Chapter 28

109 7 0
                                    

Akihiko's P.O.V.

Para akong hinabol nang sampong kabayo sa bilis nang lakad ko makaalis lang sa harap ni Reynalyn. Agad akong napahawak sa sariling dibdib matapos maisara ang pintuan ng kwarto.

"Ang bilis nang pintig nang puso ko. Haist, muntik ko na siyang halikan buti nalang naka- aalis ako agad."- mahina kong bulong sa sarili.

Dahan- dahan akong sumandal sa likod nang pinto habang nakahawak parin sa nag- aalburutong puso.

Mali na nga ang naging simula namin dahil sa mga hindi sinasadyang engkwentro kaya hindi dapat ako magpadala sa damdamin baka isipin talaga nitong manyak ako. Ayoko naman itong lalong umiwas at mas maging mailap dahil tiyak na mas mahihirapan akong suyuin ito.

Haist, mahirap nga talagang maghintay para sa taong mahal mo nakakabaliw.

Umalis ako sa likuran nang pinto at pumuwisto sa isang gitna nang kwarto ko para magpush up. Kailangan kong payapain ang puso't katawan bago harapin ulit ito mamaya.

Hindi pa ako nagtagal sa ginawa nang may marinig akong ilang katok.

Reynalyn's P.O.V.

Kakatok pa sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang pawis na pawis na si Akihiko habang suot parin ang uniform. Hindi parin ito nakapagbihis at tela hinihingal pa.

"Anong kailangan mo?" - medyo paos ang boses nito.

Hindi ako nakapagsalita agad dahil napatitig ako sa mukha nito. Ganon nga sinuro kapag gwapo kahit pawisan na nagmumukha paring presko.

"Hubarin mo yong damit mo."- wala sa sariling sagot ko habang hindi inaalis ang mata sa mukha nito.

"What?"- biglang tumaas ang boses nito na ikinabalik yata ng sistema ko.

"Ha?"- tela gulat ko rin sagot

Bigla itong ngumiti na mas lalong ikinagwapo nito. " Ms. Reynalyn, birhin pa ako kaya hindi kita kayang pagbigyan sa gusto mo."- tela nakakalokong ngumiti ito.

Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig nang maalala ang sinabi. "Bi-birhin m-mong mukha mo. T-tatahiin ko lang yong butones n-nang uniform mo."- nauutal kong sagot.

Bigla nalang itong yumuko sa harap ko kaya halos magpanta na ang mga mukha namin.

"Bakit namumula yang mukha mo? Madumi ang iniisip mo no?"- dagdag pa nito . Agad naman kaong napahawak sa sariling mukha para maitago ang pamumula niyon sabay tulak nang marahan dito.

"Bahala nga na nga jan."- inis kong sabi sabay talikod dito ngunit mabilis ang mga kamay nitong hinawakan ang kamay ko.

"Teka lang!"- pigil nito na ikinatigil sa tangka kong pag- alis.

"Ikaw naman di na mabiro." Sabi nito habang hinuhubad ang uniform. "Here." - sabay abot nito.

Napatingin ako sa nakalahad na kamay nito habang hawak nakahawak sa uniform.

Mabilis ko nang kinuha iyon at naglakad pababa ng hagdan. Para akong hinahabol sa bilis nang mga hakbang ko.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon