Chapter 47

91 5 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

"Kailangan ko ba talagang suotin to para tumangkad at para bumagay lang kay Aki bilang girlfriend nito."

Tanong ko sa sarili habang nakatitig sa suot paring sabatos na binili ni Prime sa akin.

Aaminin kong medyo nasaktan at nainsukto ako kanina sa sinabi ng mga kaklase ko. Pero ano naman kong pandak at matangkad si Aki? Hindi na ba kami bagay agad?

Inis na ibinagsak ko ang kalahati ng katawan ko sa kama.

"Bakit ba kasi 4'9'' lang ang height ko? Bakit di nalang nadagdagan kahit idang pulgada lang para matawag namang nasa five feet ang height ko." inis kong sabi sa sarili.

Biglang nagring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Aki sa screen ng de keypad kong cellphone na kakacharge ko lang.

The best talagang pampatanggal ng inis ko si Aki. Yong tipong pangalan palang yong makita ko natutuwa na agad ang puso ko.

"Helo Aki,.."

"Labas ka."

"Bakit?"

"Basta."

"Saan labas? Labas ng kwarto ko o labas nang bahay?"

Biglang may kumatok sa pintuan kaya naisip kong nasa labas ito ng kwarto ko.

Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto. Agad naman itong napatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ganyan mo ba kagusto ang biniling sapatos ni Prime kaya hindi mo pa hinuhubad hanggang ngayon?" nakataas ang kilay nitong sagot.

Napanguso naman ako sa sinabi nito.

"Tinatamad pa kasi akong magbihis." sagot dahil nasuot parin ako ng uniform.

Bigla namang sumilay ang isang pilyong ngiti sa labi nito.

"Gusto mong bihisan kita...ulit?" panunudyo nitong tanong.

"Asa ka noh. At anong sinasabi mong ulit jan?"- pairap kong sabi.

"As far as I remember nang unang gabi mo dito ako yong taong nagbihis sayo nang mga panahong nabasa ka ng ulan."

Biglang lumaki ang mga mata ko nang maalalang tama nga ito. Ramdam ko din ang biglang pag - init ng mga pisngi ko.

Napayuko ako dahil parang bigla akong nahiya sa harap nito. Paano kasi naisip ko baka wala na akong maitatago pa dito dahil nakita na nito lahat sa akin.

Nagulat nalang ako nang bigla ako nitong hilain at yakapin.

"Don't act that way. You have nothing to be ashame. You're beautiful Reyn." seryosong sabi nito sa pagitan nang banayad na paghaplos na buhok ko.

Kumalas ako sa yakap nito at tinitigan ito ng mabuti.

"So.. N-nakita mo nga ang katawan ko noon?" Iwan ko ba kung bakit ako kinakabahan habang tinatanong ang bagay na iyon.

Isang makabulohang nguti ang isinagot nito.

"Di nga? T-totoo nakita mo nga?"- nahihiya kong tanong.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon