Hindi ko na muli nakita si Ryder simula nang mag walkout siya nung nakita niya kami ni Krystal sa banyo na naghahalikan kanina.
Kapag naaalala ko ang mga naganap nang mga oras na iyon, wala akong ibang maramdaman kung hindi matinding pagsisisi. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa pagiging mahina.
Mabuti na lang at dinadamayan ako ngayon ni Bea. Siya na lang ngayon ang pinagkukuhaan ko nang lakas para tapusin ang araw na ito.
Kung wala lang akong game at hindi sinabi sakin ni Bea na bigyan ko muna nang oras si Ryder makapag isip isip malamang, hinanap ko na iyon at kinausap.
Napahinto ako sa aking iniisip nang marinig ko ang pangalan ko na tinatawag na para mag prepare sa laro ko. Hindi ko alam kung tamang ideya ba ang mag laro pa ko pero ito lang ang pwede kong panghawakan ngayon para hindi ko kulitin si Ryder na kausapin na ako.
Inayos ko ang aking sarili at iniwan ang problema sa aking kina uupuan at nag punta na sa badminton court para maglaro. Narinig kong naghihiyawan ang mga taong nanunuod.
Napansin ko din sa may kabilang banda si Bea na nag chi-cheer para sa akin. Nagulat ako at napangiti nang makita sa tabi nito si RJ na naka suot pa nang uniform nila sa cheerdance competition; malamang tumakas pa ang baklang toh para mapanood ako.
Niligid ko pa ang aking mga mata, nagbabaka sakaling makita ang isang tao na nais kong mapanood akong maglaro; si Ryder. Alam kong imposible dahil sigurado ako na ayaw na akong makita nun, ni anino ko siguro hindi nun gugustuhin makita.
Hindi nga ako nagkamali, wala talaga si Ryder. Nadudurog ang puso ko pero kelan kong magpakatatag at manalo. Para kahit papaano naman may pang balanse ako ngayong araw na ito. Kailangan kong manalo para sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at iiniwan muna ang mabigat na puso at magulong isipan ko sa labas nang court. Ngumiti ako sa mga manunuod at lalaban para magwagi.
Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko napansin na ito na ang huling laro ko sa araw na ito. Nakita ko na lumipad ang shuttlecock papunta sa akin, agad naman akong umatras para saluhin ito pero nawala ako sa balanse nang mapansin ko sa malayo si Ryder kasama si Krystal.
Tila narinig kong nabasag ang mundo ko, habang pinapanood sila Ryder at Krystal na magkasamang naglalakad. Ni hindi man lang lumingon sa gawi ko si Ryder, samantalang si Krystal naman panay ang pulupot kay sakanya na parang linta.
Nakakainis na pinilit ko talaga ang sarili ko na makapaglaro ngayon para sakanya, tapos ngayon parang wala lang sakanya na tila wala siyang pakialam sa akin; walang isang salita!
Nakarinig ako nang malakas na pagpito mula sa tagahatol at doon natapos ang aking huling laban sa araw na ito. Natalo ako nang isang puntos dahil nagpa distract ako sa dalawang iyon. Hindi ko tuloy alam kung saan ako maiinis, sa sarili ko ba o sa kanilang dalawa.
Sa hindi kalayuan makikitang nag thumbs up sa akin si Bea para sabihing okay lang iyon, na puwede pa naman akong bumawi sa susunod. Alam ko naman iyon pero alam ko kasi na kaya ko manalo kanina, kaya medyo dismayado lang ako.
Pinilit kong ngumiti, hindi ko alam kung para kay Bea ba iyon o para sa sarili ko. Gulong gulo na ang aking isip, hindi na ako makapag isip nang tama.
"Dean, huwag ka nag tumayo tayo dyan. Daanan na muna natin sila Jaxon, Cameron at Marco, bago tayo mag tungo kay RJ" wika ni Bea habang naglalakad papalapit sa akin.
"Ay, hindi ko napansin na umalis na pala si RJ" tugon ko.
"Sa kalagitnaan nang laro mo umalis si RJ, mayroon daw kasing mini assembly ang mga cheerleaders."
Nagtungo na kami sa volleyball court at nakita si Cameron na natataranta na naglalakad palabas nang court. Sa bandang unahan nito napansin kong may taong naka higa sa stretcher.
Napalingon sa gawi namin si Cameron at sumigaw "puntahan niyo si Jaxon sa loob, siya na ang bahala mag paliwanag sa inyo" at nagpatuloy nang sumunod sa mga medic.
Nagkatinginan kami ni Bea at nagmadali na puntahan si Jaxon sa loob nang volleyball court. Nakita namin itong nakaupo sa may tabi. Nilapitan namin ito at sinabi ang nasaksihan namin sa may labas nang court.
Nagulat kami nang umpisahan nang magkuwento ni Jaxon, hindi namin mapigilan batiin nang congratulations sila dahil naipanalo nila lahat nang laro nila ngayong araw; napaka huhusay.
Ang catch nga lang nito ay, sa huling laro nila Marco at Jaxon, pag palo nang bola ni Marco, nagkamali ito nang bagsak at na sprain ang kanyang paa. Nanalo sila sa game pero sinugod naman sa hospital si Marco.
Iyon pala ang eksena nila kanina sa labas, kaya naman pala natatarantang ewan ang Cameron dahil injured si Marco.
Napaisip tuloy ako kung among ikukuwento ko kay Jaxon, kung anong ishashare ko sakanya. Sa sobrang daming nangyari sa akin ngayong araw, hindi ko na alam kung saan ko uumpisahan at kung anu ano lang ang gusto kong mapagusapan.
Huminga ako nang malalim at nag ipon nang lakas nang loob para magkuwento kay Jaxon. Nakatingin lang sakin si Bea, halatang hinahayaan na ako ang magbalanse nang ikukuwento ko.
Hindi ko inaasahan na madali lang din pala magkuwento kay Jaxon, hindi ako nakaramdam nang panghuhusga. Ngayon ko lang napagtanto na puwede ko rin palang makausap nang maayos si Jaxon.
Buti na lang at pinaubos na sakin ni Bea ang mga luha ko kanina, bukod doon ayoko gumawa nang eksena sa public kaya siguro nakokontrol ko na hindi umiyak ngayon.
"Kilala ko lukaw nang bituka nun ni Ryder, matagal na kaming magkakaibigan niyan nila Cameron. Hayaan mo lang muna iyon, bigyan mo nang oras para magisip. Kasi sigurado ako na mahal na mahal ka nun kahit may lahing ungas iyon, nasaktan lang yun kaya ganun" pagpayo sa akin ni Jaxon.
Ngumiti ito at nginitian ko rin si Jaxon pabalik at niyaya na napuntahan na namin si RJ, halos muntik na namin itong makalimutan medyo napasarap kasi kami nang kuwentuhan ni Jaxon.
Nagtungo na kami sa stadium. Pagpasok namin sa loob narinig namin na naguumpisa na ang isang kupunan sa kanilang routine. Nagsisigawan ang mga tao at nang masilip ko, nagulat akong makita si RJ sa may harapan.
Nag somersault ito nag nag sayaw nang may ngiting naka plaster sakanyang bibig. Nang matapos itong sumayaw nag backflip ito nang tatlong beses at sumampa sa isang kasamahan nilang lalaki sa may bandang likuran niya, binuhat siya pataas. Nag isang kamay ang bumubuhat kay RJ at nag isang paa naman si RJ. At pagkatapos tila sumama sa pag itsa at ikot ni RJ ang panga ko. Hindi ko inasahan na ang husay pala nito ni RJ, akala ko kasi nung una biro lang na sa cheerdance siya sasali; totoo naman pala.
Napakaganda nang ending pyramid nila RJ. Nakakatuwa na siya ang napili na ilagay sa pinaka gitna at tutok nito. Naka split ito at naka taas ang dalawang kamay habang naka fist. Buhat buhat siya nang dalawa babae na binubuhat nang dalawang maskuladong lalaki sa ilalim. Hawak nang dalawang babae ang ankle niya at pwet niya.
Nagsigawan lahat nang tao na tila sinabi na kung sino ang nagwagi sa patimpalak. Mukhang maraming nakuhang supporters ang grupo nila RJ. Sabagay napakahuhusay naman nila, mukhang may pagasa kami makapasok sa nationals.
Tumingin sa gawin namin si RJ at ngumiti nang parang bata habang nakaway. Nagdismount na ito at nagsunuran na sila at umalis na sa gitna nang stadium.
Masaya at nagkakagulo ang lahat, nagsisigawan at nagchi-cheer sa mga cheerleader. Pero ako nalipad ang isip sa mga naganap kanina. Iniisip paano ko maaayos ang gulo na pinasok ko. Paano ko maipapaliwanag kay Ryder ang sarili ko.
Paulit ulit na namang tumatakbo sa isip ko ang halikan namin ni Krystal at ang pag walkout ni Ryder. Kahit sa ibang anggulo at ulit ulitin kong isipin ang mga nangyari, wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili kong kapusukan.
Bigla ko tuloy naalala sa dorm pa ako ni Ryder nakatira, pero since alam ko na kung sino ang nanggugulo sakin, mukhang safe naman na ako na umuwi sa dorm ko talaga.
Bahala na muna siya, tama sila walang mangyayari kung kakausapin ko ngayon si Ryder na mainit pa ang issue. Papalamigin ko muna saglit kaya kina-kailangan ko nang umalis sa dorm niya.
"Guys, mauna na ako sainyo ah. Mag iimpake na ako, babalik na ako sa dorm ko" sambit ko habang pinipilit ngumiti.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...