Chapter 18

111 7 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Napilitan akong bumangon nang kama dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto kahit namimigat pa ang talukap nang aking mga mata na wari mo ay parang nakapikit parin habang naglalakad.

Mag-uumaga na kasi nang dalawin ako nang antok kaya ngayon parang gusto pang matulog pa nang matagal.

"Bakit?"- inaantok ko pang tanong habang nakapikit parin na di man lang pinansin kung sino man ang nasa harap.

"Hmm.. Sorry if na estorbo ko ang pagtulog mo. Akala ko kasi ma-aga tayong aalis ngayon."

"Aalis?"- tanong ko ulit na hindi parin nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Yeah.. You ask me last day na samahan kitang magpa-enrol."

Doon ko na tuluyang binuksan ang aking mga mata nang marinig ang sabi nitong "magpapa-enrol". Ang gwapong mukha ni Hidio ang sumalubong sa akin na parang nagpipigil pa ito na hindi matawa sa harap ko.

"Oh my gulay... I'm sorry nakalimutan ko." -natataranta kong sagot.

"It's ok. Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya you can take your time para mag-ayos nang kailangan mo." -nakangiting sabi nito.

Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti. Tama, ito ang taong gusto ko. Ito ang taong pangarap kong maging akin at hindi ang Akihiko na iyon.

"Inaantok kapa yata kaya natigilan ka ulit." -natatawang sabi nito.

"Ha? Hindi no. Gising na ako. Sige mag-aayos muna ako."- paalam ko.

Sinarado ko na ulit ang pintuan nang magpaalam itong sa sala nalang maghihintay.

Naglakad ulit ako para kunin ang tuwalyang nakasabit ngunit napatigil ako nang mapadaan sa harap nang salamin. Doon kasi kitang-kita ko ang kabuan nang itchura ko na humarap kay Hidio kanina.

Parang gusto kong sumigaw at sabunutan ang sarili nang matitigan ang sariling repleksyon sa salamin.

Magulong-magulo ang buhok na akala mo ay sinabunutan nang matsing. Nakataas pa ang kanang laylayan nang pajama ko at higit sa lahat ang mga mata ko. Huhu may muta pa ang magkabilang mata ko na alam kong nakita nito.

Bigla akong napasalampak nang upo sa sahig. Parang bigla akong nahiyang humarap kay Hidio dahil nakita nito ang pinaka-worse na yatang itchura ko.

Paano na to? Baka nadiscourage na siya sa akin dahil sa nakitang itchura ko kanina.

Hidio's P.O.V.

Aaminin kong nagulat ako sa itchura ni Reyn kanina nang pagbuksan ako nito nang pinto. Hindi ko lang kasi ini-expect na magpapakita ito sa akin nang ganon side nito. Pero nang makabawi ay parang gusto kong matawa not because na natatawa ako sa ayos nito but because I found her cute.

Actually ito ang unang babaeng nakakausap ko nang maayos na hindi ako sobrang nahihiya. Kumportable narin akong kasama ito siguro dahil nasa isang bahay lang kami at palagi ko itong nakikita.

Ilang minuto din akong naghintay sa sala habang nagbabasa nang libro nang mapansin ko ang paglabas nito nang kwarto. Mula kasi sa kinauupuan ko ay kitang-kita doon ang kwarto nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon