Pagkarating na pagkarating ko sa school napansin ko na kaagad si Ryder na nakatayo sa may gate. Ano na naman ba trip nang ugok na ito? Oo na, napatawad ko na siya. Ako naman talaga may kasalanan kaya nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan pero sobra na ata toh.
Mula sa malayo napansin na ako ni Ryder at kumakaway na ito sa akin "Dean ko!" Pagtawag nito.
Leche, nakakahiya. Pinagtitinginan na ko nang ibang mga estudyante. Yumuko ako at naglakad nang mabilis papunta kay Ryder. Nais ko lang busalan ang bibig nito na napaka ingay.
Lumapit ito sa akin nang nakangiti, "Dean ko. Namiss kita nang sobra, wag na natin ulitin yung nakaraan ah?"
"Di mo ako pagmamay-ari at wag ka nga magsisisigaw, nakakahiya" inis kong sambit kay Ryder.
Lumingon ito sa paligid at huminga nang malalim. "DEAN KO, TARA NA IHATID NA KITA SA KLASE MO" pangaasar nito sa akin.
Kung may kahit ano siguro akong hawak ngayon malamang naisungalngal ko na dito sa ugok na ito. Napakalakas nang toyo kahit kailan pero aaminin ko namiss ko rin kahit papaano ang kakulitan ni Ryder.
Sa hindi kalayuan may nakita akong natakbo papunta sa amin ni Ryder. Ito na nga ba ang sinasabi ko parang gusto ko na lang sila parehas awayin.
Medyo hapo si Raven na nakarating sa amin. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ryder na tila nagsasapakan sila sa isipan nila.
Bumitaw na ito nang tingin kay Ryder at lumingon na sa akin "Magandang umaga, Dean" wika ni Raven sabay ngiti.
Nagulat ako nang may kinuha ito sa bag niya at inilabas ang isang rosas "para sayo" ika nito habang inaabot sa akin ang rosas.
Napatingen ako kay Ryder at nakita ang mga apoy sa mata niya. Pakiramdam ko gusto nito kunin yung rosas at pagaapakan buti na lang talaga at nangako silang hindi na magaaway.
Inabot ko ang rosas galing kay Raven, "salamat ah" ika ko na hindi alam kung ano ba dapat maging reaksyon ko. Nangangamatis nasiguro ang mukha ko sa hiya.
"Boys, exit muna ang mader niyo ah" sambit nang isang boses mula sa aking likuran.
Tinulak ako nito palayo sa dalawa. Sino kaya ito, bakit niya ako tinutulungan? Teka, ako ba si mader?! Aba, gago toh ah.
Pinigil ko ang pagtulak niya at nilingon kung sino man ang tumutulak sa akin. Nagulat ako nang makita ang isang hindi pamilyar na mukha sa akin.
"Aba't sino ka naman? Pero salamat ah niligtas mo ako doon sa dalawa."
"Hay naku, ang haba haba kasi nang buhok mo girl. Ang aga aga napapalibutan ka na nang mga kalalakihan" sambit nito. Hinawakan nito ang mukha ko nang dalawang kamay niya at nagpatuloy "hala girl, mukha kang tomboy. Wala kang kakolo-kolorete sa mukha mo." Bumitaw na ito sa mukha ko at humawak sa kanyang bewang "anyway, ako nga pala ang guardian dyosa mo. My name is RJ, ang baklang sa sobrang ganda walang nanliligaw. Char!"
Hindi ko alam kung anong klaseng charm ang mayroon ito si RJ pero na hook na ako kaagad sakanya. Nakakatuwa siya parang napaka tagal na naming magkakilala kung kausapin niya ako.
Kinuwento nito na matagal na niya akong napapansin sa school. Nahihiya lang daw siya na i-approach ako at baka daw mapahiya daw siya. Naglakas loob lang daw siya kanina kasi napansin daw niya na sobrang awkward ko na dahil dun sa dalawa na tila daw gusto ko nang maglaho at sumama sa hangin.
Sabay na kaming naglakad papasok sa kanya kanya naming mga klase, natatawa ako nang malaman ko na ang buong pangalan niya ay Ricardo Jose. Binalaan ako nito na ipapalapa ako sa mga asong may rabis kapag binanggit ko ang pangalan na iyon.
Pumasok na ang bago kong kaibigan sa kanyang klase at ako naman dumeretso na sa classroom. Hindi ko napansin na hawak hawak ko pa rin ang rosas na bigay sakin ni Raven. Pagpasok ko sa kwarto, nagpalakpakan ang tatlong mokong. Tiyak na aasarin ako nang mga toh.
"Mag bigay pugay, narito na si Rapunzel" pangaasar ni Jaxon.
"Hayop, may pa-rosas. Kanino naman galing yan, kay Ryder o dun kay Raven?" Panguusisa ni Marco.
Pinasok ko kaagad sa bag yung rosas at naglakad patungo sa upuan ko.
"Bro, happy ka?" Pangaasar na tanong ni Cameron.
Nilingon ko silang tatlo at napabuntong hininga. Pakiramdam ko masasayang lang ang lakas ko kung papatulan ko pa sila. Paniguradong hindi pa tapos yung dalawa, si Ryder at si Raven sa pangungulit sa akin. Mayroon pa akong buong araw na kailangan i-survive.
Nang matapos ang klase agad kong inayos ang aking mga gamit. Magtatanong na sana ako kung anong kakainin namin nila Marco nang biglang narinig kong nagpaalam silang tatlo. Pagkatingin ko sa pwesto nila, naglaho na sila na parang bula at nakita si Ryder na nakatayo sa may pintuan.
"Pinaalis ko na ang tatlong mokong. Sa akin ka sasabay kumain, Dean ko."
Sa likod ni Ryder napasin ko si RJ na sumesenyas na tila sinasabing "Kaya mo yan." Natawa na lang ako nang binuka nito ang bibig nito at nabasa ko sa mga labi niya ang nais niya sa akin sabihin "Go Girl!"
Umalis ito kaagad nang matawa ako. Laking pagtataka ni Ryder kaya naman sinilip nito ang likuran niya pero wala itong nakita. " Gutom lang yan, Dean ko. Tara na at may hinanda ako para sayo."
Laking gulat ko na may isang kwarto siyang napaayos para doon kami kumain nang tanghalian. Sa mga ganitong pagkakataon ako napapaalalahanan na, anak nga pala nang director nang unibersidad itong si Ryder.
"WOW, this is amazing. Seryoso ka talaga diyan sa panliligaw mo noh?"
"Simula noon pa, may munting puwang ka na dito sa puso ko" tugon ni Ryder na may matamis na ngiti sa mga labi.
Napakasweet din talaga nito ni Ryder. Wala atang babaeng hindi mafa-fall dito kapag niligawan nito. Nakakainis, parang tinatablan na ako sa mga ginagawa ni Ryder sa akin.
"Ryder hindi mo ba nakikita? Lalaki ako."
"Eh, ano naman kung lalaki ka? Love has no gender. I'm just an ordinary guy who fell in love with another guy" sambit nito na naging mitsa para magwala ang aking puso.
Naiintindihan ko ang sinasabi ni Ryder pero ano na lang iisipin nang ibang tao, matatanggap ba kami nang mga tao na nakapaligid sa amin? Mas madali sana kung babae ako o babae si Ryder, wala sanang issue pero parehas kasi kaming lalaki kaya natatakot ako.
Nagumpisa na akong tikman ang mga pagkaing inihanda para sa akin ni Ryder "ang sarap naman nito, ikaw ang nagluto?"
"Mas masarap ako dyan, gusto mo matikman?"
"Loko ka talaga"
"Biro lang, si Bea nagluto niyan. Nagpatulong akong ligawan ka. Mabuti na lang at culinary arts ang kinukuha ni Bea."
"Nangabala ka pa para sa kalokohan mo"
"Hindi kalokohan, para naman sa mahal ko. Tsaka supportive yung kakambal ko, matagal na niya..." bigla itong huminto nang bahagya at itinuloy na ang sinasabi "akong sinusuportahan sa lahat nang bagay."
At nagpatuloy na kaming kuimain. Nais ko pa sanang magtanong pero wala naman akong maisip itanong. Nakakainis noh kapag nasa harapan mo wala kang maitanong pero kapag wala sa harapan mo parang ang dami mong nais itanong.
Mabilis na lumipas ang lunch break namin siguro kasi nag enjoy ako sa surpresa sakin ni Ryder. Hindi ko inakala tapos sobrang sarap pa nang mga inihandang putahe ni Bea. Halatang mahal na mahal nilang magkapatid ang isa't isa.
Naghiwalay na kami ni Ryder at tumungo na muna ako sa locker ko. Nagulat ako nang pagbukas ko eh may nakita akong sobre sa loob.
May nagbigay sa akin nang love letter? Kinuha ko ang sobre at hinahanap kung may nakalagay kung kanino galing. Wala akong nakita bukod sa sticker na puso na ginamit pandikit sa bibig nang sobre.
Binuksan ko ito at humalimuyak ang mabango nitong papel. Pagbukas ko nang liham parang biglang naubos ang dugo sa aking mukha sa aking binasa.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomansaIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...