Reynalyn's P.O.V.
Alas singko palang ng umaga ay gising na kaming lahat. Kagabi kasi matapos manood ay kinausap kami ni Grandma na pupunta sa mga kamag-anak nito sa probensya dahil matagal na raw itong hindi nakapunta doon mula nang makapag- asawa ito at manirahan sa Japan.
Gusto niya rin daw ipakilala ang mga apo nito sa mga kapatid niya para makilala ng mga ito ang mga pinsan.
Kahit inaantok pa ay agad na akong naligo dahil alas 6:00 ng umaga kami aalis. Matapos maligo at maglagay nang ilang damit sa pink kung bag ay agad na akong lumabas ng kwarto. Walang katao-tao sa sala kaya hinuha ko ay hindi pa tapos ang mga ito sa pag-aayos.
Ipinatong ko ang pink kong bag sa sofa at dumiritso sa kusina kung saan naabutan ko si Aki na pakanta-kanta habang naluluto.
Hindi ko mapigilang hindi mpangit dahil cool parin itong tingnan kahit wala sa tuno ang boses nito.
"Good morning." - bati ko dito na ikinalingon nito.
Bigla itong ngumit ng makita ako at agad na iniwan ang niluluto at lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Bigla akong natuod sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito at naramdaman ko rin ang pag-init ng magkabila kong pisngi.
"Kamusta ang tulog mo?" - nakangiti paring tanong nito.
Hindi ba nito alam na nalulunod na ako sa kilig dahil sa halik nito. Feeling ko tuloy bagong kasal namin.
"Hey, are you ok?"
Tanong nito ulit ng hindi man lang ako gumalaw at nagsalita. Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan.
"Y-yeah.. I'm fine. P-pero bakit ikaw ang nagluluto?" Diba sabi ko ako na ang---"
"Shhhh,. Gusto kong pagsilbihan kita at gustong-gusto ko na kinakain mo ang mga luto ko kaya wag kana umangal jan."- putol nito sa sasabihin ko.
"Pero--"
Bigla ako nitong hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon pero biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya medyo nawalan ako ng balansi kaya mabilis akong hinawakan ni Aki sa magkabilang braso.
"Are you sure you are ok? Para kasing--"
"Y-yeah I'm fine. Medyo inaantok lang ako." Sagot ko sabay kagat sa labi. Sana makalusot.
Hinila nito ang isang upuan at inalalayan akong umupo doon.
"Stay here. Malapit nang maluto ang ulan kaya babalikan ko lang muna." Malambing nitong paalam at bumalik sa pagluluto.
Saktong inililipat na nito ang niluluto sa mangkok ng nasipagdatingan na ang mga pinsan nito kasama si lola.
"Tamang-tama makakain na tayo para maaga tayong makakaalis at maaga rin tayong dumating doon." Masayang sabi ni lola.
"Mga ilang oras po ba ang byahe?" - curious na tanong ni Hidio.
"Mga mahigi tatlong oras. Tinawagan ko na rin ang driver niyo para hindi kayo mahirapan sa pagmamaneho."- sagot ni lola.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...