Pagkarating namin sa unibersidad, agad naming pinuntahan si Jaxon para bigyan nang suporta. Sakto naman ang dating namin at hindi pa nag uumpisa ang laro nila.
Napansin kami ni Jaxon na parating, ngumiti ito at tumakbo agad palapit sa amin. Bakas sa mukha nito ang stress na marahil ay dulot nang nangyari kay Marco.
"Sabi ni Marco kailangan mo daw manalo" pang aasar ko kay Jaxon.
"Sabihin mo sakanya pitpitin ko pa paa niya" pabalik na banat ni Jaxon; kahit kailan talaga hindi nawawalan nang mga hirit itong si Jaxon.
Natawa kami at niyakap kami ni Jaxon nang napaka higpit. Mukhang pakitang tao lang ang pagiging malakas ni Jaxon. Mukhang sobrang pressured at stressed na siya at samin ngayon ni Ryder siya nakuha nang lakas.
"Ay , hayop!" sigaw ni Jaxon sabay atras samin ni Ryder palayo.
Mapapansing natatawa si Ryder sa reaksyon ni Jaxon. Anong nangyari na hindi ko nakita?
Kasalukuyang namumula ang mukha ni Jaxon. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis. Hindi na napigilan ni Ryder ang pagtawa kaya naman humagalpak ito, na tila mauubusan na nang hininga.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero di ko rin naman maiwasan matawa sa reaksyon ni Jaxon at sa tawa ni Ryder na walang humpay.
"Langya yang jowa mo, Dean. Napaka manyak!" wika ni Jaxon.
"Wala namang malisya Jaxon, antabok kasi nang pwet mo. Tinignan ko lang kung tunay" pagpapaliwanag ni Ryder na may halong pang aasar.
Hindi ko mawari kung ano ba dapat ko maramdaman sa ginawa ni Ryder kay Jaxon, kaya pala namula ito kanina. Hindi pala iyon dahil sa inis, kung hindi dahil sa hiya.
Pero ang galing ni Ryder, kung iisipin mo naalis niya ang stress ni Jaxon sa ginawa niya. Napaka epektibo at kamangha mangha ang naisip ni Ryder gawin para mawala ang stress ni Jaxon, kahit na kakaiba ang pamamaraan na ginawa nito.
"Jaxon tara na, maguumpisa na ang laro" pagtawag nang isang lalaki na mukhang ka teammate ni Jaxon.
Nagpaalam na ito samin at pinuntahan na nag teammate niya. Nagpaalam na rin kami at naghanap na nang magandang pwesto sa bleachers para panoorin ang laro ni Jaxon.
Mainit ang umpisa nang laro nila Jaxon. Panay ang hataw at hampas sa bola na tila pambatang bola lang ang gamit nila sa paglalaro.
Maririnig mo ang malakas na tunog nang paglapat nang mga balat nila sa bola, na umaalingawngaw sa buong volleyball court.
Nakakakaba at makapigil hininga ang bawat tira nang dalawang kupunan. Halata sa mga mukha nang manlalaro na wala silang plano matalo.
Nakaramdam tuloy ako nang konting kaba at pressure sa laro ko. Bigla tuloy sa akin nag sink in na it;s now or never na pala kami ngayong araw na ito.
Last day na nang sportsfest, ngayon na namin malalaman sino ang mga magiging kampiyon sa taong ito sa bawat sport na sinalihan namin.
Napansin ata ni Ryder ang kaba na nagumpisa nang dumaloy sa aking buong katawan. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil pisil ito, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagdala sakin nang kakaibang ginhawa at assurance.
Napalingon ako kay Ryder at hindi ko inakala makita na naka abang ito nang tingin sa akin habang naka ngiti. Parang natunaw ang puso ko sa munting kilos na ginawa ni Ryder para sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at ibinalik na ang mata sa laro nila Jaxon.
Nagsigawan ang lahat nang saluhin nang isang manlalaro ang bola mula sa kalaban. Tinira niya ito pataas at sinalo nang isa pa na tila initsang muli ito pataas. may dalawang manlalaro ang tumalon pero hindi tinira ang bola at saktong pagbaba nang dalawa ay biglang tumalon si Jaxon at hinampas ang bola papunta sa court nang kalaban.
Napatayo si Ryder sa tuwa. Nagulat naman ako nang bigla ako nitong yakapin at halikan sa noo; para saan iyon?
