Akihiko's P.O.V.
Umalis si Reynalyn nang may sinagot itong tawag. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng inis sa pag-aakalang lalaki yong kausap nito kay lihim ko itong sinundan. Hindi ko ugaling makinig ng usapan ng iba pero hindi ko kayang pigilan ang sariling wag makinig sa usapan ng kung sino mang kausap nito.
Huminto ito sa labas nang kusina habang ako ay nagtago sa likod nang dengdeng malapit rito na sakto lang para marinig ko ang sinasabi nito.
Napangiti ako nang mapagtantong yong mother nito ang kausap. Aalis na sana ako para ipagpatuloy ang nasimulang paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto nang biglang gumaralgal ang boses nito. Bigla ring nawala ang ngiti ko at napalitan ng kakaibang kirot sa puso ko. Unti-unti ko sinilip mula sa pinagtataguan ko. Medyo nakatagilid ito sa akin pero hindi doon maitatago ang lungkot sa mukha nito.
Parang sinipa ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang pinag- uusapan ng mga ito pero alam ko kung bakit ako nasasaktan habang nakatingin rito.
Mahal ko nga talaga ito. Kaya ako nalulungkot dahil malungkot ito. Kaya parang nadudurog ang puso ko dahil alam kong nahihirapan ang puso nito. Siguro miss na miss na nito ang mga magulang kaya parang bigla itong naging matamlay.
Wala man lang akong magawa para aluin ito kundi ang panuorin itong maglakad hanggang makapasok sa loob ng kwarto nito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil pakiramdam ko para akong sinasakal.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto para kahit papano maiwasksi ito sa isip ngunit nagkamali ako dahil hanggang sa matapos ko na ang pagluluto hindi maipagkakaila ang pagiging matamlay ko.
Lumabas ako ng kusina kaya napako ang tingin ko sa nakapinid na pinto ng kwarto ni Reyn. Hindi ko namalayang unti- unti na pala akong lumalapit doon hanggang sa namalayan ko nalang na nakatayo na ako sa harap ng pinto.
Itinaas ko ang kaliwang kamay para katokin sana ito pero nanatili lang iyon sa iri. Naisip ko kasing baka gusto nitong mapag- isa muna kaya maharan akong tumalikod pero biglang bumukas ang pinto.
Ang namumugtong mga mata nitoa ng una kong nasilayan.
"Shit."- mura ko sa sarili.
Parang gusto ko itong kabigin ng mahugpit na yakap at punasan ang mga natirang luha nito sa mga mata ng oras na iyon ngunit hindi ko maigalaw ang katawan. Nakatitig lang ako sa malungkot nitong mukha.
Reynalyn's P.O.V.
Matapos magkulong at umiyak naisipan kong lumabas ng kwarto nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Naisip kong kailangan ko pang maglinis nang bahay dahil kahit papano sinusweldohan parin ako ng mga ito kahit sabihin pang nagpapanggap lamang akong katulong ng mga ito.
Lumabas ako ng kwarto na mugto ang mga mata sa pag- iyak pero hindi ko na maitatago iyon dahil nagtama ang paningin namin ni Aki.
Nakatayo ito sa labas ng kwarto ko habang seryosong nakatingin sa akin. Pero teka? Ano yong nakikita ko sa mga mata nito? Bakit parang ang lungkot ng mga mata nito?
Maganda ang mga mata nito na parang laging nakangiti ang mga iyon habang tinitigan kaya iyon ang bahagi ng mukha nito ang pinakagusto ko ngunit ngayon. Kakaiba ang lamlam ng mga mata nito. first time kong makita na ganun kalungkot ng mga mata nito pero bakit kaya?
Tumikhim ito.
"Kakain na tayo ng agahan. Pakitawag nalang yong iba."- sabi nito sabay akyat ng hagdan. Hindi man lang nito hinintay ang isasagot ko.
Bumuntong hininga ako at sumunod dito para isa- isang tawagin ang mga pinsan nito para kumain.
Akihiko's P.O.V.
Umalis ako agad sa harap nito. Ayokong mabasa nito ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ayokong makita niton tulad lang din ako ng iba na nasasaktan at may kahinaan din. Gusto kong manatuliling nasa isip nito ang masayahing ako. Yung walang problema at chill lang sa buhay dahil ayukong kaawaan.
Mas ayokong kaawaan nito. Ayokong mahulog ito sa akin dahil awa. Gusto kong mahalin niya ako bilang Aki na mapaglaro o maluko sa babae. Iwan ko pero gusto kong umasa na baka isang araw maging matapang itong mahalin ako at pagkatiwalaan kahit alam nitong masama ang repostasyon ko sa mga babae.
Hind na rin ako nagtagal sa kwarto ko at bumababa na para kumain. Nandoon na silang lahat ng dumating ako kaya naupo na din ako.
"Ano ba naman Aki. Akala ko gumagaling kanang magluto bakit lasang panis ulit ang luto mo."- narinig kong reklamo ni Daisuke na maduwal-duwal pa.
Tumingin ako sa iba pero parang wala lang naman sa mga ito at patuloy paring kumakain hanggang napatingin ako kay Reynalyn sumusubo din ito ng pagkain pero parang wala sa sarili. Talaga bang nalalasahan nito ang kinakain?
Sinubukan kong tikman ang niluto kanina pero tama si Daisuke. Mapakla at maasin ang lasa ng sinigang na niluto ko. Mabilis akong tumayo at nilapitan si Reyn. Alam kong nagulat ang mga ito maliban kay Reyn na parang wala paring sa sarili.
Pigilan ko ang kamay nito sa pagtatangkang susubo ulit. Napatingin ito sa akin.
"Tama na yan baka sumama pa ang tyan mo."- nagtatakang tumingin ito sa mga pinsan ko na tela naghahanap ng sagot sa sinabi ko.
Hindi nga nito nalasahan ang kinkain kaya hindi nito maintindihan ang ibig kong sabihin.
"Tumayo kana jan at samahan akong mag-grocery dahil mag-oovernight tayo sa beach."- seryoso kong sabi.
Parang nagulat pa ito sa sinabi ko dahil nakanganga pa itong nakatingin sa akin.
"Sino may sabing aalis tayo?"- Daisuke.
"Sabi ko."- mabilis kong sagot.
"Wala akong pera kaya sino gagastos?"- tanong nito ulit
"Sagot ko lahat kaya wag kayong mag- alala."- ako
"Game."- pagpayag ni Daisuke na pangiti-ngiti pa.
"Count me in."- Hidio
"Whatever."- Kenshin.
Si Hiroshi naman ay kumiti lang pero alam kong payag din ito. Napangiti na din ako.
I'm sorry Reyn. Ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon para wag kana malungkot. Alam kung sa isla ka lumaki kaya gusto kong dalhin ka malapit sa dagat para kahit papano maramdaman mong hindi ka ganun kalayo sa pamilya mo. Na kahit.. Ako ngayon ang nasa tabi mo gusto kong iparating sayo na sa pamamagitan ng malawak na karagatan.. Mananatili kang konektado sa kanila.
Tulad ng dagat at mga bituin sa langit. Kahit ano man kahaba ng panahon kaya kitang hintayin. Kahit ganu mo man kalayo sa akin pupuntahan pari kita manatili kalang sa tabi ko dahil mahal kita.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
Любовные романыReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...