Chapter 4

178 10 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Ang ganda nang panaginip ko. Nasa isang harden daw ako kasaman ang lahat ng myembro ng k-pop boygroup na exo na favorite ko habang masayang hinahabol ng mga ito.

"Agayyyyy(ouch)" sigaw ko nang mahulog ako sa kama na aking hinihigaan.

"Bukiyōna(Clumsy)."

Bigla akong napamulat ng aking mga mata ng marinig ang boses lalaki sa may tabi ko. Authomatic na naglakihan ang mga mata ko nang makita itong nakatayo  malapit sa kinabagsakan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko.

"This is my room.. So nararapat lang na nandito ako diba?" nakataas ang gilid nang labi nitong sabi.

Inilibot ko nga ang mga mata sa paligid. Nasa isang malawak na kwarto ako na gray ang kulay ng pinturang nakapinta. Pati ang mga kumbre kama, punda at kumot---

Bigla akong natigilan nang mapatingin sa kumot na bumabalot sa aking katawan na kasama kong nahulog. Nanginginig ang aking kamay na unti-unti kong tiningnan ang aking katawan na nasa loob ng kumot. Ang bilis nang tibok ng puso ko dahil may idea na akong wala akong suot na kahit na ano. Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa kulay gray din na kumot habang unti-unting inangat ang mukha ko sa lalaking nanatiling nakatayo sa may paanan ko. Mangiyak-ngiyak na tiningnan ko ito ng masama.

"A-anong ginawa mo sa akin?" nakatiim-bagang tanong ko sa pagpipigil nang galit.

Bigla itong lumapit at nagsquat sa mismong harapan ko kaya halos nagkapantay kami. Nakaramdam ako ng pagkaasiwa ngunit hindi ko pinahalata dito bagkos sinalubong ko pa ang mga mata nitong nakatitig sa mukha ko.

Napapiksi ako nang bigla niton hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa mukha ko at inipit sa tenga ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero di ako sure kung sa dahil iyon sa takot dito o baka sa hiya.

"You know what.. Kanina pa kita tinititigan pero ni isa wala akong makitang maganda sa katawan o sa mukha mo. "Seryosong sabi nito.

"Ano?" - nanlalaki ang mga mata kong sabi.

Nagsmirk ulit ito sabay tayo. Inilagay nito ang isang kamay sa bulsa nito habang hindi binawi ang tingin sa akin. Dahil nakatayo na ito napilitan akong tingalain ito.

"Sabi ko hindi kita type kaya wag kang mag-ambisyon may ginawa ako sayo."- walang ganang sagot nito.

Aaminin kong hindi naman ako kagandahan pero nakakapagtaka lang na wala akong suot na damit.

"B-bakit wala na akong damit?" tinapangan ko ulit ang boses nang makabawi sa pang-iinsulto nito.

Bumuga muna ito ng hangin bago nagsalita.

"Nabasa ka kasi ng ulan kaya napilitan akong hubarin ang damit mo."

Napatayo ako habang nakahawak parin sa kumot dahil umahon ulit ang inis ko dito.

"S-so... N-nakita mo ang katawan ko?" mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Ayokong makita ang pangit mong katawan kaya pinatay ko ang ilaw kaya wag kang mag-imagine ng kung ano-ano." Nakataas ang isang kilay na sagot nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon