakit ka tinanghali ng gising?"- tanong ko ulit.
"Ok lang ako. Di lang ako nakatulog ng ma-ayos dahil bigla kong na-miss ang mga magulang ko."- sagot nito.
Tumango nalang ako bilang tugon dito.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomansaReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...