Reynalyn's P.O.V.
"Sobo?"- sambit ni Aki kasabay nang isang malapad na ngiti habang nakatingin sa may likod ko. Mula sa mga mata nito makikita mo ang biglang pag nengneng nang mga mata.
Naglakad ito sa harap ko at nilampsan ako. Pakiramdam ko rin nang oras na iyon parang biglang bumagsak ang buong mundo sa harap ko.
Masakit dahil hindi pa nga nagsisimula ang relasyon namin ni Aki natapos na kaagad. Nalulungkot din ako dahil kung kailang handa na akong umamin dito ang nararamdaman ko bigla namang may malaking pader na biglang humarang.
Parang pinipiga ang puso ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili.
"Sobo?" - iyon ba ang tawagan nila nang babaeng iyon? Pero bakit pa ito biglang dumating ko kailan pa handa na akong ibigay ang puso ko kay Aki?
"Grandma."- malakas na sigaw ni Daisuke sa harap ko habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko. Kasabay din nito ang nakangiting si Hidio na tumatakbo din.
Pero teka muna. Ano daw yon? Grandma? Tama ba ang dinig ko? Wala sa loob na sinundan ko ang mga ito nang tingin kung saan nakita ko din si Aki habang yakap- yakap ang isang matandang ginang.
Parang biglang umurong ang mga luha kong nagbabadyang pumatak sana. Bigla ring nakuha ang parang batong nakadagan sa dibdib ko.
Ibig sabihin? Sobo means Lola? So yong lola niya ang dumating at hindi yong Yumi na yon?
Biglang lumawak ang ngiti ko habang nakatingin sa tatlong lalaking nakayakap parin sa matanda na tela ba miss na miss nila ito.
"Sobo, paano niyo nalamang nandito kami?" Masayang tanong ni Daisuke matapos bumitaw nang yakap.
"Sinundo ko si grandma kanina matapos niyang tumawag na nandito na siya sa Pilipinas."- sagot ni Hiroshi na biglang sumulpot sa kung saan. Kaya pala hindi ko ito nakita mula pa kanina.
"Si Kenshin nasaan?"- tanong nito at nilibot ang tingin kaya dumako ang tingin nito sa akin.
"Nasa paligid lang iyon sobo. Maya-maya nandito na rin iyon."- sagot ni Hidio.
"Sino naman siya?"- tanong nito sabay turo sa akin.
Napansin kong ngumito si Aki habang naglalakad papunta sa akin. Marahan nitong hinila ang kamay ko pabalik sa mga ito.
"Si Reynalyn, at ito naman si Grandma."- nakangiti nitong pagpapakilala.
Bigla ko namang hinawakan ang kamay nito at nagmano dahil na rin siguro sa pananalakay nang nerbyos sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan na akala mo isang manliligaw na pumunta sa bahay nang taong nililigawan niya.
"Ang bait mo namang bata."- nakangiti nitong sabi habang tinapik-tapik ang kamay ko.
"Kumain na po ba kayo lola? Umupo muna kayo dito."- tanong ko at pina upo ito sa isang upuan na pag-aari ng resort.
Kinuha naman ni Aki ang pork barbecue nito na iniwan kanina at ibigay sa lola nito.
"Grandma, hindi kaba sinamahan ni Grandpa?- tanong ni Daisuke.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...