Reynalyn's P.O.V.
Agad na akong pumasok sa aking kwarto bago pa buksan nang mga ito ang plastic na pinaglagyan ng mga binili kong gamit para sa mga ito.
Kanina kasi sinubukan kong humingi ng tulong kay Hidio dahil nahihirapan akong pumili ng gamit para sa mga ito ngunit busy ito sa pamimili ng mga romance book kaya sabi nito ako na daw ang bahala. Kaya iyon ang nangyari pinili ko ang lahat ng mga cartoon characters na gusto ko. Sabi kasi nito ako ang bahala kaya bahala sila kung ayaw nila ng mga binili ko.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama dahil nakaramdam ako agad ng pagod. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog ngunit pagkalipas ng labing-limang minuto ay meron nang kumatok sa aking pintuan. Kinutuban na ako na isa sa apat na binilhan ko ng gamit ang kumatok. Alam ko rin na ang tungkol sa pinamili kong gamit ang dahilan ng mga katok na iyon.
Tumayo ako at inayos ang nagusot na damit bago ito pinagbuksan. Ang magkasalubong na makakapal na kilay ni Kenshin ang agad na sumalubong sa mga mata ko.
"You want to die?" may bahid na inis sa matigas na boses nito.
Nong una natatakot pa akong kaharap dito ngunit naisip ko na kung masamang tao ito di sana noong una palang ay talagang pinapatay na ako nito.
Nginitian ko lang ang seryosong mukha nito.
"Syempre po ayoko pang mamatay at sino ba namang tao ang gustong matigok agad no." - sagot ko na mas lalo pa yatang kinalukot ng mukha nito.
"Then, what the hell you choose to buy that thing?" -medyo tumaas ang boses nito kaya nagulat ako pero hindi parin ako natatakot dito.
"Bakit? Di niyo ba nagustohan? Sayang pinaghirapan ko pa namang piliin ang mga iyon." - parang baliwala kong sagot.
"What? Seriously?" - parang nauubosan na yata ito ng pasensya sa akin.
Sasagotin ko na sana ulit ito nang biglang sumabat sa usapan ang pababa ng hagdan na si Hidio.
"Ako ang pumili nang mga iyon kaya tigilan mo na si Reynalyn." -Hidio
Oh, my. Parang gusto ko na namang kiligin dahil parang pinagtatanggol ako nito mula kay Kenshin.
"What?"-Parang di makapaniwalang baling ni Kenshin dito.
"Bagay naman sayo ang "Hello Kitty" may pagka-angas ang dating dahil may pagkapusa ka sa bilis sa bakbakan." - dagdag pa nito at sinabayan ng alis sa harapan namin.
Medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Hidio. Minsan kasi di ko naisip na marunong din pala itong magbiro.Napasunod naman dito si Kenshin na parang di rin makapaniwala sa sinabi nito.
Habang ako naman ay napangiti dahil siguradong di na ako pag-iinitan ng mga ito dahil inako na ni Hidio ang lahat. Siguro hindi naman magagalit ang mga ito kay Hidio.
Babalik na sana ako papasok ng aking kwarto ng may bigla nalang humila sa sidsid ng damit ko sa may batok. nakapusod kasi pataas ang maikli kong buhok kaya malayang nahawakan ng kung sino man iyon ang damit ko.
"Aray ko. Ano ba?" - inis na nilingon ko ang taong gumawa niyon at si Akihiko ang nakita ko.
Binitiwan naman agad ako nito.
"Kung naloko mo si Kenshin pwes ako hindi. Alam kong ikaw ang pumili ng mga gamit namin." - seryoso itong nakatingin sa mukha ko.
"So ano ngayon?" -sinubukan kong tarayan ito.
"Ano ngayon?" Hindi mo ba alam ang consequence ng ginawa mo". - mas lalo nitong inilapit ang mukha sa mukha ko at nakaramdam ako ng pagkailang kaya napaatras ako hanggang lumapat ang likuran ko sa nakapinid na pintuan ng aking kwarto.
"A-anong b-binabalak mong gawin d-dahil sa ginawa ko." -sinubukan ko paring tinapangan ang sagot ko kahit ang totoo ay parang nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa sobrang lapit ng mga katawan namin. Ramdam ko pa ang init na nagmumula sa katawan nito at ang amoy nito. Ang mabangong amoy nito ay nagpapadagdag lamang sa panghihina ng katawan ko.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit tela yata lalagnatin ako ng wala sa oras.
Itinukod pa nito ang mga kamay sa pagitan ng ulo ko na nagpadagdag lalo sa nakakabalisang pakiramdam ko. Mas lalo pa nito inilapit ang mukha sa may mukha ko na para bang hahalikan ako kaya kusang pumikit ang mga mata ko.
"Do you think I want to kiss you?"
Napamulat ako sa tunog nang tawa ni Akihiko. Tumatawa ba ito dahil akala nito gusto ko ang halik nito.
"Baliw!" - inis kong sabi dito sabay talikod. Saktong binuksan ko ang pintuan ng kwarto nang marinig ko ang humahangos na boses ni Daisuke.
"Aki, dumating na si Akako. Ang ipinadala ni Ojichan."- Daisuke.
Tumigil naman sa pagtawa si Akihiko at naging seryoso ito. Agad itong umalis sa harapan ko. Sumunod naman si Daisuke dito. Tela naintriga din ako sa dumating kaya napasunod na rin ako sa mga ito.
Doon ko nakita ang isang babaeng parang napakasungit ng mukha. Nasa late 40's na siguro ang edad nito. Nakapusod ang mahabang buhok nito at nakasuot ng mahaba at itim na damit.
Tumingin din ito sa akin kaya nagtama ang paningin namin. May pagka-cold ng awra nito na parang nakakatakot kaya agad akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang sabayan ang mga titig nito.
Maraming katanungan ang agad na pumasok sa isip ko. Sino ang babaeng iyon at bakit ito naroon? Titira ba ito sa mansyon? Ina ba ito ng isa sa mga lalaking iyon? At kung ano-ano pa.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...