Chapter 30

107 5 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Dahil sa bilis ng mga hakbang at pagmamadali kong makalayo kay Akihiko hindi ko namalayan ang isang medyo may kalakihang batong nakaharang sa may daraanan ko kaya nang ma-apakan ko iyon nawalan agad ako nang balanse at agad na sumubsub sa may damuhan.

Bago ko pa maisipang tumayo ay narinig ko na ang mga yabag ni Akihiko palapit sa kinaroroonan ko. Dagdag na naman ang nangyaring ito sa kahihiyang kinasasangkutan ko ngayon araw at ang lahat ng iyon ay dahil dito. Kung pwedi lang akong mawala na parang bula sa harapan nito ay ginawa ko na.

Dahil sa labis na kahihiyang naramdaman ko naisipan ko nalang na magkunwaring nawalan ng malay.

Naramdaman ko ang pagbuhat nito sa  ulo ko at ipinatong iyon sa paa nito habang nakaunan ako sa mga braso nito.

"Hey, Reynalyn wake up."- naramdaman ko nag pag- aalala nito sa tuno ng boses nito o baka guni- guni ko lang iyon.

Nang hindi ako sumagot ay tinapik pa nito ang pisngi ko para gisingin habang walang tigil sa pagtawag ng pangalan ko. Pero bigla nalang itong tumigil saglit. Gusto kong dumilat dahil gusto kong malaman kung bakit ito tumigil at tumahimik pero natatakot naman akong mahuli nitong hindi naman talaga ako hinimatay.

Muntik pa akong mapasigaw nang bigla nalang ako nitong buhatin sa pamamagitan ng mga bisig nito. Habang nakapikit habang kalong nito hindi ko maiwasang wag amoyin ang nakaka adik na amoy mula sa katawan nito.

Akihiko's P.O.V.

Pangiti- ngiti akong nakasunod kay Reynalyn habang mabilis itong naglalakad nang bigla nalang itong matumba. Nag- aalalang agad ko itong nilapitan nang hindi nito sinagot ang tawag ko.

Muntik na akong maniwalang nahimatay ito buti nalang napansin ko ang mahipit na pagkuyom ng mga kamao nito. Lihim akong napangiti habang napatitig sa magandang mukha nito bago nagdisisyong buhatin.

Agad naman kaming sinalubong ni Kenshin at Daisuke na naglalaro ng video games sa may sala.

"Anong nangyari jan."- Kenshin

"Anong ginawa mo sa kanya."- Daisuke

"Nahimatay dahil sa kagwapohan ko."- cashual na sagot ko sa mga ito at ibinababa ito sa pahabang sofa.

"Anong nangyari kay Reyn? Bakit nawalan siya nang malay."- nag- aalalang tanong ni Hidio na pababa ng hagdan.

"Bumangon kana jan. Alam kung umaarte kalang. Galingan mo nalang sa susuno."- sabi ko dito sabay alis papuntang kusina para uminom ng tubig. Bigla kasi akong nauhaw.

Reynalyn' s P.O.V.

"Ayos kalang ba talaga?" - narinig ko ang nag-aalalang boses ni Hidio na umupo sa may tabi ko.

Unti- unti kong iminulat ang mga mata. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na doon ang taong iniiwasan kung makita.

"A-ayos lang ako. Sige pasok na ko ng kwarto."- sagot ko sabay bangon. Halos liparin ko na ang daan papunta sa room ko dahil sa takot na bumalik si Akihiko. Nakahinga lang ako ng maayos na makapasok na ako ng kwarto.

Nang gabing iyon hindi ako masyadong nakatulog. Hindi din ako kumain ng haponan pero himalang di ko man lang naramdaman ang gutom Basta ang iniisip ko ng mga oras na iyon ay iisang tao lang. Si Aki, ang taong dahilan kung bakit hindi na yata na yata natahimik ang puso' t isip ko. Ang tanging taong nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon