Reynalyn's P.O.V.
Hindi pumasok si Prime nang araw na iyon dahil birthday nito kaya si Hidio lang ang kasama ko papuntang kanten. Tulad nang mga nagdaang mga araw ito parin ang nagbayad nang pagkain ko. Actually nahihiya na nga ako dito pero babayaran ko nalang pag natanggap ko na ang sahod ko at bukas na iyon.
Isang buwan ko palang kasama ang mga ito pero pakiramdam ko ang tagal ko na silang kasama. Sa isang buwan ko na kakilala si Aki hindi parin ako makapaniwalang sinagot ko agad ito sa dalawang linggong panliligaw nito.
Dati kasi meron akong manliligaw. Siguro nasa tatlong taon na ring mula nang niligawan ako nang kababata kong si Ezequel pero hindi ko ito sinagot kahit matagal ko na itong kilala pero iba nang makilala ko si Aki. Para bang bawat oras na kasama ko ito mahalaga at kailangang sulitin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko na pinatagal at sinagot ko agad ito dahil gusto kong sulitin ang bawat oras na kasama ito.
Hindi ko kasi alam kung nextyear makakapag- aral pa ko ulit dito sa Maynila. Baka kapag malaman ni nanay ang ginawa sa akin ng tita ko ay bigla nalang akong pauwiin nito at hindi na pabalikin dito.
"May problema ba kayo ni Aki?" tanong ni Hidio habang nakaupo sa harap ko.
"Ha?" takang tanong ko.
"Parang bigla kasing lumungkot yang mukha mo tapos napapabuntong hininga kapa kaya naisip kong baka nag-away kayo."- paliwanag nito.
"Wala kaming problema ni Aki at hindi kami nag- away. Biglang namiss ko lang family ko sa Iloilo." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Sige kumain kana para makabalik na tayo sa room."
Napatingin ako sa pinggan nitong wala nang laman kaya alam kung tapos na ito sa pagkain. Binilisan ko nalang ang pagkain para hindi na ito maghintay nang matagal.
Akihiko's P.O.V.
Pagpasok ng kanten hinanap agad ng mga mata ko si Reyn. Napangiti ako nang makita ko itong mabilis na kumakain malapit sa may bintana.
Dahan-dahan ko itong nilapitan.
"Ang gana namang kumain nang baby ko." Nakangiti kong bati habang sunod-sunod ang pagsubo nito.
Parang nagulat ito kaya bigla itong nabulunan. Mabilis ang kilos na binuksan ko ang bottled water sa tabi nito at agad na iniabot kay Reyn.
Marahang tinapik ko ang likod nito para pakalmahin ito.
"Nakakagulat ka naman." Sita nito sa pagitan ng pag-ubo.
"Sorry na po. Ang cute mo kasi habang kumain." Paglalambing ko.
Biglang namula ang pisngi nito na lalong ikina-cute ng mukha nito.
"Malapit na kasing magbell kaya binilisan ko ang pagkain."- nahihiyang sagot nito.
Napatingin ako sa suot kung relo. Tama nga ito 10mins nalang at magsisimula na ang klase. Hinila ko na ito matayo kaya nagulat ulit ito.
"A-nong--"
Hinapit ko ito sa baywang at biglang niyakap kaya natigilan ito.
"See you later." Paalam ko at tumakbo na paalis sa mga ito.
Reynalyn's P.O.V.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomansaReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...