Kabanata XXVII

44 9 12
                                    

Tumutusok at masakit ang mga tingin sa akin nang aming mga kaklase, sa hindi ko malaman na ka-dahilanan.

Napahinto at tila nahampas nang maso ang aking dibdib sa aking nakita at nabasa sa whiteboard. Marahil ito na ang dahilan bakit ako pinagtitinginan nang aming mga kaklase.

Nanigas ang ang buong katawan at hindi ako makagalaw. Para akong isang istatwang nakatayo at hindi kumikibo.

Hindi pa man nakaka bente-kuwatro oras nang sinagot ko si Ryder meron na kaagad ganitong suliranin. Masama ba ang magmahal, kelan pa ba nagkaroon nang gender ang umibig?

Kung puwede lang sana ako pumili nang taong mamahalin, kung puwede ko lang sana diktahan ang puso ko kung kanino siya mahuhulog, hindi sana mangyayari ang ganito.

Napansin kong napansin na rin nang tatlong mokong ang mensahe sakin sa whiteboard. Agad akong nilapitan ni Cameron at hinaplos ang aking likuran. Sinusubukan ako nitong i-comfort.

Samantalang si Marco naman, pinagbabantaan ang mga kaklase namin na kung sino man ang nagsulat nun ay mananagot at na bumalik na sila sa kanya kanyang upuan.

Si Jaxon naman nasa may whiteboard at pilit binubura yung mensaheng nakasulat para sa akin. Mas mauuna pa atang mapuspod ang kamay ni Jaxon bago nito mabura ang nakasulat. Halatang permanent marker ang ginamit nito kaya hindi mabura-bura ni Jaxon ang mensahe.

Medyo napakalma na ako ni Cameron at napaupo na sa aking silya.

"Anong kaguluhan ito?" tanong nang aming homeroom advisor pagpasok nang classroom. Huminto ito sa kalagitnaan nang classroom at binasa ang mensahe para sa akin, "Salot ka, Dean."

Parang matalim na kutsilyo ang mga salita na iyon, na dumaan sa aking tenga at bumaon sa aking puso.

Tahimik ang lahat at huminto na si Jaxon sa pagbubura, lumapit ito kay Marco. Mapapansin sa mukha nito ang pagkadismaya na hindi nito nagawang burahin ang nakasulat sa whiteboard.

"Jaxon at Marco, kayo ba ang nagsulat niyan sa whiteboard?" seryosong tanong nang aming homeroom adviser.

Tumayo ako kaagad upang ipagtanggol ang mga kaibigan ko ngunit bago pa ako magsalita ay pinaupo ako ulit nang aming homeroom adviser. Hindi ko daw kailangan pagtakpan ang mga taong nambubully sa akin.

"Hindi po kami papahuli sa inyo miss Bosch, kung kami ang nagsulat niyan tulad nang paratang niyo" sagot ni Marco. Hindi ko alam kung matapang o sadyang matalas lang ang tabas nang dila ni Marco.

"Ma'am Nikay, alam niyo naman na sanggang dikit namin iyan si Dean. Gusto lang sana namin mabura na ang nakasulat sa board para wala nang ibang makabasa," dagdag na paliwanag ni Jaxon.

Nagpatuloy na si miss Bosch sa paglalakad at pinaupo na si Marco sa kanyang silya, habang si Jaxon naman ay tinuruan nito nang technique para mabura ang permanent marker sa whiteboard.

Habang unti-unti nang nabubura ni Jaxon ang mga kataga at mga titik na nakasulat sa board, hiningi ni miss Bosch ang atensyon nang aming buong klase.

Pinagsabihan nito ang buong klase na ayaw niya nang mauulit ito at kapag nahuli niya kung sino man ang nagsulat nun sa board ay maaari nang umalis sa klase niya.

Nakakagulat ang concern ni miss Bosch, hindi ko aakalain.

Pinaupo na ni miss Bosch si Jaxon nang mabura na nito ang nakasulat sa whiteboard at tumingin sa aking gawi, "magusap tayo mamaya after nang klase, Dean."

Hindi naman siguro ako papagalitan ni miss Bosch pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam nang kaba.

Bago umpisahan ang klase nag anunsyo na tungkol sa paparating na sportsfest si miss Bosch. Napalitan na nang saya at pagkasabik ang mga mukha nang aking mga kaklase.

Kung puwede lang sana tuluyan na nilang makalimutan ang nangyari kanina.

Naiwan ako sa classroom kasama si miss Bosch nang matapos na ang aming klase. Habang papalapit ako kay miss Bosch, palakas din nang palakas ang kabog nang aking puso.

"Kelan pa?" matipid na tanong ni miss Bosch.

Inumpisahan ko ang kuwento simula nang matanggap ko ang liham sa locker ko. Hanggang sa umabot na sa paglalagay nang patay na hayop sa tapat nang dorm ko. Kagabi pinasok nito ang dorm ko at pinagsisira ang mga gamit ko. At ngayon ito, ipinahiya ako sa buong klase ko.

Katulad nang tanong sakin ni Ryder, may naiisip ba akong dahilan o nagawa ba ako para gawin sa akin ito. At tulad nang paulit ulit kong sagot, wala akong ideya.

Inisip kong maigi kelan ba nagumpisa ang lahat nang ito. Tila tinamaan ako nang kidlat nang biglang pumasok sakin ang isang dahilan na hindi ko naisip noon.

"Miss Bosch, I think... ang isa pong dahilan nitong pambubully na ito sakin..."

"Sige Dean, ano iyon? Wag ka matakot sabihin sa akin."

"Ay dahil... hindi po ako normal..." nararamdaman kong nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Halata sa mukha ni miss Bosch ang pagaalala nang bumuhos na nang tuluyan ang luha sa aking mga mata, "bakla po kasi ako, nahulog po ako sa kapwa ko lalaki."

Naramdaman ko na lang ang pagpulupot nang mga braso sakin ni miss Bosch. Hindi ko na napigilan humagugol sa mahigpit na yakap sa akin ni miss Bosch.

Ang sakit at ang hirap sa pakiramdam na ma-realize mo na ang pagkatao mo ang dahilan kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na ito.

Na tila nawalan na ako nang karapatan na maging totoo sa sarili ko. Ni hindi ko naman ginusto maging ganito, hindi ko naman pinili na magkagusto sa lalaki. Sadyang iyon lang ang naramdaman ko.

Naramdaman kong bumitaw ang yakap sa akin ni miss Bosch at hinaplos ang aking mukha.

"Dean, walang masama sa pagiging ikaw. Walang mali sa nararamdaman mo. Huwag mong sabihing hindi ka normal, Dean" turan ni miss Bosch at ngumiti na halatang pinipigilang umiyak. "Kasalanan nila ang husgahan ang pagkatao mo dahil lang sa iba ka sa nakararami. Kasalanan nila na makitid ang utak nila at hindi ka nila matanggap kung sino ka. Love has no gender, lagi mong tatandaan yan, Dean."

Sa pagkakataon na ito nakaramdam ako nang pagtanggap, hindi mula kay miss Bosch, kundi mula sa aking sarili. May ginhawa itong dala na tila nabunutan ako nang tinik sa aking dibdib.

Nginitian ko si miss Bosch at pansin sa mukha nito ang saya sa naging reaksyon ko sa mga tinuran nito.

"Hindi naman mapagkakailang bagets pa ako, hindi ba? Sa mga ganitong pagkakataon kahit Ate Nikay na lang itawag mo sa akin."

"Ma'am Niks na lang para medyo magalang pa rin" suhestiyon ko.

Nagkangitian kami at nagkasundo. Hindi aakalain na ang cool pala ni Ma'am Niks. Akala ko noon wala siyang paki kasi medyo bata pa kaya happy go lucky, nagkamali pala ako.

"Dean, sino ba yang napaka swerteng binata na iniibig mo?" pag uusisa ni Ma'am Niks.

Naramdaman kong mabilis umakyat ang dugo sa aking mukha habang nakangiti ito at inaantay ang aking sagot.

Nakakainis, nadali ako ni Ma'am Niks dun ah.

"Mag aaral din po siya dito, Ma'am Niks" tila kuminang ang mga mata ni Ma'am Niks sa sinabi ko.

"Huwag mo sa aking sabihin na isa doon sa mga kaibigan mo ang napupusuan mo..."

"Hindi ah!" pagputol ko sa sinasabi ni Ma'am Niks at baka kung sino pa ang masabi. "Sigurado po akong kilala niyo siya pero hindi siya ko po siya ka-klase o ka-faculty."

"Iba din, ang ganda umabot sa ibang faculty" pang aasar ni Ma'am Niks sa akin "sabihin mo na kasi kung sino."

"Si Ryder po..."

"RYDER... As in yung gwapo na anak na lalaki nang school director?"

"Siya nga po" mahinang pagkumpirma ko.

"Naku, madaming nagkakagusto dun. Mukhang nagayuma ka din nang charm nun ni Ryder."

Ngumiti ako at napakagat nang labi, "actually... siya po ang nanligaw sa akin at sinagot ko na po siya kagabi."

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon