Chapter 48

73 5 1
                                    

"Ano yan? Ba't di mo suot yong sapatos na bigay ko?"- tila nagtatampong salubong sa akin ni Prime nang papasok palang ako ng room.

Hindi ko kasama si Hidio dahil dadaan pa raw ito sa hideout nilang magpipinsan na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung nasaan.

Umupo muna ako sa upuan ko at hinubad ang bag bago ito muling hinarap. Nakasunod naman ito sa akin at malungkot na nakatingin sa akin.

"I'm sorry Prime. Ano kasi..."

"Teka, bago rin yang sapatos na suot mo ah?"- biglang nag- iba ang expression ng mukha nito na para bang bigla itong naging curious kung kanino galing ang sapatos na pinili kong isuot.

"Ah, eh bigay ni Aki kaya hindi ko nasu--"

"Enough." Pinigilan nito ang paliwanag ko habang nakataas ang dalawang kamay sa harap ko.

Imikot ito at umupo sa upuan ni Hidio at tudo ang ngiting tumingin sa akin.

"Now you can start. Ikwento mo sa akin ang bawat detalye bakit ayaw ni Aki sa sapatos na bigay ko?" may panunukso sa boses nito.

"Ahm, sabi niya kasi.. Hindi ko kailangan magsuot ng sapatos na may mataas na takong para lang tumangkad." kwento ko.

"Bakit naman? Ayaw niya bang kahit papano lumiit ang agwat niyo sa isa't isa?"

Sinimangutan ko ito.

"Nang- aasar ka ba?"

"Ikaw talaga nagbibiro lang."- nakangiti nitong sagot sabay beautiful eyes.

"Pero, bakit nga ayaw ni Aki?"dagdag nito.

"Dahil daw mahal niya ako kung ano ako kaya hindi ko kailangang bagohin ang sarili ko."nahihiya kong sagot habang nakatingin sa mukha nitong halos hindi na maipinta sa kilig.

"Besty... Nakakainggit ka naman." Kinikilig nitong sabi. "Ako kaya kailan mapapansin ni Hidio?"

Napataas ako nang tingin kung saan nakatayo si Hidio sa may likuran ni Prime na kararating lang.

"Ehm." tumikhim si Hidio kaya nabaling ang tingin ni Prime na mas tumudo pa ang pag ngiti.

"Yes my Hidio? Papansinin mo na ba ako." Mahinhin nitong sabi.

Napailing nalang ako sa kaartihan nito.

"Nakaupo ka sa upuan ko." seryosong sagot nito.

"Ah, ganun ba? Pero nag- uusap pa kasi kami ni Reyn but you can sit in my lap. Gusto mo?" Malambing nitong sabi na muntik ko nang ikinabunghalit nang tawa ng makita ang hindi maipintang mukha ni Hidio.

Maya-maya pa ay bigla nitong binuhat ang nagulat na si Prime na napakapit sa liig ni Hidio.

"Upuan ko yan kaya umupo ka sa upuan mo."- seryosong sabi nito habang nakatingin kay Prime at nag-umpisa nang naglakad papunta sa upuan ni Prime.

"Ang cute nilang tingnan." Bulong ko sa sarili habang pangiti-ngiti.

Bumalik naman agag si Hidio at tahimik na umupo sa tabi ko.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon