Chapter 43

84 5 2
                                    

Akihiko's P.O.V.

Hindi pa ako inaantok dahil iniisip ko kung anong gustong sabihin kanina ni Reyn bago dumating si Grandma. Tulog na ang lahat siguro dahil napagod ang mga ito.

Bumangon ako at kinuha ang jacket sa loob nang bag na dala at tuloy- tuloy na lumabas. Habang abala sa paglalakad mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang isang hindi katangkarang babae sa harap ko.

Nakatayo ito habang nakatanaw sa dagat. Napangiti ako dahil kahit gabi at nakatalikod ito sa akin ay kilala ko parin kung sino iyon. Siguro ganon nga kapag mahalaga sayo ang isang tao. Mabilis mo silang makikilala kahit pa sa malayo.

Dahan- dahan akong lumapit sa kinatatayuan nito.  Sa sobrang lalim nang iniisip nito kaya hindi man lang nito ako napansin sa may tabi nito.

"Hindi ka rin ba makatulog?"- tanong ko na ikinagulat nito.

"B-bakit ka nandito?"- balik tanong nito.

Isinuot ko sa bulsa ang dalawang kamay bago ito isagot.

"Hindi pa ako inaantok kaya naisipan kung lumabas."- sagot ko.

"Ah, hindi din ako makatulog kaya nandito ako."- mahinang sagot nito habang nakatanaw parin sa dagat.

"Siguro iniisip mo ako kaya di ka makatulog no?"- patudyong sabi ko.

"Tama ka. Iniisip nga kita."

Halos makagat ko ang dila sa walang pagdadalawang isip na sabi nito. Napawi din ang nakakalokang ngiting pinakawalan ko kanina at naging seryoso. Tiningnan ko ito at napansin kong nakatingin din ito sa akin.

Biglang lumakas ang tibok nang puso ko. Ngayon lang yata ako hindi mapakali sa harap nang isang babae.

"Ba-kit mo.. Ako iniisip?"- pautal- utal kung tanong.

"Dahil gusto din kita."

Tama ba ang narinig ko? O baka nananaginip lang ako nang mga oras na iyon?

"Totoo ba to?"- wala sa sarili kong tanong.

Ngumiti ito nang ubod nang tamis at biglang umangat ang dalawang kamay sabay kurot ng malakas sa magkabila kong pisngi.

"Arayy."- marahan kong sigaw. Nasasaktan ako kaya ibig sabihin hindi nga iyon panaginip.

Muli kung tinuon ang tingin sa tumatawa na ngayong si Reyn habang nakatingin sa akin.

Nang mga oras ding iyon pakiramdam ko parang sasabog ang puso ko sa saya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko lang ay masayang- masaya akong malamang mahal din ako nang taong mahal ko.

Reynalyn's P.O.V.

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Akihiko sa tabi ko. Ito ang laman nang isip ko mula pa kanina. Dahil nakaipon na ako nang sapat na lakas nang loob kaya inamin ko na ditong gusto ko siya.

Halos sumabog ang puso ko sa tindi nang kaba nang sabihin ko dito ang nararamdaman ko ngunit saglit lang iyon dahil nang makita kong hindi ito makapaniwala natawa na ako sa reaksyon nito.

Masaya ko itong pinapanood na palakad-lakad habang nakangiti at tumatawa na parang baliw habang pasulyap-sulyap sa may gawi ko.

Ilang saglit pa itong nagpabalik- balik nang lakad tiya tumakbo sa kinaroroonan ko at iniyak ako ang mahigpit.

"Talaga bang mahal mo rin ako?"- paanas nitong sabi sa pagitan nang yakap nito.

Tumango ako bilang tugon dito at itinaas ang mga kamay sa likod nito para gantihan nang yakap.

"Ibig bang sabihin girlfriend na kita?"-  namamaos na nitong tanong.

"Yes Aki, mula ngayon meron nang tayo."- nakangiti kong sagot.

Hindi ko na ito muling narinig magsalita pero nagtaka ako bakit biglang yumuyogyog ang balikat nito. Umiiyak ba ito? Pero bakit?

Balak ko sanang kumalas para kompermahin ang hinala ko ngunit mas lalo ako nitong hinapit papalamit ay niyakap nang mas mahigpit.

"Please let me hug you more."- paos na pakiuspa nito.

Hinayaan ko lang ito hanggang sa ito na ang kusang bumitiw. At mula sa maliwanag na sikat na buwan nakita ko ang pag kislap ng luha sa mga mata nito.

Umiyak nga ito pero bakit?

"Bakit ka umiyak? Sinabi ko lang sayong gus--"

"Shhhh..masaya lang ako." Nakangiting sagot nito at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"K-kailangan ba talagang umiyak ka?" -takang tanong ko dahil parang oe naman yata diba? Pero deep inside masaya ako.

"Silly girlfriend. Kasalanan ko bang kusang naluha ang mga mata ko dahil sayo?"- pangiti- ngiting sagot nito.

Oh thats smile. How I loved Aki's smile.

"Hmpft."

Pairap kong sagot. Bigla naman ako nitong hinila sa kamay tiyaka niyakap nang patalikod. Pinalibot nitoa ng braso sa bewang ko. Hindi ko na naramdaman ang lamig nang gabi dahil mas nanaig ang init mula sa katawan nito.

"Nakikita mo ba buwan?"

Tumango ako.

"Pakiramdam ko para akong isang buwan sa langit"

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang biglang pagiging makata nito.

"Nag-iisa at walang sariling liwanag. Kaya ako naiyak dahil akala ko noon habang buhay na akong mag-iisa at magkukunwaring masaya."

Parang may biglang sumipa sa dibdib ko. Ramdam ko ang lingko nito. Sa katunayan isa din ako sa maraming taong humusga sa pagkatao nito.

Umikot ako para magkaharap kami. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa mukha ko.

"Para sa akin hindi ka isang buwan. Dahil ikaw ang bituin ko na dati akala ko hindi ko kayang abotin ngunit isang araw bigla kang bumababa sa mundo ko kaya naging akin ka ngayon Aki. Mula ngayon ayukong isipin mong mag- isa ka dahil mula ngayon nandito ako para sayo."- madamdamin kong pahayag at totoo lahat nang iyon mula sa puso ko.

Yumuko ito at hinalikan ang noo ko. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti at kiligin sa simpleng halik nito kaya niyakap ko ito.

"Maybe for you I'm the farthest star in the universe na tinitingala mo noon but for me. I'm willing to be a falling star na mahuhulog para sayo."

"Ano ba yan. Ang cornie naman natin."- natatawa kong sabi.

Sinabayan din nito ang pagtawa ko. Siguro talagang ganon kapag na-iinlove tayo. Nagiging cornie dahil sa sobrang saya.

Nagyaya pa ito na maglakad-lakad sa tabing dagat na magkahawak kamay. Talagang sinulit namin ang ganda nang panahon at paligid dahil minsan lang ang ganoong pagkakataon.

Mag-aala una na nang mapagdisisyonan naming bumalik nang bahay para matulog.

Pero hanggang sa mahiga ulit ako sa kama. Dama ko parin ang kilig dahil sa wakas nahulog din ang bituing tinatanaw ko lang noon.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon