Chapter 20

130 6 0
                                    

Hidio's P.O.V.

Bukod sa nahihiya ako ayoko rin sa mga babae dahil masyado silang magulo at maingay. Iyan din ang dahilan kung bakit iniiwasan ko ang mga ito. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang babaeng katabi ko ngayon.

Mula nang dumating ako dito sa Pilipinas one year ago ay hindi ako tinigilan nito. Lagi itong sumusunod sa akin na parang aso kaya ni minsan sa pananatili ko sa school na to hindi ko pa naranasan ang katahimikan.

Nasa labas kami nang registrar office habang naghihintay kay Reynalyn. Magkatabi kaming nakaupo nito sa mga nakahilirang upuan na sadyang pinagawa para sa mga naghihintay.

Halos magpalit na ang balat namin ng babaeng katabi ko dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Dagdag pa ba nakaligkis na naman ang kamay nito sa braso ko. Nailang ako sa ayos naming dalawa kaya sapilitan kong kinuha ang mga kamay nito at pasimpleng lumipat sa kabilang upuan.

Ngunit hindi parin ito tumigil sa pagsunod dahil umupo na naman ito sa tabi ko pero hindi na nito hinawakan ang kamay ko. Hindi ko ito tiningnan ngunit ramdam ko ang mga titig nito sa akin kahit nasa hawak kung cellphon nakatuon ang mga mata ko.

Hinayaan ko lang ito ngunit nang tumagal ay nakaramdam ulit ako nang pagkailang. Medyo naiinis narin ako dito pero pinipigilan ko lang ang sariling wag ito sigawan o bulyawan.

"Alam mo crush.. Namiss talaga kita."- maya-maya ay narinig ko itong nagsalita habang nakatingin parin sa akin.

Napilitan akong harapin ito.

"I'm sorry but I don't like you."- malumanay kong sagot dahil kahit papaano ayokong saktan ang damdamin nito ngunit parang di na tama kasi yong pinaggagawa nito.

Saglit lang itong natigilan sa sinabi ko dahil bigla ulit sumaya ang mukha nito.

"Alam ko. Pero hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako nagugustohan."- nakangiting sagot nito.

Tinitigan ko ito kahit medyo nahihiya akong tingnan ito sa mata. Baliw ba ito o talagang tanga lang?

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Sabi ko--"

"Sabi mo hindi mo ako gusto. Naiintindihan ko po. Baka ikaw ang hindi nakakaintindi sa sinabi ko." - kalmado parin ito na parang baliwala lang dito ang sinabi ko.

Sa huli ako din ang sumuko at hinayaan ko nalang ito. Mukhang disidido talaga itong guluhin ang tahimik kong buhay.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan nang office. Lihim akong nagpasalamat dahil sa wakas ay makakalayo na ako sa babaeng linta na to.

Reynalyn's P.O.V.

Pagkatapos makausap ang teacher na babaeng naka-assign doon ay agad na rin akong lumabas nang office. Bumalik na lang daw ako sa lunes para malaman ko kung saang section ako papasok.

Mabait naman ang teacher sakatunayan ay ngumiti agad ito nang makapasok ako kaya bigla rin nawala ang hiya ko rito. Isa pa ay malinaw itong magsalita kaya naintindihan ko agad ang mga sinasabi nito.

Pagkalabas ko ay napatayo agad si Hidio. Tila ba hinihintay talaga nito ang paglabas ko. Nang tingnan ko ito napansin kong parang hindi na maipinta ang mukha nito. Para bang nagpipigil itong huwag mainis sa babaeng katabi.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon