Chapter 41

89 3 0
                                    

Akihiko's P.O.V.

"I wish habang buhay kitang makakasama at sabay nating panoorin ang sunset."

Kusang lumabas sa mga labi ko ang mga katagang iyon habang pinapanood ang papalubog na araw at nang mga oras na iyon isa lang ang narealized ko. Gusto ko si Reynalyn. Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya sa unang pagkakataon naging sure ako sa isang babae.

Naging sigurado ako na ang babaeng nasa tabi ko ngayon ang nais kung maging ina nang magiging anak ko.

Sa batang isip ko ni minsan hindi pa sumagi sa isip ko ang salitang kasal ngunit dahil dito nagbago ang lahat. Mas naging matured ako mag- isip. Ayukong makontinto na maging kaibigan o girlfriend lang ito. Ginusto kung maging higit pa doon ang relasyon namin. Ginusto ko na sana habang buhay ko na itong kasama kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Hindi ko na nagawang pigilan pa ang damdamin ko. Kusang bumababa ang mga labi ko sa mamula-mulang labi nito.

Malambot at matamis ang labi nito. Aaminin kong marami na akong babaeng nahalikan pero iba ang naramdaman ko habang inaangkin ang mga labi nito.

Para bang bigla akong naging possesive. Gusto kung ako lang ang pweding umangkin sa mga labi nito dahil iniisip ko palang na may ibang taong humalik dito para na akong mababaliw.

Dahil ayukong bitawan ang mga labi nito kaya mas lalong naging malalim at mas mainit ang mga halik na pinagsaluhan namin. Wala rin akong naramdamang pagtutol mula rito kaya dahan-dahang naglakbay ang isang kamay ko sa likod nito at mas lalong inilapit ito sa katawan ko.

Lihim akong natuwa nang bigla nitong ginantihan ang halik ko. Hindi ito marunong humalik kaya naisip kung baka ako ang 1sr kiss nito na lalo kung ikinatuwa.

Maya-maya lang ay pareho pa kaming hiningal nang bitawan ang isa't isa. Hindi ito makatingin nang deritso sa mga mata ko kaya naisip kung baka nahihiya ito kaya hinawakan ko ang dalawang kamay nito. Malamig iyon kaya alam kung kinakabahan din ito nang mga oras na iyon.

Madilim na kaya hindi ko na masyadong maaninag ang mukha nito. Dagdagan pang nakayuko ito sa harap ko.

"Mahal kita Reyn at hindi na ito isang biro o trip lang."- madamdamin kung pahayag habang hindi binibitawan ang mga kamay nito.

Hindi ito nagsasalita at tahimik lang pero alam kung nakikinig ito kaya nagpatuloy lang ako.

"Gusto ko ring sabihin sayo na hihintayin kita. Hihintayin kita hanggang sa maging handa kana. Hanggang sa paniwalaan mo na ako."- dagdag ko.

Tahimik parin ito hanggang sa marinig ko ang boses ni Prime na tinatawag si Reyn. Kasabay niyon ang paghugot nito sa kamay.

"Nandito lang pala kayo. Magsisimula na ang bonefire natin kaya inutosan akong hanapin kayo."- may panunukso sa boses nito kaya hindi ko napigilang hindi mapangiti.

"S-sige, mauna na kami."- nahihiya nitong paalam sa akin at hinila paalis doon si Prime.

Naghintay muna ako nang ilang saglit bago sumunod sa mga ito.

Reynalyn's P.O.V.

Nasa harap ako ngayon nang apoy na ginawa nina Kenshin at Daisuke. Habang nakatawanaw sa nagliliyab na apoy parang sinisilaban din nang init ang pakiramdam ko habang iniisip ang halik na pinagsaluhan namin ni Aki kanina.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon