Reynalyn's P.O.V.
Isang buwan na ang lumipas mula nang mawala si Aki. Isang linggo narin ang lumipas nang itinigil na ang paghahanap sa mga sakay nang eroplano at marami narin ang mga bangkay na natagpuan pero merong iilan na hindi na nakita at isa na doon ang katawan ni Aki.
Medyo matagal nang nawala si Aki ngunit araw- araw parin akong umiiyak na para bang kahapon lang ito nawala.
Sumuko na rin ang pamilya ni Aki at tinanggap na talagang patay na ito pero para sa akin sobrang hirap tanggaping wala na ito at kahit kailan hindi ko na ito muling makikita.
Ayokong tanggaping tuluyan na itong kinuha sa akin. Ayokong aminin sa sarili ko na patay na ito. Sa totoo lang puno nang pagsisisi ang puso at dahil doon galit ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit ito nawala.
Hindi ko alam kung makakaya ko bang patawarin ang sarili ko sa paglipas nang panahon o makakaya ko pa kayang magmahal muli dahil sa karanasan ko sa taong una kong minahal. Ang sigurado ko lang nang mga oras na iyon ay hindi ko kayang kalimutan si Aki. Hindi ko siya kayang burahin sa puso at isip ko.
Wala ring nakakaalam kung hanggang kailan maglalaho ang lahat ng alaala at pagmamahal na naipon sa puso ko para dito. Siguro hanggang nabubuhay ako, mananatili ring buhay ang lahat ng alaalang iniwan ni Akihiko.
Hindi na rin ako bumalik ng Maynila dahil wala na man akong babalikan pa. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pag- aaral dito sa Iloilo.
Alam kong kahit wala na ito kailangan ko paring ituloy ang buhay ko. Si Aki, ay mananatili na lang na importanteng tao sa buhay ko. Isang taong magiging inspirasyon kong lumaban sa lahat ng hamon sa buhay ko.
At ngayon sa harap ng malawak na dagat. Siguro kailangan ko na ring tanggapin sa sarili kong wala kana talaga. Na hindi kana babalik kahit kailan.
Muli na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Paalam na mahal ko... Hanggang sa muli nating pagkikita"- bulong ko sa hangin sabay tapon ng isang tangkay nang puting rosas sa dagat.
Siguro panahon na para pakawalan ko lahat ng sakit na dinala ko sa nakalipas na isang buwan. Kailangan kong gawin iyon para makawala na rin sa sakit ang puso ko.
Kailangan kong mabuhay kaya hindi dapat ako magpakulong sa bangungot ng nakaraan.
Tuluyan ko nang tinalikuran ang dagat. Nakahanda na rin akong harapin ang kasalukuyan. Alam kong mahirap sa una pero naniniwala akong makakaya ko rin ang lahat.
=Wakas=
Opps.. Wag mastress magtiwala lang kayo sa akin may maganda akong plano 😁. Ayoko lang kasi sa teen fiction kaya I need to end this kaya talon tayo sa future. Abangan ang season II.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...