Nakita ko sa mga mata ni Ryder ang labis na saya at ligaya na pumigil sa akin para itanong kung para saan ito. Bagama't hindi ko alam ang tunay na rason, pakiramdam ko ginawa niya ito dahil masaya siya.
Yung tipong tatawa ka kapag may nakakatawa o kaya naman ay ngingiti ka kasi masaya ka. Tapos si Ryder hinalikan ako kasi mahal niya ko; kainis, nakakakilig.
Natapos ang laro at nanalo sila Jaxon sa match na ito. Nag thumbs up kami kay Jaxon at nagpaalam na aalis na para pumunta naman sa laban ko.
Pawisan at hinihingal si Jaxon na ngumiti at nag thumbs up pabalik sa amin ni Ryder. Sumenyas ito na umalis na kami at kaya na niya iyon.
Pero syempre hindi pa rin mawaglit sa isip ko na mas okay kung kasama niya si Marco at Cameron. Para kasing may kulang kapag hindi sila magkakasamang tatlo. Paano sila magiging tatlong mokong kung kulang kulang sila.
Nagpatuloy na kami sa aking laban at tulad nang unang plano, matiyagang pinapanood ni Ryder and lahat nang aking laro.
Naawa na nga ako rito sapagkat hindi ko siya maasikaso bukod pa rito, ilang beses ko na siyang napansin na naka tulog sa kinauupuan niya. Marahil dahil sa sobrang pagod kaka-cheer sa akin.
Pilit nitong nilalabanan ang antok niya para sa pangako nito sa akin, ilang beses nang tumumba ang ulo nito dahil sa antok at pagod.
Hindi ko alam pero, hindi ko dinadamdam na nakakatulog si Ryder habang pinapanood ang mga laro ko. Sa totoo lang kinikilig nga ako sapagkat pinili niya manatili at laban ang antok niya para lang, hindi mapako ang pangako niya sa akin.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang hindi mag alala sapagkat, ngayon ang oras na puwede samantalahin ni Krystal ang sitwasyon. Oportunista pa naman ang babaeng iyon; mahahampas ko talaga nang raketa iyon sa mukha.
Sinilip ko ang paligid ni Ryder at mukha namang walang bahid ni Krystal sa paligid. Kaya naman nakaramdam ako nang pagka kampante at nag pokus na sa paglalaro.
Tila isang malaking pampa swerte sa akin ang suporta ni Ryder, sunod sunod ang pagka panalo ko. Iba ata talaga ang nadadala nang pagmamahal.
Napaka gaang nang pakiramdam ko, pati na rin ang pagkilos at reaksyon nang katawan ko. Para akong sumasayaw sa court na kabisado ko ang ritmo.
Sunod ko makakalaban ang star player nang badminton dito sa unibersidad, kinakabahan ako sapagkat napaka husay daw talaga nito.
Sa totoo lang hindi na ako umaasa mag kampiyon sa patimpalak na ito dahil mayroon na akong isang talo. Bukod pa rito sigurado akong mahirap masungkit sa lalaking ito ang titulo.
Mukhang gumana na naman ang swerte na dala ni Ryder sa akin. Mag kakalahating oras na at wala pa ang makakalaban ko. Mukhang mananalo ako sa pagkakataon na ito.
Hindi kinalaunan inanunsyo na rin nang tagahatol na ako na ang nagwagi sa laban na ito dahil hindi dumating ang makakalaban ko; ano kayang nangyari sakanya?
Nagpatuloy pa ang mga sumunod kong mga laro, ang mga ngiti ni Ryder kada lingon ko sa gawi niya ang nagsisilbing inspirasyon ko para husayan pa sa araw na ito.
Mabilis na lumipad ang mga oras at natapos na namin ang mga laro ko. Maganda ang kutob ko sa mga nangyari, sapagakat mukhang maganda ang lagay ko sa buong patimpalak na ito.
Nilapitan ko si Ryder na hindi na napigilang nakatulog habang nakaupo. Mahimbing na ata ang tulog nito dahil hindi na ito kumikibo, napangiti ako at dahan dahang tumabi rito.
Kinuha ko ang ulo nito at isinandal sa aking balikat. Hinaplos ko nang bahagya ito at inamoy. Hindi ko alam pero ayokong masayang ang saglit na ito, kaya naman sinusulit ko ang bawat sandali na aming pinag sasamahan.
Mahal ko na nga talaga akong ungas na ito.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...