Chapter 24

136 10 2
                                    

Reynalyn's P.O.V.

"Tila tahimik at mababait mga studyante ko ngayong taon ah."- masayang sabi ni Ms. Alarcon pagkapasok namin sa loob.

Tama nga ito dahil maging ako ay nagtaka din kung bakit sobra yatang tahimik ng mga magiging kaklase ko. Normal na kasi na kapag opening ng klase ay siguradong mag- iingaya sila dahil tiyak na marami silang baong kwento.

Dumiritso si Ma'am sa harap ngunit ako ay nanatiling nakatayo sa may entrance ng room. Kanina kasi nang pumunta ako sa office matapos makausap ang prinsipal ay inutusan ako nitong sumunod dito dahil ito daw ang magiging adviser ko.

"Good morning everyone.. Welcome to section 1. Dahil napabilang kayo sa aking klase sigurado akong lahat kayo ay magagaling at matatalino sa klase."- masayang bati nito sa mga studyante sa harap na matamang nakikinig na tela mga tupa sa bait.

"Bye the way.. We have a transferee from Iloilo." - kinaway ako nitong pumasok kaya sumunod ako at tumayo sa tabi nito kaharap ng buong klase.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Marami kasi akong iniisip lalo na bago sa akin lahat. Ang lugar, ang school, mga teachers at higit sa lahat ang mga studyante kaya medyo nakaramdam ako ng takot na maging center ng bullying sa school na iyon.

Basi kasi sa mga nababasa at naririnig ko tungkol sa Orion High school karamihan sa mga studyante doon ay pawang mayayaman. Kaya swerte ka kung isa kang mahirap na pinalad na makapasok doon.

Sigurado ako na ang mga magulang ng mga studyante dito ay pawang mga professional. Di kaya businessman na may ari ng mga naglalakihang pabrika o di kaya mga kilalang pulitiko o artista.

Napabuntong hininga ako. Dinig na dinig ko kasi ang pag- uunahan ng tibok ng puso ko sa kaba.

"Ms. Carmona? Ayos kalang ba?"- tila nagising ako sa pagkakahimbing sa sunod- sunod na tawag ni Ma'am.

"P-po?"- ako

"Sabi ko ayos kalang ba? Kanina pa kasi kita tinatawag di ka sumasagot."- nag- aalalang tanong ng guro.

"Ah, eh.. Sorry po." - sabi ko nalang.

"Pero wala bang masakit sayo?" - dagdag tanong nito.

Umiling ako bilang tugon.

"Alright..So pwedi mo bang ipakilala ang sarili mo sa magiging kaklase mo?" - ngumiti na ito ulit.

Nagtaas ako ng tingin. Kanina kasi nakayuko lang ako habang nasa harap dahil nakaramdam ako ng panliliit sa sarili. Alam ko kasing hindi ko ka level ang mga studyante dito kahit sabihin pang matalino din ako.

Narealize ko iyon nang makita kong bawat studyante na naroon ay hinahatid ng mga naggagandahang sasakyan at ang ilan naman ay meron talagang sariling sasakyan.

Ni hindi ko man lang naisip iyon dati habang nakatira ako sa bahay ng limang hapon. Masyado yata akong naging komportable sa mga ito dahil sa mabuting pagtrato nila sa akin.

Isang tikhim ang pinakawalan ko bago magpakilala.

"G-good Morning Everyone. I'm Reynalyn Amparo. 18 years old from Iloilo. Nice meeting you all." - tipid kong sabi.

Habang nagsasalita ay hindi ko kayang tumingin sa mga studyante sa harap ko kaya nagbaba ulit ako ng tingin. Kaya hindi ko alam kung nakikinig ba o interesado ba ang mga kaklase kong makilala ako.

"Alright Ms. Carmona. You may now take your seat."

Pasimple akong nagtaas ng tingin para maghanap ng pweding maupuan nang mapansin ko ang isang lalaking masayang kumakaway.

Parang biglang nagliwanag ang pakiramdam ko. Nabawasan din yong kaba at pagkabalisa ko ng makita si Hidio. Atleast kasi may kaibigan at makakasama na ako.

Agad akong lumapit dito. Pinagpag nito ang isang upuan sa tabi nito. Nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin kaya humakbang ako palapit at naupo sa tabi nito.

"Buti nalang kaklase kita."- masayang bulong ko dito. Ngumiti lang ito bilang tugon.

Hindi nagtagal ay nag- umpisa na ring magturo si Ms. Alarcon. Mataman ko itong pinapakinggan dahil bukod sa magaling itong magturo nataas din ang sense of humor nito kaya enjoy na enjoy ako sa klase nito.

Ibang- iba kasi ang paraan ng pagtuturo nito kaysa sa mga naging guro ko dati. Siguro dahil napakasikat ng school na iyon kaya siguro puro magagaling din ang mga nagtuturo doon.

Pagkatapos ng klase namin kay Ms. Alarcon pumasok pa kami ng isa pang subject bago ang recess. Tulad nang naunang guro ay magaling din ito.

Sabay na kaming naglakad ni Hidio papunta sa canteen pagkatapos ng klase.

"Hindi yata nakasunod si Prime sayo ngayon." Tanong ko na may halong panunukso.

Isang kibit- balikat lang ang tugon nito kaya hindi na ako nagtanong ulit.

Nakita ko kasi si Prime kanina na tela malungkot pero wala akong time para lapitan ito dahil may klase kanina. Nauna rin itong lumabas  bago ko pa malapitan kaya medyo curious din ako kung bakit naging ganon ang asal nito.

Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay ng mga studyante mula sa loob ng kanten. Naisip ko siguro dahil sa mga nag-order ng pagkain ngunit hindi pala iyon ang dahilan.

Saktong pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko agad si Akihiko na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan para magpapicture. Ito ang may pakana ng ingay dahil ng tinangnan ko kung saan nakahilira ang mga pagkain ay tahimik lang na nag- oorder doon ang ilang studyante. Mas marami pa ang nasa harap ni Akihiko. Buti nalang matangkad ito kaya makikita parin kahit marami ang nakapalibot rito.

"Sa aming lima, Si Akihiko ang pinakasikat sa mga babae. Siguro dahil mabait ito at nakikipag- usap sa kanila." - sabi ni Hidio sa tabi ko. Napansin siguro nitong nakatingin ako doon.

Dumiristo kami sa may nagseserve ng pagkain at nag-umpisang mag- order nang bigla kong naisip na wala pala akong pera.

Nakaramdam ako ng pagbalisa dahil nahihiya rin akong mangutang kay Hidio. Medyo naglalabasan na rin ang mga pawis ko habang nakapila dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad mamaya.

Habang papalapit ang pila mas lumalakas din ang kaba ko.

"Hmm, anong gusto mong kainin? Ako na ang oorder." - baling ni Hidio sa akin ng may isang tao nalang ang nasa harap namin. 

'Ah.. Eh.. Ano kasi... Kasi wala akong pambayad." - mahinang sagot ko dito.

Bigla naman itong tumawa sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam ang dahilan kung bakit ito na natawa. Dahil kaya sa wala akong pera? Ngayon lang ba ito nakakita ng taong walang pera?

"Ikaw talaga.. Sagot na kita." - sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

"Teka.. Nakakahiya naman dahil makikisawsaw pa ako sa allowance mo."- nahihiya kong sabi pero medyo nakahinga din ako ng maluwang.

"Ayos lang yan. Kaibigan naman kita kaya wag kana mahiya." - dagdag pa nito.

Kahit medyo nahihiya pa ay hinayaan ko nalang ito. Isa pa nagugutom na rin ako kaya kapalan ko na muna ang mukha ko.

Dahil di ako sumagot sa tanong nito kanina kaya ito na ang pumili ng kakainin namin.

Dalawang softdrink in can at dalawang slice ng pitza ang bimili nito.

Ito na ang nagdala ng inorder namin habang ako ay nakasunod sa likod nito. Inilapag nito ang dalang trey  sa bakanteng mesa kaya naupo na rin ako sa katapat na upuan nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon