Kabanata L

37 6 10
                                    

Nang marinig ko ang alingawngaw ng schoolbell sa buong unibersidad, nakaramdam ako ng pagkabalisa at kalungkutan. Mukhang wala na akong iba pang magagawa kung hindi ang maghintay na maguwian para mapuntahan at maalagaan si Ryder.

Nagpaalam na ang tatlong mokong sa lola ni Ryder at gayon din naman si RJ at ako. Pagtalikod namin nag-iba ang tibok ng puso ko, nakaramdam ako bigla ng kaba at pangamba. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng pakiramdam na ito.

Lumingon ako sa huling pagkakataon sa likuran namin at nakitang naroon pa rin nakatayo ang lola ni Ryder na tila ba nakangiti at nakatitig sa akin. Tila may malakas na kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan at dalidaling bumilis ang tibok ng aking puso na para bang may humahabol dito. Hindi ko mawari kung bakit ako nakakaramdam ng takot mula sa puso ko.

Dahan-dahang tumalikod ang lola ni Ryder at naglakad na palayo sa amin.

Bahagya akong natulala ng hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako sa aking ulirat ng tawagin ako nila Marco na baka abutan daw ako ng sunod na schoold bell.

Pumasok na kami sa aming klase. Mabilis na lumipas ang araw pero hindi ito naging madali para sa akin, hindi ko alam kung dahil ba lumilipad ang isip ko sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ni Ryder o talagang hindi maganda ang araw na ito para sa akin.

Una sa klase pakiramdam ko ako lagi ang natatawag para sumagot sa mga katanungan ng aming mga guro, pangalawa kadalasan ng concessionaire na bibilhan ko sana ng makakain, nauubusan ng gusto kong bilhin, pangatlo pero hindi ang huli ilang beses na akong muntikang masubsob sa sahig dahil nababangga ako ng kapwa ko estudyante.

Sobrang wala lang siguro ako sa hulog kaya kung anu ano ang nangyayari sakin. Kakainis kasi itong Ryder na ito, hindi man lang ako sinabihan na masama pala ang pakiramdam niya para hindi na lang muna ako pumasok para maalagaan siya.

Ang totoo niyan hindi ko lang siguro maiwasang sisihin ang sarili ko dahil ako yung huling nakasama ni Ryder, tapos pinatulog ko pa siya sa ilalim ng kalangitan dahil sinundan ako ni Ryder nung nagpunta kami sa tabing dagat. Nahamugan siguro ang loko tapos tuluyang nagkasakit pagkauwi kinabukasan.

Nang tumunog na ang bell para maguwian agad akong tumayo sa aking kinauupuan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagmadali puntahan si Ryder sa dorm niya.

Nakalimutan ko tuloy magpaalam sa tatlong mokong kakamadali ko; ano ba yan sobrang lutang ko talaga ngayon.

Bago pa man ako makalabas ng unibersidad ay naharang na ako kaagad ng guard sa gate; kung hindi ka naman talaga sinuswerte.

"Sandali lang" ika ng guard na papalapit sa akin, "protocol lang sir, need lang po kita i-frisk."

"Sige po" tugon ko at pinakita ang laman ng bag ko.

Agad naman na akong kumaripas ng takbo pagkatapos masilip ng guard ang kagamitan ko.

Hinahapo akong dumating sa harap ng building ng dorm ni Ryder. Hindi na ako nagatubili at nagmadali na akong pumasok dito.

Kumatok ako pagkarating ko sa harap ng pinto ng dorm ni Ryder. Walang sumasagot at nagbubukas ng pinto na labis na nagdulot sakin ng pag-aalala.

Kumatok akong muli at sinabayan ng pagsigaw ng pangalan ni Ryder pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Halu-halo na ang nararamdaman at tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na ako kakahintay na may magbukas ng pinto ni Ryder bukod pa rito sobrang sakit na ng kamao ko, may galos na ito kakakatok ko sa pinto.

Gaano na kaya ako katagal dito. Gabing gabi na pero mukhang wala paring pag-asa na magbukas ang pintuan ng dorm ni Ryder.

Napansin ko na may papalapit na security guard sa gawi ko kaya naman naisip ko na pagkakataon ko na ito para maka hingi ng tulong na buksan ang pinto ni Ryder.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon bago pa man ako makapagsalita, pinagsabihan ako nito at inihatid papalabas ng building. Inirereklamo na daw ako ng mga katabing unit dahil nakakagambala na daw ako.

Ang pinakaikinagulat ko sa lahat ay tinawagan daw ng guard ang may ari ng unit at na kumpirma na walang tao sa loob ng dorm simula pa kahapon.

Hindi ko na alam pa kung ano ba dapat kong maramdaman, sobrang gulong gulo na ng isip ko. Wala na akong maintindihan sa mga kaganapan.

Tulala akong umuwi ng dorm ko habang tila walang humpay na sinasaksak ang puso ko na sa sobrang sakit pakiramdam ko dumudugo ito.

Pagkarating ko sa dorm agad akong dumerecho sa medicine cabinet ko upang gamutin ang mga galos na natamo ko kakakatok sa pintuan ng dorm ni Ryder. Habang ginagamot ko ito hindi ko maiwasang maluha at maawa sa sarili ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko pa rin alam kung ano na ang nangyari kay Ryder. Kahit nga ang tatlong mokong wala ring balita.

May nabasa ako noon na hindi sapat ang pag-ibig para magkatuluyan kayo ng taong mahal mo. Nabasa ko rin noon na karamihan ay hindi nag e-end up sa mga taong pinakamahal nila kundi sa mga sumunod lamang dito.

Hindi ko matanggap ang mga ideyolohiya na ito at hindi rin ako papayag na ganito rin matapos ang istorya ng pagibig ko.

Masyado ng marami ang nangyari kaya naman lalaban ako hanggang sa huli.

Mahal na mahal na kita higit pa sa kaya kong ipakita at iparamdam. Nandito lang ako para sayo at ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko habang buhay.

Kaya hindi ako susuko sa relasyon natin Ryder alam ko na may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito at iyon ang dapat kong alamin.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at ini-enjoy ang lunch break, nag-uusap usap kami nila, Marco, Cameron, Jaxon at RJ na tila ba walang problema at ayos lang ang lahat.

Pansin na iniiwasan ng bawat isa ang topic na kaugnay si Ryder, siguro bilang respeto nila sa akin.

Sa hindi kalayuan may napansin akong taong matagal ng nananahimik sa buhay ko dito sa unibersidad. Nakangiti ito sa akin na tila alam nito kung ano ang tunay na nangyayari.

Gusto ko itong lapitan at komprontahin pero ayoko ipahalata sa tatlong mokong at RJ na apektado ako masyado, ayoko rin naman na sobra silang mag-alala para sa akin.

Nagpaalam ako sakanila na magpupunta lamang ako banyo pero ang totoo ay balak kong pumuslit papunta kay Krystal upang makausap ito.

Pagkalapit ko dito, bumulong lang ako na kailangan namin magusap na kaming dalawa lamang.

Tumawa lang ito habang nakatingin sakin, "maghihintay ako," huling sambit ko bago ito tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Nakakainis talaga ang babaeng iyon, kailangan ko lang talaga malaman kung anong alam niya kasi mukhang pinagtatawanan niya ko at wala akong magagawa kung hindi tiisin na muna ang ka-demonyahan ng babaeng ito.

Bumalik na ako kung nasaan sila Marco, Cameron, Jaxon at RJ na halatang nagdududa sa pagpunta ko sa banyo kaya naman ngumiti ako upang ipakita ko na okay lang ako pero alam kong hindi ko sila maloloko.

Ilang araw ko na din pinapakita sa kanila na okay lang ako, na hindi ako masyado apektado sa mga nangyayari, na matatag ako at kakayanin ko ito.

Sa totoo lang hindi naman talaga sila ang niloloko ko, kung hindi ang sarili. Inuuto ko ang sarili ko na maging okay kahit na ang totoo ay nadudurog na ako.

Sa ngayon kasi parang yun lang ang kaya kong gawin pero mukhang magbabago iyon pagkatapos namin magusap mamaya ni Krystal. Mukhang sa pagkakataon na ito kailangan kong kumapit sa patalim.

Si Bea kasi para ring si Ryder biglang naglaho na para bang isang bula, kahit yung opisina ng direktor walang tao tanging ang secretary niya lang ang naroon parang bigla akong nagising sa isang napakagandang panaginip.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon