Chapter 33

100 5 1
                                    

Akihiko's P.O.V.

Pagkatapos kumain pumasok ulit ako sa kwarto nang may kumatok na naman sa pintuan.

Tinupi ko ang librong binabasa at binuksan kung sino man yong kumakatok.

"Bakit?"- kuno't noong tanong ko kay Daisuke.

"June 15 ngayon nakalimutan mo?"- sagot nito.

Oo nga pala. Every fifteen days nag-momovie marathon kaming magpipinsan at ang hindi makakadalo may parusang naghihintay. Haist kung hindi lang brutal ang parusang binibigay ni Kenshin lagi sana akong di manonood lalo na kung schedule ni  Hiroshi at Kenshin.

"Kanino ba ngayon?"

"Kay Hiroshi kaya ihanda mo na ang sikmura mo dahil kung hindi wrong turn baka final destination yang pipiliin niya."-pananakot pa nito.

Actually di naman talaga ako takot sa mga ganyang movie. Naduduwal lang ako pag ganyan ang pinapanood ko.

"Sige, susunod na ako."-sagot ko sabay sarado ng pinto.

Naglinis muna ako at nagpalit nang t-shirt na puti at pajama na kulay brown bago lumabas.

Reynalyn's P.O.V.

Katatapos ko lang mag-haft bath nang may kumatok sa pinto. Nilapitan ko ito at binuksan kung saan nakita kong nakatayo si Hidio. Gwapo ito at gusto ko pero kahit minsan hindi man lang bumilis ang tibok ng puso ko rito tulad ng pagtibok ng puso ko kung si Aki ang nasa harap ko.

"May nakasanayan kasi kaming gawin dito sa bahay every 15 days kaya baka gusto mo ring magjoin sa amin."- sabi nito.

"Ano ba yong ginagawa niyo?"- medyo curious kung tanong.

"Every 15 days nanonood kami ng movies. Kada isa sa aming magpipinsan ay may sariling araw para piliin ang mga gusto naming panoorin."- paliwanag nito.

"Ganun ba? So anong genre ng movie yong papanoorin natin?"-tanong ko ulit.

"Horror movies. Nagkataon kasing kay Hidio schedule ngayon at mahilig sa horror yon."- napangiwi pa ito sabang sinasabi iyon kasa naisip kong ayaw nitong manood ng horror.

Hindi naman ako matatakotin at minsan nanonood din ako ng horror movies kaya ayos lang naman sa aking makinood sa mga ito. Isa pa baka isipin ng mga itong Kill joy ako.

"Sige manonood ako."- sagot ko sabay sarado nang pinto at sumabay dito papunta sa sala kung saan nandoon na si Hiroshi na busy sa cellphone nito siguro pumipili na nang panonoorin.

Nandoon na din si Kenshin na naka-cross arm habang nakatingin kay Hiroshi na nasa tabi lang nito.

Naupo ako sa may pang isahang sofa sa gilid ni Hidio na nakaupo sa mahabang sofa opposite ni Kenshin na nasa kabilang dulo.

"Sabi mo by schedule kayo. So anong gusto mong panoorin?"- pagbubukas ko ng usapan habang abala pa si Hiroshi.

"Gusto ko nang romance. Si Kenshin mahilig sa action at si Daisuke sa comedy. Si Aki naman gustong manood nang--"

"Nandito na pala kayong lahat."- naputol ang sasabihin ni Hidio nang biglang sumulpot si Daisuke kasunod ni Aki. Nabitin tuloy ako dahil bigla din akong naging curious sa hilig panoorin ni Aki.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon