Chapter 3

199 11 0
                                    

Hidio's P.O.V.

Mahiyain akong tao lalo na pagdating sa mga kababaihan ngunit nawawala ang hiya ko kapag nakakaramdam ako ng awa.


Tulad nalang sa babaeng napulot ko sa daan. Nawala saglit ang hiya ko dahil mas nanaig ang awa ko dito.

Hindi ko maiwasang mainis sa dalawang pinsan kong sina Kenshin at Akihiko dahil pakiramdan ko sobra na ang pakikutungo nila sa babae kaya umalis ito.

"She's gone.. Shiawase desu ka?(are you happy?" inis kong tanong kay Kenshin mas ito kasi ang sumobra sa inasal.

"I just do what we need to do." Seryosong sagot nito.

"So iniisip mo ba talagang spy ang babaeng iyon? Sa liit ng katawan noon akala mo ba kaya niya tayong labanan?" - pagdadahilan ko.

Natahimik ito sa sinabi ko. Tela ba tinitimbang nito ang sinabi ko

"Maybe... Hidio has a point. Kawawa naman ang babaeng yon lalo na at gabi na. Baka bukas mabalitaan nalang natin na narape na yon ng mga baliw sa daan." - sabi ni Daisuke sa nakakalokong tawa. Hindi ko tuloy alam kung talagang concern ito sa babae o nantitrip lang.

"Bahala na nga kayo.. Basta binalaan ko na kayo." sabi ni Kenshin sabay akyat sa itaas ng manyon.

"How about you Akihiko? Kaya ba nang konsensya mo kapag may nangyaring masaya sa babaeng iyon dahil sa pagmamatigas mo?" baling ko dito. Nagsukatan kami ng tingin pero bigla din nitong binawi sabay tingin sa labas ng biglang bumuhos ang malakas na patak ng ulan.


Nadagdagan naman ang pag-aalala ko sa babae dahil siguradong nabasa ito ng ulan.

"Aist... Bahala nga kayo jan." sabi ko sabay lakad papunta sa may pintuan para habolin sana ang babae.

Tangkang kukunin ko na ang isang payong na nakalagay sa isang lagayan sa may tabi ng pintuan nang may mga kamay na naunang bumunot doon. Napalingon ako sa taong kumuha ng payong. Ang seryosong mukha ni Akihiko ang nakita ko. Hindi ito nagsalita kundi tuloy-tuloy na lumabas na para bang hindi ako nito napansin dala ang isang payong. Namaligno ba ito? Naiiling nalang akong pinanood ang pag- alis nito.

Akihiko's P.O.V.

Kinapa ko ang aking dibdib sa tanong ni Hidio. Makakaya nga ba ng konsensya ko kapag may masamang mangyayari sa babaeng iyon? Oo aamin kong hindi ako nakakaramdam ng konsensya kapag may napapaiyak akong babae. Pero biglang sumagi sa isip ko na baka may mga lalaking loko-loko ng humarang dito. Tapos mababalitaan ko nalang kinabukasan na patay na ito? Biglang kumabog ang dibdib ko habang naiisip ang bagay na iyon. Hindi yata kaya ng konsensya ko na may mamamatay nang dahil sa ginawa ko. Alam ko kasing isa ako sa mga nagpaalis dito.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatingin ako sa labas. Sigurado akong mababasa ang babaeng iyon dahil walang pweding masilungan sa labas ng bahay. Mas tumindi pa ang pagtambol ng dibdib ko dahil sa mga masasamang naiisip na pwedi nitong sapitin sa labas. Kaya kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa may pintuan at binunot ang payong na nandoon.

Okupado parin ng babae ang isip ko habang naglalakad ako sa gitna nang ulan. Hinanap ko ito sa labas. Ngunit wala na ito doon.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon