Chapter 39

81 4 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Tahimik akong sumunod kay Aki papasok ng bahay. Pagkapasok agad na bumungad sa amin ang hindi kalakihang sala. Halos lahat nang makikita mo ay pawang gawa sa kahoy at kawayan. Mula sa sahig na inaapakan namin, mga dengdeng nang bahay at maging ang mga upuan at mesa ay gawa sa mga light materials.

Sa kabilang dako ay may dalawang magkadikit pinto na hula ko ay mga kwarto iyon nang bahay. Kaharap naman nang sala ang maliit na kusina kung saan pumasok si Aki na kita mula sa kinatatayuan ko.

Medyo tumutulo pa ang basang damit na suot ko kaya hindi maiiwasang hindi mababasa ang sahig kaya dahan-dahan akong naglakad para maiwasang madulas.

"Nandito ang banyo."- si Aki iyon na lumabas mula sa kusina.

Naglakad ako patungo dito nang dahan-dahan.

"Nasaan pala yong iba?"-takang tanong ko dahil hindi makita ang ibang kasamahan.

Maging ito ay napalinga-linga din sa paligid na wala rin sigurong alam.

Biglang bumukas ang isang pinto kaya sabay pa kaming napalingon doon.

"Bhest! Bakit ngayon kalang kanina pa kita hinihintay."- masayang bungad ni Prime. Kahit kailan feeling close parin talaga ito.

Naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko ngunit bago pa man ito makalapit ay nadulas ito.

Halos lumuwa ang mga mata ko sakot at sabay pa kaming napasigaw ni Akihiko buti nalang biglang lumabas nang isa pang kwarto si Kenshin at agad na sinalo si Prime.

Mabilis akong lumapit dito at hinawakan ang mga kamy nito pagkatapos bitawan na ito ni Kenshin.

"I'm sorry Prime kasalan ko kung bakit nadulas ka di ko pa kasi napupunasan ang mga patak ng tubig galing sa damit ko."-paumanhin ko.

"Ikaw talaga. Kasalanan ko kasi hindi ako nag-ingat."-nakangiting sabi nito.

Lumipat ang tingin ko kay Kenshin na tahimik lang na nakatayo sa likod ni Prime.

"Thank you sa pagsalo kay Prime. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kan--"

"Maging responsable ka sa kalat mo kung ayaw mong may ibang mapapahamak sa kabubohan mo."-madiin nitong sabi.

Galit ba ito? Pero kay Prime ako may kasalanan bakit ito ang nagagalit?

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Aki at bahagyang itinulak sa dibdib si Kenshin.

"Kanojo ni shazai."-(Apologize to her.)

Medyo may diin sa boses ni Aki habang mariing nakatingin kay Kenshin. Hindi ko man naiintindihan ang sinasabi nito pero ramdam kong galit din ito.

"Naze?"-(why) kunot noong tanong ni Kenshin na walang kurap na nakatingin din kay Aki. Para bang nagsusukatan sila ng tingin.

"Because I love her and I don't want my bestfriend to say that bullshit to her infront of me."- tumaas ang boses ni Aki. Actually firstime kung nakitang ganon ito kagalit.

Pero teka? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Dahil sa akin kaya siya nagagalit kay Kenshin.

"Anata wa kurutte iru!" (You're crazy!)- seryosong sagot ni Kenshin bago tumalikod at lumabas.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon