Kabanata XX

53 8 19
                                    


Napatayo ako nang maramdaman ko ang pagdampi nang malamig na tubig sa aking balat. Nakita ko ang isang lalaki sa aking likuran na umayos nang kaniyang pagkakatayo.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Natalisod ako at hindi ko sinasadyang tumapon sayo ang tubig na daladala ko" pagpapaliwanag nang binata.

Napansin ko ang reaksyon ni Marco, tinitigan ko ito at nakiusap sa isip na huwag na ito patulan. Ayoko nang gulo bukod doon humingi naman ito nang tawad at mukha namang muntik na talaga siyang madapa.

Nginitian ko ang binata "Huwag kang mag alala naiitindihan ko.

Ngumiti ito nang bahagya na tila pilit at kumaripas na nang pagalis. Nararadaman niya ata ang presensya nang kaibigan kong si Marco.

Isa sa nakakatuwang bagay kay Marco, sobrang talas nang dila nito lalo na sa aming mga kaibigan niya pero ayaw na ayaw niya na kinakanti kaming mga kaibigan niya nang iba.

Selfish gusto siya lang.

"Di ka pa daw naliligo" banat ni Jaxon.

"Bro, are you okay?" Tanong ni Cameron. Finally, someone with concern. "Sabon, gusto mo?"

Tignan mo itong mga kaibigan ko, hindi ko alam kung concern ba o mapangasar lang talaga.

"Naligo naman ako" depensa ko sabay amoy sa sarili ko. Mabango naman ako. Hindi naman ako amoy, hindi mawari.

Nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko na pupunta muna ako saglit sa banyo. Mahirap na at baka kung ano pa ang sabihin nang mga iyon kapag hindi pa ako tumakas kaagad.

Papunta nang banyo nakasalubong akong nang mga estudyante na nag uusap.

"Grabe naman iyon" sambit nang isang lalaki.

"Kaya nga eh, nakakatakot" sagot naman nang kasama nito.

Nakaramdam ako nang kaba at kaunting excitement. Ano kayang meron sa banyo, may nag susuntukan siguro.

Nang marating ko ang banyo huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok. Nagulat ako nang makita ko ang nakasulat sa salamin nang banyo.

I warned you!!!

Tila napatalon ang puso ko sa aking nabasa. Paki wari ko ay para sakin ang mensahe na ito, pero bakit kaya? Wala akong maisip na ginawa ko para may magalit sa akin nang ganito.

Inisip kong maigi ang mga babalang natanggap ko nitong mga nakaraan. Una na rito ang liham na may nakasulat na I'm watching you. Pangalawa nang makakita ako nang patay na hayop sa harapan nang aking pintuan sa dorm. Panghuli itong mensahe na kulay pula sa salamin.

"Okay ka lang ba?" narinig kong tanong nang isang pamilyar na boses.

Lumingon ako dito at nakita si Ryder na nakatayo sa may pinto nang banyo. Nakasulat sa mukha nito ang pag aalala. Hindi na ako nito hinintay pang sumagot. Lumapit ito sa akin at niyakap ako nang napakahigpit.

Sa mga oras na ito naramdaman ko kung gaano ka-sinsero ang pagtingin sakin ni Ryder. Walang halong kalokohan, walang salita purong paramdam lang nang pag aalala niya tungo sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit pero yumakap din ako pabalik kay Ryder.

Ang sarap sa pakiramdam na alam mong may tao kang masasandalan sa mga panahon na sobrang lugmok ka.

"Kailan pa ba ito nagsimula, Dean ko?" tanong nito sa akin nang malumanay.

"Noong nakaraan pa" matipid na sagot ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sisimulan ikuwento kay Ryder.

Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat. Tinitigan ako nito sa aking mga mata. Bigla ko tuloy na alala yung panaginip ko, kung saan nagdikit ang aming mga labi.

Ngayon ko lang natitigan nang husto ang mukha ni Ryder; ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang mga mata nito, kung gaano katangos ang ilong nito, kung gaano kanipis at mala-rosas ang kulay nang mga labi nito.

Naramdaman kong bumibilis ang tibok nang aking puso na tila nagma-marathon ito.

Ngumiti ito "Huwag ka nang magalala, Dean ko. Nandito na ako, hinding hindi kita pababayaan" sambit nito sabay humalik sa aking noo.

Nanigas ang buong katawan ko sa ginawa ni Ryder pero kasabay nito nakaramdam din ako nang ginhawa. Namumula na siguro ako sa hiya pero bahala na, wala na akong paki sa sasabihin nang iba.

Niyaya na ako nito lumabas nang banyo at laking gulat ko nang may mga nagpapalakpakan sa labas. Nakita ko sa labas nang banyo sila Marco, Jaxon, Cameron at iba pang mga estudyante. Pinapalakpakan nila kami ni Ryder.

"Magbunyi para sa bagong kasal!" sigaw ni Jaxon.

"Ang bababoy sa banyo pa nang unibersidad nagmilagro" hirit ni Marco.

Parang gusto ko manapak nang mga tropa. Nakakahiya ang daming tao, ang lalakas mangasar.

Mukhang napansin ni Ryder na hindi ako natutuwa sa mga pakulo nang tatlong mokong. Pumunta ito sa harapan at tinakpan ako, tanging likod na lamang ni Ryder ang nakikita ko.

"Tama na iyan, tapos na ang palabas. Huwag na kayong mang-asar, kita niyo na ngang mahiyain ang Dean ko." Parang timang talaga ito si Ryder, ginatungan pa lalo yung kalokohan nang tatlong mokong. Hinampas ko nang mahina ang likod ni Ryder bilang babala sa mga sinasabi niya. Natatawa naman ito na pinagbilin ako sa tatlong mokong. "Kayo nang tatlo bahal dito sa Dean ko ah,tatampalin ko kayo kapag may nangyari dito."

"Ginawa mo pa kaming bodyguard ah" pagrereklamo ni Marco.

"Ako na bahala sa Dean ko pauwi. Ihahatid ko baka magahasa eh" banat ni Ryder "Oh siya, papasok na ako sa klase ko."

Naglakad na ito agad palayo, tila iniiwasang mahampas ko ulit. Muli itong lumingon sa akin habang nakangiti. Hindi ko naman napansin na napangiti din ako pabalik. Tumalikod na ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Abot tenga ang ngiti, napaka landi" pang aasar ni Marco. Agad ko naman inalis ang ngiti sa aking mga labi. Lahat na ginawang big deal nang mga mokong na ito.

"Mukhang may mawawasak ngayong gabi" pangaasar ni Jaxon.

"Bro, what happened, sinagot mo na si Ryder?" paguusisa ni Cameron.

"Hindi pa" matipid kong sagot kay Cameron.

"Ah so bro, malapit na?"

"Ay, ewan ko sayo Cameron" pikon kong tugon "Hindi pa ba tutunog ang school bell?"

Sakto namang tumunog ang school bell, hudyat na nang susunod na klase. Mabuti na lang talaga tropapits ko ang schoolbell, perfect timing parati.

Matahimik kaming naglalakad papunta sa classroom. Sa isip ko natakbo pa rin ang mga eksenang nangyari kanina. Na para bang naka-replay yung eksena na iyon sa aking utak.

Nagulat na lang ako nang batukan ako ni Marco "ano, hindi maka move-on, kilig betlog?"

"Balakadyan" tanging sagot ko kay Marco.

Naunang pumasok sa loob nang classroom si Jaxon at siniyasat ang buong paligid pati na rin ang upuan ko. "All clear, walang nagbabadyang panganib sa paligid" pabirong turan ni Jaxon.

Nagtatawanan kaming pumasok sa classroom at naupo sa kanya kanya naming mga upuan. Tumakbo ang oras nang ganoon lang na tila lumipad ito.

Nakita kong sumilip si RJ sa pinto nang classroom namin "Girl, nandito na ang sundo mo!" kinikilig nitong sambit.

Sa hindi mawaring dahilan napangiti ako at natatarantang inayos ang mga gamit ko. Naririnig kong inaasar na naman ako nang tatlong mokong pero hindi ko na ito pinansin. Bahala sila diyan, ayoko na silang patulan para hindi na humaba pa.

Biglang tumahimik ang tatlong mokong sa kanilang pang-aasar na tila ba may anghel silang nakita. Nilingon ko kaagad ang pituan nang matapos kong ayusin ang aking mga gamit.

Nanlaki ang aking mga mata at nawala ang ngiti sa aking mga labi. Nabitawan ko ang mga gamit na hawak ko. Hindi lang talaga siguro siya ang inaakala kong makikita ko.

"Were you expecting someone else?" tanong ni Raven nang nakangiti.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon