Chapter 34

97 5 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok pero bumangon parin ako nang maaga para magluto nang almusal baka maunahan na naman ako ni Aki na talagang kinarer na ang pagluluto.

Saktong pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Daisuke na tinatawag ang pangalan ni Aki. Hindi man ako yong taong tinatawag nito hindi ko paring maiwasang huwag lumingon dito.

Nakita ko si Daisuke sa may daanan papuntang pool area. Nakasuot ito ng itim na swimming trunk at walang suot na pangtaas.

Kalahating segundo ko palang siguro nasilay ito nang may biglang humawak sa kamay ko sabay hila sa akin kaya napa- atras ako at napasandal sa matitipunong katawan nito. Kasabay niyon ay ang pagtakip ng isa pang kamay nito sa mga mata ko kaya wala na akong makitang kahit ano.

Magpupumiglas na sana ako nang marinig ko itong magsalita mula sa likuran ko.

"Umayos ka Daisuke. Baka nakalimutan mong merong babae sa bahay na ito." - kilala ko ang boses ni Aki kaya sigurado akong ito yong nasa likod ko.

"Sorry."- iyon ang huling boses na narinig kong sabi ni Daisuke bago ako hinila ulit ni Akihiko paharap dito.

Kinuha na rin nito ang kamay nitong nakatakip sa mga mata ko kanina kaya malaya ko nang nasisilayan ngayon ang napakagwapo nitong mukha. Mataas ito, parang isa itong isang mataas na pader na kailangan ko pang tingalain para makita ang mukha nito. Bigla na namang nagwala ang puso ko sa loob. Kaya medyo nawala na naman sa katinaun ang isip ko.

Panu pala kung hahalikan ko siya? Kailangan ko bang magsuot ng hills para maabot ko ang labi nito?

Hayy nako Reynalyn ayan ka na naman si pantasya mo baka nakalimutan mong playboy yang kaharap mo baka gusto mong mabroken hearted ng bonggang-bongga.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit tinakpan mo yong mga mata ko?"- sinadya kong tarayan ang boses para hindi nito mahalata ang tunay na nararamdaman ko.

"Dahil hindi ko gustong tinan mo iyon."- seryosong sagot nito. Alam kong si Daisuke ang tinutukoy nito.

"Bakit ba? Ano naman pakialam ko kung makita ko yong katawan ni Daisuke? Sa amin nga halos lahat ng tabay nakahubad naglalakad ng nakahubad sa kalsada."- pagtataas ko parin ng boses.

"Basta ayoko. Ayokong may ibang katawan kang tinitingnan bukod sa akin."- dagdag nito.

Nakatingin ito sa mukha ko, sa mga mata ko kaya parang napapaso ako sa titig nito kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin.

"Ano namang pakialam mo? Minsan di naman maiiwasan iyon dahil hindia ko bulag."- sagot ko.

"Kung gusto mo willing naman akong maghubad sa harap mo basta ako lang. Sa akin lang."- may diin sa bawat salita nito kaya napatingin ulit ako sa seryosong mukha nito.

Ano bang priblema nito? Ano ang akala nito sa akin manyak at never pa makakita ng katawan ng lalaki? Baka di nito alam na nagbabasa din ako ng possessive series no. Mas maganda at mas matipuno pa ang mga katawan ng mga bida doon.

"Bahala kana nga jan. Hindi ako interesado sa katawan mo kaya tigilan mo na ako."- nagwalk out na ako sa harap nito dahil pakiramdam ko any moment babagsak nalang ako sa harapan nito dahil sa panghihina nang mga tuhod nito. Bakit ba kasi tungkol sa mga katawan yong usapan naman.

Sumunod ito sa likuran ko pero bago pa ako makapasok ng kusina bigla na naman ako nito hinawakan sa pulso at hinila papasok. Hinila nito ang isang upuan ar pinaupo ako doon. Ako naman parang hindi pa makamove on sa ginawa nito kaya nanatili akong nakatulala sa hangin.

"Maupo kalang at panuorin akong magluto. Sasarapan ko para sayo."- malamping sabi nito.

Naipilig ko ang ulo dahil sa kilig na nararamdaman. Ano bang akala nito? Bagong kasal kami?

Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang magring ang de keypad kong cellphon na nasa bulsa ng suot kong shorts.

Mula sa screen nakita ko ang pangalan ni nanay. Agad kong sinagot iyon dahil miss na miss ko na ito.

"Helo nay, bakit ngayon lang kayo tumawag."- mangiyak-ngiyak kong tanong sa kabilang linya.

Tumayo ako at lumabas ng kusina ayoko kasing may makarinig sa usapan namin ng aking ina.

"Pasensya kana anak. Alam mo naman walang cignal sa bahay. Kailangan pa nating umakyat sa bundok o di kaya pumunta sa kabilang barangay para magacignal tayo."- naiiyak din nitong sagot. Alam kong miss na miss na din ako nito.

Tama ang sinabi nito wala kaming cignal nang kahit isa man sa globe or smart na mobile connection. Pero merong internet connection na nanggagaling sa mga router na ikinabit ng PLDT pero medyo may kamahalan iyon kaya wala din kaming ganun sa bahay.

Kung kailangang tumawag pumupunta pa kami sa bundok o di kaya sa kabilang barangay na may isa at kalahating kilometro din ang layo kaya hindi mo sila masisi kung abkit ngayon lang ang mga ito tumawag.

"Kamusta na po kayo nay? Si tatay? Ang kapatid ko?"- sunod- sunod kung tanong.

"ok lang naman kami dito anak. Si tatay mo nagkasakit nang umalis ka kaya hindi ko din ito maiwan sa bahay para makatawag sayo kaya pasensya kana talaga kung bakit ngayon lang kita nakontak."- paliwanag nito.

"Kamusta na po si tatay? Ok lang po ako dito nay kaya wag po kayong mag- alala." -sagot ko.

"Ok na si tatay mo nakapagtrabaho na ulit sa dagat nang nakaraang araw."- nanay

"Mabuti naman po nay. Miss na miss ko na po kayo. "

Nang marinig ko ang boses ni nanay parang bigla akong nangulila sa mga ito. Parang gusto ko nang umuwi pero hindi pwedi.

"Miss na miss kana din namin anak. Sa makalawa magpapadala ako ng allowance mo. Si Tiya mo kamusta na pala jan?"

Bigla akong natigilan sa tanong na iyon ni nanay. Muntik ko nang makalimutam ang masamang nangyari sa akin. Ang masakit na ginawa ng sarili kong tiya sa akin. Hindi ko tuloy napansin ang pagtulo nang mga luha sa mga mata ko habang nakatingin sa malayo.

"Anak? Nariyan kapa ba?"- nag- aalalang tanong nito.

"N-nandito pa po ako nay. Si t-tiya ok lang naman po. Mabait naman po sila sa akin."- pagsisinungaling ko ayoko kasing mag- alala pa ang mga ito lalo na pag nalaman nito ang ginawa ni tiya sa akin.

"Ganun ba anak? Basta mag- aral ka nangabuti jan anak. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo at tiya mo. Mag- ingat ka lagi at tandaan mong mahal na mahal ka namin."- madamdaming bilin nito.

"Oo nay. Tutuparin ko po ang paangarap ko para sa inyo. Pero wag niyo pa akong padalhan ng allowance dito nay. Kaya ko po ang sarili ko."- ako

"Bakit naman anak? Kailangan mo ng pera kahit nalang sa pampersonal mong gamit."- nanay

"Nagpapartime job po ako dito kaya wag na po kayo mag- alala. Ipunin niyo nalang po jan para sa kapatid ko."

"Sigurado ka ba anak? Hindi kaba nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho?" -alam kong nag-aalala ito.

"Hindi naman po nay. Ingat din po kayo jan. Maglalaba pa po ako kaya ikamusta mo nalang po ako sa kanila."

Pinutol ko na ang pag-uusap namin ni nanay parang bigla kasi akong nanghina nang maalala ang masakit na nakaraan. Pumasok ako ng kwarto dahil parang gusto kong magkulong nalang muna doon at umiyak. Iwan ko pero biglang nalang akong naging emosyonal matapos makausap ang ina.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon