Chapter 50

92 3 0
                                    

Prime's P.O.V.

Nakatayo ako sa labas ng pinto ng bahay namin kung saan gaganapin ang birthday party ko habang excited na hihintay na dumating si Hidio. Marami nang bisita ang dumating at karamihan doon ay mga business partner ni daddy.

Maya- maya natanaw ko si Reynalyn na lumabas sa kotse ni Aki. Magkahawak kamay pa ang mga itong naglakad papalapit sa akin.

"Happy birthday Prime." Nakangiting bati ni Reyn.

"Salamat besty. Si Hidio pala?" Tanong ko habang palinga-linga sa may likuran ng mga ito sa pag-aakalang di pa ito nakababa ng kotse.

Biglang may ini-abot sa akin si Reyn na isang maliit na kahon na kulay pink. Agad ko naman iyong tinanggap.

"Thank you." Nakangiti kong sabi.

"Galing kay Hidio yan. Di siya daw makakapunta kaya pinapaabot niya yan sayo."

Napatitig ang mga mata ko sa maliit na box na iyon. Kahit hindi dumating si Hidio pakiramdam ko masaya parin ako dahil iyon ang unang beses na may regalo itong ibinigay sa akin.

Dahan- dahan kong binuksan ang kahon at tumambad sa paningin ko ang isang butterfly necklace. Nais kong ma-iyak sa saya habang nakatingin sa kumikinang na pendant ng kwentas.

"Yong gift namin nasa sasakyan pa. Mamaya ko nalang ibibigay." untag ni Reyn sa sandaling katahimikan sa pagitan namin.

Nalipat dito tingin ko at agad ko itong niyakap na ikinagulat nito.

"I'm very happy." bulong ko dito. Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ko.

"I know." nakangiti nitong sagot.

Sabay na kaming pumasok sa loob dahil hindi naman darating si Hidio pero kahit ganun masaya parin ako dahil sa regalo nito.

Hidio's P.O.V.

Hindi ko alam ang dahilan bakit nakatayo ako ngayon sa harap ng gate ng bahay ni Prime. Ayokong pumunta pero di ko namalayang doon din ako dinala ng sasakyan ko.

Mula sa kinatatayuan nakita ko ang pagngiti ni Prime habang nakatitig sa regalong binigay ko. Hindi ko napansing napapangiti rin ako habang nakatingin dito.

"I think she likes it." bulong ko sa sarili. Hindi na rin ako nagtagal doon at bumalik na nang bahay.

Kenshin's P.O.V.

Nagdadalawang isip ako kung a-attend ng birthday ni Prime o hindi habang nakatitig sa invitation card na binigay nito.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at pinagbuksan iyon.

"Naistorbo ba kita apo?"- nakangiting tanong ni grandma.

Umiling ako bilang sagot at mas nilakihan ang awang ng pinto.

Pumasok naman ito at pasimpleng tiningnan ang kabuhuan ng kwarto ko.

"Alam mo sa inyong magpipinsan ang kwarto mo lang yong malungkot tiningnan." Sabi nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon