Reynalyn's P.O.V.
Pagkapasok ko sa loob nang kwarto ay agad akong napasandal sa likod ng pinto. Wala sa sariling kinapa ko ang aking dibdib na ayaw parin paawat sa mabilis na pagtibok.
Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito nalang kalakas ng tibok ng puso ko kahit hindi naman ako tumakbo ng mabilis bakit pakiramdam ko tumakbo ako ng isang kilometro.
Naiusal ko nalang sa sarili dahil sa bagong pakiramdam na bigla nalang sumanib sa aking pagkatao.
Unti-unti akong naglakad papunta sa kama habang nananatiling nakalagay ang isang kamay ko sa dibdib.
Dahan-dahan akong umupo doon at unti-unti kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bigla nalang lumitaw sa aking balintataw ang imahe ni Akihiko. Ang magaganda nitong mga mata na tila nangungusap kung tumingin. Ang magagandang ngiting naka-ukit sa mapupulang labi nito na tela inaakit kang tikman iyon.
Ano daw? Nangangarap ba akong mahalikan ito? No way!
Bigla akong napaupo ulit dahil sa kabaliwang aking naiisip ng mga oras na iyon.
Haist, siguro dahil sa naiinis ako sa lalaking iyon kaya nakikita ko nalang ito kung saan-saan.
Sabi ko sa sarili. Tumayo ako at hindi nalang pinansin ang biglang naisip kanina. Naisip ko nalang na maligo para maging fresh ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa takot na nararamdaman ko kanina sa biglaan bisita kaya kung ano-anong kababalaghan din ang iniisip ko.
Akihiko's P.O.V.
Mabilis akong bumangon ng kama at dali-dali kong binuksan ang pintuan nang marinig ko ang mga katok sa aking pinto.
"Oh, bakit bigla yatang nawala ang ngiti sa labi mo nang makita ako? Ibang tao ba ang inaasahan mong kumakatok?" - tela may kasamang panunukso sa tuno ng tanong na iyon ni Daisuke.
"Obcourse not. Nababaliw kalang kaya kung ano-ano yang iniisip mo." -sagot ko at tinalikuran ito. Naglakad ako hanggang sa gitna nang kwarto ko. Sumunod naman ito sa loob.
"What do you want?"- taong ko nang humarap ulit ako dito.
Tumingin-tingin ito sa paligid nang kwarto at muli akong hinarap.
"Wala lang. Gusto lang kitang tawagin para kumain." -sagot nito.
Tumaas ang kanang bahagi ng kilay ko. Pwedi naman kasi ako nitong e-txt o di kaya tawagan sa cellphon tulad nang dati nitong ginagawa.
"Sige mauuna na ko sayo."- umalis na ito bago pa ako nakasagot.
Nagpalit muna ako ang t-shirt bago bumaba para kumain. Hindi kasi pweding di kami sabay-sabay na kumain dahil mahigpit na bilin iyon ng amin Ojichan na siyang batas sa aming pamilya.
Reynalyn's P.O.V.
Agad kong binuksan ang taong kumakatok sa kwarto ko. Si Hidio ang nabungaran ko doon. Kung dati ay aloof pa itong humarap sa akin ngayon ay parang nasanay na rin ito kaya nawawala na ang hiya nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
Roman d'amourReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...