Chapter 21

115 8 3
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Iwan ko ba kung dahil sa pagod o dahil sa nakita ko kanina kaya parang hirap na hirap akong ihakbang ang mga paa ko patungo sa kwarto ko.

Pakiramdam ko may mga kamay na pumipiga sa dibdib ko kaya nahihirapan akong huminga.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at pumasok agad. Sumandal ako sa pintuan pagkatapos na maisara iyon. Wala sa sariling dahan-dahan kung itinaas ang isang kamay patungo sa dibdib.

Nahihirapan ako... Nasasaktan ako. Para bang merong sugat sa loob ng dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi.

Bigla akong nagtaas nang tingin kaya sentrong nakita ko ang itshura ko sa salamin na nasa may harapan ko. Kusang nagtaas ang kanang kamay ko at pinunasan ang likidong tuloy- tuloy na naglandas sa pisngi ko.

"Umiiyak ba ako? Pero bakit?"- naguguluhang tanong ko sa sarili.

Akihiko's P.O.V.

Dalawang oras na ang lumipas at kakaalis lang din ni Claudine pero hindi parin lumalabas ng kwarto si Reynalyn.

Padilim na rin ang paligid at maya-maya lang ay maghahaponan na kami. Usually kasi ay nasa kusina na ito para magluto ng hapunan pero mag-aalas 6:00 am na hindi parin ito lumalabas.

Nang di makatiis ay lumapit ako sa harap ng pintuan ng kwarto nito. Tumigil muna ako saglit bago nagdisisyong kumatok.

Nakailang katok din ako bago bumukas ang pintuan. Ang malamlam na mga mata nito ang agad sumalubong sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita na para bang may mahikang humihila sa akin para titigan iyon.

Hindi ko mabasa ang iniisip nito ngunit bakit pakiramdam ko parang ang lungkot nang mga mata nito ng oras na iyon.

"Anong kailangan mo?" Ang malamig na boses nito ang nagpagising sa akin.

Napatuwid ako ng tayo. Tumikhim muna ako bago ito sumagot.

"Malapit nang gumabi pero di kana nakapagluto."- pilit kong tinaasan ang boses na parang galit.

"I'm sorry di ko napansin ang oras. Sige susunod na ko." Bigla nito sinarado sa harapan ko ang pinto.

Pero hindi iyon ang mas nakatawag sa pansin ko kundi ang paraan ng pakikipag-usap nito sa akin.

Dati kasi sinasagot at nagdadahilan ito at minsan nakikipag-away pa pero ngayon parang wala man lang itong reaksyon.

Bigla ulit bumukas ang pinto kaya medyo nagulat pa ako. Tiningnan lang ako nito at tuloy- tuloy na umalis.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa kusina.

"Hey? Anong ginagawa mo jan sa harap ng pintuan ng kwarto ni Reyn? At ano yong tiningna mo?" - puna ni Daisuke nang maabutan ako at tiningnan pa ang direksyon nang mga mata ko.

"Wala, napadaan lang ako." Sagot ki sabay akyat na sa taas.

Reynalyn's P.O.V.

Pagpasok ko ng kusina naabotan ko si Hidio na tahimik na nagluluto. Agad naman akong napansin nito at ngumiti. Lumapit ako sa kinaroroonan nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon