Chapter 54

62 4 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Umuwi rin kami kinabukasan dahil may pasok pa kami bukas. Kahit maiksing panahon lang ang inilagi namin sa lugar na iyon masasabi ko paring sapat na ang mga memories namin ni Aki doon na magkasama.

Nasa garden ako ng hapong iyon. Pakanta-kanta habang nagdedilig nang halaman nang lapitan ako ni Aki.

"Mukhang good mood ang mahal ko ah."- nakangiting bati nito habang papalapit sa kinaroonan ko 

Lihim akong kinilig sa simpleng salita nito.

Nang makalapit ay pasimpleng kinuha nito sa kamay ko ang hose ng tubig at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa ko kanina.

"Lahat nalang ba ng mga kailangan kong gawin dito aakuin mo." Nahihiya kong sabi na dinaan nalang sa tawa.

"Hindi naman. Nang umpisa palang sinabi na namin sayong hindi mo na kailangan gawin ang bagay na ito diba?"- malambing na sagot nito.

Nginitian ko nalang ito bilang tugon. Pagkatapos madiligan lahat ng pananim ay sabay kaming naupo sa beanch na nasa gitna ng garden.

"Parang kailan lang nang mapadpad ako sa lugar na ito at nakilala kita noh?" - pagbubukas ko ng usapan.

Bigla itong natawa kaya napalingon ako rito. "Tama ka, nang una talagang ayoko sa yo."

"Oo nga pala. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin noon?"- curious kong tanong.

"Hmmm, siguro dahil hindi ikaw ang mga tipo kong babae?" Sagot nito sa paraang parang nang-aasar.

"Ah, ganun? Di rin kaya kita time dati. Ang yabang mo kasi at feeling gwapo." - pairam kong sagot.

"Hindi ako mayabang no dahil totoo namang ang gwapo ko."

"Siya sige gwapo kana kung yan ang ikakasaya ng puso mo."- natatawa kong sagot.

Biglang itong tumahimik at napatingin sa mukha ko kaya natigil din ang pagtawa ko.

"Ikaw ang nagpapasaya sa puso ko Reyn. Kung hindi ka siguro dumating sa buhay namin baka hindi ko rin naayos ang direksyon ng buhay ko."

Natigilan ako sa pahayag nito. Ramdam ko kasi ang senseridad sa bawat salita nito. Sino ba naman ako? Isa lang akong simpleng babae na napadpad sa bahay ng mga ito kaya kahit ako ay hindi parin makapaniwala na sa dinami- dami ng babaeng may gusto dito ako parin ang pinili nito.

"Kung hindi rin siguro ako napadpad sa bahay niyo. Baka hanggang ngayon palaboy-laboy na ako sa kalsada kaya mas maswerte akong kayo ang una kong nakilala mula ng mapunta ako sa Maynila." -malungkot kong sagot nang maalala muli ang ginawa sa akin ni Tita.

Hindi na ito muling sumagot. Naramdaman ko nalang ang pagyapos ng kamay nito sa balikat ko at kinabig ako palapit sa katawan nito. Dahil sa init nang yakap nito para ring biglang napawi ang lungkot sa puso ko.

Akihiko's P.O.V.

Matapos namin mag- usap ni Reyn at bumalik na agad kami sa loob ng bahay dahil malapit na ring gumabi. Si grandma ang ngpresentang magluto kaya dumiritso na kami sa kwarto.

Pagpasok sa loob parang hindi parin ako mapakali. Kanina kasi ramdam kong parang biglang nalungkot si Reyn. Gusto ko itong makitang laging nakangiti kaya nalulungkot din akong makita itong malungkot.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon