Chapter 23

111 7 0
                                    

Prime Heart's P.O.V.

Alam ko na kung ano ang section ko last week pa kaya alam ko kung saang room ako pupunta. Hindi ko rin maitatago sa pagitan ng mga ngiti ko ang sayang nararamdaman ko dahil kaklase ko ulit ang aking "My Love" and ultimate crush na si Hidio.

Matalino kasi ito kaya sinipagan ko talaga ang pag-aaral para mamaintain ko ang matataas kung grades para dito. Hindi naman nasayang ang aking sakripisyo dahil kaklase ko ito ulit.

Papunta ako ngayon sa room namin. Hindi ko kasabay si Hidio dahil pumunta pa ito sa hideout ng mga ito. Tama may sariling hide out sa school ang Japanese cousins. Mismong ang principal pa ang nagbigay sa mga ito. Hindi ko alam kung bakit pero masasabi kong malakas nag connection ng pamilya ng mga ito.

Binilisan ko pa ang paglalakad. Kailangan ko kasing makakuha ng upuang maupuan namin ng aking "My love". Last year kasi nahuli ako at may nakabi na ito sa upuan kaya ngayon talagang inagahan ko para masigurong makatabi ko na ito.

Muli na namang may ngiting sumilay sa aking labi sa naisip. Pagkapasok ko ng room namin ay napasigaw ako ng "Yes" ng makitang kakaunti palang ang mga studyanteng nasa loob. Nagtataka namang tiningnan lang ako ng mga ito ngunit ngitian ko lang sila.

Agad akong pumili ng magkatabing upuan na walang laman. Marami pa namang pagpipilian pero ang pinakahuling upuan na nasa gilid ng bintana ang pinili ko. Pag nasa huli kasi di ako masyadong mapapansin ng guro kapag titigan ko si Hidio o di kaya kung mag day dreaming ako rito.

Umupo agad ako doon at ipinatong  ang bag ko sa katabing upuan. Baka kasi maagaw pa ng iba sa pag- aakalang walang nakaupo.

Habang naghihintay kay Hidio kinuha ko muna ang aking pressed powder at nilagyan ulit ang mukha ko na medyo na agnas yata dahil sa kakamadali ko kanina kaya medyo pinagpawisan ako. Nag- apply na rin ako ng kaunting lipstik na kulay pink para mas lalong gumanda ako.

Ilang minuto pa ang lumipas. Medyo dumami na din ang mga studyante pero wala pa rin ang hinihintay ko. Maya- maya lang ay nasilayan ko na si ito kaya tumayo agad ako at tinawag ito.

"Crushhhhh".- masaya kung tawag dito na ikinatahimik ng buong klase. Kanina kasi busy ang mga ito sa pakipagkwentohan.

Medyo makapal na rin ang mukha ko kaya ayos lang sa aking maging center of tsismis dahil sa kakahabol ko dito.

Pinaypay ko ito nang lumingon ito sa kinaroroonan at senenyasang maupo sa tabi ko. Talagang tinudo ko pa ang ngiti para mapansin nito ang ganda ko ngunit talagang manhid ito dahil deneadma lang nito ang beauty ko at naupo sa ikalawang upuan sa first row malapit sa entrance.

Napakalayo nito sa akin dahil nasa 3rd row ako at nasa last seat pa. Sinadya ba nitong doon maupo para iwasan ako? Pwes hindi ako papayag dahil alam kung sa huli magiging akin  ka rin.

Tumayo ako at nilapitan itong abala sa kakapindot ng cellphone nito.

"Hi Crush.. Hindi mo ako narinig kanina noh?" - nakangiting tanong ko.

Patuloy parin ito sa pagtingin sa cellphon ng sumagot " Narinig kita."

Tipid nitong sabi.

"Bakit di ka lumapi kung narinig mo ako?"- nilambingan ko talaga ang boses para paamuhin nito ngunit para wala man lang rito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon