Reynalyn's P.O.V.
"Saan tayo pupunta?" - tanong ko kay Aki habang naglalakad kami sa kahabaan ng daan habang magkahawak- kamay.
"Hanggang saan tayo dalhin ng mga paa natin."- nakangiting sagot nito.
Pagkatapos kasi ng insidenteng nangyari kami ay minabuti nitong tuluyang umalis ng bahay.
Hindi na ako muling umimik kundi ang hinayaan ito kung saan man nito balak pumunta.
Ilang minuto rin kaming naglakad nang marating namin ang isang park kung saan may mga tao ring naruon upang magdate o magnilay-nilay.
Hinila ako nito papunta sa malapad na lugar kung saan may mga tanim na bemuda grass. Gabi na kaya medyo may kadiliman na rin kahit may mga ilaw sa paligid nang park.
Hinubad nito ang suot na jacket at inilatag sa damuhan.
"Maupo ka."- sabi nito.
"Madudumihan yong jacket mo."- tanggi ko.
"Ikaw talaga." - natatawang sabi nito sabay hawak sa magkabilang balikat ko at pilit na pinapaupo sa jacket nito.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo. Tinabihan naman ako nito at sabay kaming napatingin pareho sa ilang mga batang naglalaro may kalapitan sa kinaroroonan namin.
"Nong bata ka ano madalas mong nilalaro?"- pagbubukas ko ng usapan.
"Hmmm,.Dota, CounterStrike at iba pang online games. Ikaw ba?"- balik tanong nito.
Napangiti ako ng maalala ang kabataan ko. " Hindi ako naglalaro ng kahit na anong online games dahil wala kaming internet connection sa isla pero masasami kong naging masaya ang kabataan ko." - sagot ko.
"Teka lang. Walang internet connection sa lugar niyo? Pwedi ba yon? Meron pa bang lugar na hindi naaabot ng internet?" Nakakunot ang noong tanong nito.
Marahan akong natawa sa pagtataka nito." Alam mo kahit walang online games mas masaya paring maglaro ng patentiro, lungsong tinik, jackstone at iba pang larong pinoy." Proud kung sagot.
Parang napaisip ito sa mga sinabi ko na para bang walang ideya kung ano- ano ang mga iyon.
"Minsa pwedi ba nating laruin ang mga larong nabanggit mo?"
"Oo naman. Sigurado akong mag-eenjoy ka. Isama narin natin mga pinsan mo para mas masaya." - nakangiti kong sagot.
Biglang naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa mukha ko kaya unti- unti ring napawi ang ngiti sa labi ko.
"Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka?"- halos pabulong nitong sabi.
Bigla akong napalunok ng laway dahil unti- unti itong lumapit sa akin.
"A-aki." Paanas ko ring sabi.
"Reyn,.. ang hirap pigilan ang sarili kong wag kang halikan." pagkasabi niyon ay bigla ako nitong kinabig sa batok kaya naglapat ang mga labi namin.
Dinamdam ko ang matamis nitong halik kaya nakalimutan ko na kung nasaan kami ng mga oras na iyon.
"Reynalyn??"- bigla kong naitulak si Aki ng marinig ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...