Chapter 8

137 10 1
                                    

Akihiko's P.O.V.

Papasok palang kami ng furniture shop napansin ko kaagad ang sexy at magandang babae na may mapang-akit na ngiti na pasalubong sa amin.

"Good morning mga pogi...and their little sister?" nagpapacute na sabi nito ngunit biglang napangiwi ng mapatingin sa babaeng kasama namin. Maliit kasi ito at payat dagdag pa na walang kahugis-higis ang katawan nito kaya mapagkakamalan mong bata.

"Hindi ako nila kapatid noh." maismid nitong sabi sa babae.

"Yeah.. She's not our sister coz she's... Our maid." pangisi kong sagot na ikinasimangot nito samantalang ikinatawa nanan ng babae.

"Ikaw talaga pogi masyadong...prangka."malanding sabi nito.

Nginitian ko ito ng ubod ng tamis sabay kuha ng kamay nito at hinalikan na mas lalong ikingiti nito na parang kinikilig.

"Ganyan talaga ako Miss Beautiful.. Frank and hot." sabi ko sabay kindat.

"Ikaw talaga pogi pinapakilig mo naman ako.." kinikilig na sagot nito.

"Aist..tigilan niyo na nga yang landian niyo...pag nainis ako sisirain ko tong shop niyo." inis na sabat ni Kenshin na ikinamutla naman ng babae kaya bigla itong umayos ng tayo.

Haist ang lalaki talagang ito kahit kailan panira kaya walang lovelife.

"A-ano po b-ba yong h-hinahanap niyo mga s-sir." nauutal na tanong nito habang iniiwas ang mga matang huwag mapatingin kay Kenshin.

"Dalhin mo kami sa mga bed niyo miss." si Daisuk na ang sumagot dahil nag-iiba na ang aura ni Kenshin baka biglang sumabog at magkagulo pa.

Agad naman kaming dinala ng babae sa mga bed na product ng mga ito.

"Pumuli kana ng kama na gusto mo." nakangiting sabi ni Hidio kay Reynalyn ba yon?

Napansin kong ang pagganti nito ng matamis ng ngiti kay Hidio. Hmmm I smell something fishy.. Mga ganyang ngitian alam kong may gusto to kay Hidio.

"Wag kang pumili ng gusto mo lang... Piliin mo rin kung saan ka komportable.. Diba miss beautiful?." sabat ko pero sa babaeng tindira nakatingin sabay kindat.

"H-ha?? Ah..o-opo tama po si Sir pogi." sagot naman nito.

Nakita ng gilid ng mata ko ang pag-ismid ni Reynalyn.

"Miss suggest mo nga sa amin yong bed na masarap.... (Tumingin ako kay Reynalyn na nang-uuyam) masarap tulogan." nakangisi kong sabi.

"A-ah..s-sige po.." natakot yata ni Kenshin kaya di na nawala ang utal.

Sumunod kami sa babae. Tumigil ito sa isang single bed na kulay pink.

"M-miss mahilig ba kayo sa kulay pink?" tanong nito kay Renalyn.

"Miss baka akala mo bata ang kasama namin..gusto ko lang itama.. Matanda na yan mukha lang bata." sabi ko ulit.

"Aki stop it." -Hidio

"Hindi ako mahilig sa pink.. Meron po ba kayo ng simple at yong pinakamura niyo dito?" sabi ng Reynalyn

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon