Chapter 51

132 5 4
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Nagliligpit ako ng notebook na ginamit ko sa huling subject namin nang bigla akong tapikin sa likod ni Hidio. Takang nilingon ko ito. Nakatayo na ito habang sukbit sa kaliwang balikat ang suot na bag.

"Mauna na ko sayo may dadaanan pa kasi ako." nakangiti nitong paalam.

Kaya pala dala nito ang sariling sasakyan at hindi ito sumabay kanina sa amin dahil may iba itong lakad pagkatapos nang klase. Himala yata. Kahit nagtataka ay hindi ko na ito tinanong at tumango nalang bilang sagot.

"Oo nga pala get ready for tonight because we will having our movie marathon."- bilin nito sabay talikod.

Oo nga pala. Every 15 days nagmomovie marathon ang magpipinsan at sa pagkakaalam ko kay Aki ngayon. Isa pa hindi ko pa alam kung anong genre ang mga gusto ni Aki.

"Hidio, wait." tawag ko dito na halos palabas na ng pinto pero lumingon parin sa tawag ko.

Takang tiningnan lang ako nito.

"Tungkol pala sa papanoorin natin. Ano kayang palabas yon?" Medyo mahinang tanong ko na sakto lang para marinig nito.

Ngumit ito ng makabulohan kaya biglang nagflashback yong hinala ko dati na baka mga rated SPG na movies mga gusto nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naiisip.

"Just prepared yourself and be ready. Siguradong lalaki yang mga mata mo." - sagot nito sabay tumalikod ulit.

Magtatanong pa sana ako ulit ngunit tuloyan na itong nawala sa paningin ko. Saktong dumaan naman sa tabi ko si Kenshin kaya ito ang napagbalingan ko.

"Kenshin,.. Ano ba talaga ang papanoorin natin?"  tanong ko na ikinahinto nito sa paglakad. Nilingon ako nito at unti- unting lumapit sa akin.

Tumayo ito sa mismong harap ko at dahan- dahang yumuko.

"I'm sure you will lost your mind when the it's started. Isa iyong palabas na ayokong tingnan o panoorin dahil hindi bagay sa edad natin." mahinang bulong nito at umalis.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa mga sagot ng mga ito. Nagulat pa ako ng magsalit si Prime sa tabi ko.

"Prime, anong klaseng palabas yong lalaki ang mga mata mo dahil maloloka ka at parang ayaw mong panoorin dahil hindi pwedi sa edad natin ngayon?" Tanong ko nang makabawi.

"Horror?" Tipid nitong sagot na hindi na nag-isip pa.

Hindi pweding horror dahil kay Hiroshi nayon isa pa iba- iba daw sila ng gusto.

"Maliban sa horror ano pa?"

"Porn." deritsong sagot nito.

Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat dahil sa sagot nito. Mas lalo tuloy lumakas ang hinala ko na baka porn nga papanoorin namin mamaya.  Mabuti nalang kaming dalawa nalang ni Prime ang nasa loob ng room kaya walang may nakarinig sa sinabi nito.

"Bakit naisip mong porn yon?" mahinang tanong ko.

"Dahil sabi mo malaloloka ka at lalaki yang mata mo. Isa pa hindi pwedi panoorin dahil hindi pwedi sa edad natin? Eh di porn ayaw mo sa horror eh." bulong dn nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon