Chapter 58

112 3 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Sinundo ako ni Tatay mula sa daungan ng bayan namin. Mula kasi sa bayan ay kailangan kong sumakay ng bangka para makarating ng Isla.

Wala itong kibo habang nasa byahe kami siguro dahil galit din ito o disappointment sa balitang narinig mula sa tiya kong sinungaling.

"Kamusta po kayo tay?"- tanong ko rito upang basagin ang katahimikan nito.

Hindi ito sumagot kaya ang ingay nang makina ng bangka ang siyang tanging naging tugon ko sa tanong.

Parang may biglang kumurot sa puso ko dahil sa hindi nito pagpansin sa akin kaya ibinaling ko nalang sa mga magagandang tanawing aming nadadaanan ang atensyon ko bago pa pumatak ang luha sa mga mata ko.

Pagdating namin sa isla ay pinauna na ako ni itay sa bahay dahil itatali pa nito ang bangka para hindi anorin.

Sa bahay ang seryosong mukha ni nanay ang sumalubong sa akin. Agad kung kinuha ang kamay nito upang magmano.

"Mabuti at umuwi ka nga bago kapa buntisin ng kung sinong lalaki doon sa Maynila."- matabang nitong sabi.

Pakiramdam ko ay tinadyakan ako ng malakas sa dibdib dahil sa narinig mula sa bibig nito.

Sa totoo lang gusto ko ring magalit kay nanay dahil mas naniniwala pa ito sa kapatid nito kaysa sa akin na anak.

"Nay, kung ano mang sinumbong sa inyo ni Tiya Mona wala pong katotohan iyon." - sinubukan kong magpaliwanag dito.

" Alam mo Reyn malaki ang tiwala namin sayo ng tatay mo pero sinira mo iyon ng dahil lang sa isang lalaki." - sagot nito na di pinansin ang sinabi ko.

"Nay, hindi totoo yang binibintang ni Tiya sa akin. Hindi mo alam kung ano yong ginawa ng sarili mong kapatid sa akin."- napaupo ako sa papag namin sa sala dahil parang nanginginig ang tuhod ko nang maalala ang nangyari.

"Ano ang hindi ko alam Reynalyn? Na pakikipaglandian at pakikipaghalikan lang ang pinagkakaabalahan mo sa Maynila nang di namin alam? Kung di ka pa nahuli ng tita mo baka hindi pa namin nalaman ang pinanggagawa mo doon."

Bigla akong napabulalas ng iyak dahil sa sakit. Masakit marinig mismo sa mga bibig ni nanay na wala itong tiwala sa akin. Dapat ito kasi ang mas nakakakilala sa akin dahil ito ang nagpalaki sa akin pero hindi. Mas pinili nitong paniwalaan ang tita kung ubod ng sinungaling.

"Nay, alam niyo bang iniwan ako ni tiya nong araw ng makarating ako ng Maynila? Alam mo bang lahat ng baon na inipon at binigay niyo lahat yon ay ninakaw niya?" - medyo tumaas na ang boses ko.

Gusto kong magpaliwanag dito kaya sinabi ko rito ang tunay na nangyari sa pagbabakasakaling magbago ang isip nito sa akin.

"At ngayon sinisiraan mo pa ang tita mo? Ano bang nangyari sayo Reyn? Yan ba ang natotohan mo sa Maynila na pati ang sarili mong tiya na nagpatira sayo ay sisiraan mo?"- mas lalo pa yata itong nagalit sa sinabi ko.

"Pero nay, iyon po yong totoo. Iniwan at ninaka--"

"Tama na Reyn. Kahit ano pang sabihin mo dito kana mag- aaral ulit. Ipapaasikaso ko nalang sa tita mo ang mga papelis mo sa school."

"Pero--"

"Pumasok kana sa kwarto ma at magpahinga."- sabi nito sabay alis ng bahay.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon