Nagising ako sa isang napaka gandang panaginip. Nagka ayos na daw kami ni Ryder at nag halikan. Naramdaman ko ang pag init nang aking mukha, naalala ko kasi kung paano nagdikit ang aming mga labi.
Minulat ko na ang aking mga mata at ngayon ay nakatitig sa kisame. Kahit papano nakatulong ang panaginip ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Nakakainis, puwede bang i-continue ang panaginip ko?
Bahagya akong tumagilid upang bumalik sa pagtulog, ngunit agad din akong natigilan. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikita.
Mahimbing at parang batang natutulog sa tabi ko si Ryder, napaka amo nang mukha nito. Pagkatapos tumagilid din ito at humarap sa akin, tulog na tulog pa rin ito. Nasorpresa ako nang bigla ako nitong yakapin at hinatak papalapit sa kanya; tulog ba talaga ito?
Biglang umaliwalas ang aking pakiramdam nang mapagtanto ko na hindi pala talaga panaginip ang mga nangyari kagabi, na totoong nagkaayos na kami ni Ryder.
Napangiti at umakap na din ako kay Ryder, sobrang sarap sa pakiramdam. humalik ako sa pisngi nito. Tila natunaw ang puso ko nang mapansin kong napangiti si Ryder sa halik ko; nagtutulog tulogan lang ba ito?
Bahagya akong napalundag nang makarinig ako nang malakas na katok mula sa aking pintuan; ang aga aga naman nang buwisita (Buwiset + Bisita) ko.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Ryder pero binabalik niya ito at niyayakap pa ako nang mas mahigpit; napaka kyut naman nang lalaking ito.
Humalik ako sa pisngi ni Ryder at nagpaalam na tatayo lang saglit at sisilipin kung sino ang kumakatok sa pinto. Tumango naman ito bilang tugon; siguro naman, pag sang ayon ibig sabihin nang pagtango niya.
Sinubukan kong muli alisin ang pagkayakap sa akin ni Ryder. Pagka alis ko nang mga kamay nito, gumalaw ito at tumihaya. Dahan dahan na akong bumangon at tumayo.
Pupungas pungas akong nagpunta sa pinto nang marinig kong muli ang pag lagabog nang pinto, "sandali, parating na" wika ko sa kung sino man ang kumakatok sa pintuan ko.
Pagkabukas ko nang pinto nagulat ako sa mga kamay na biglang pumulupot sa aking bewang, bahagya akong napangiti at tinignan sa aking likuran si Ryder.
Hindi ko napansin na bumangon na din siya at sumunod sa akin. Naka ngiti ito at nakapikit habang yakap yakap ako. Nakapatong ang ulo nito sa balikat ko.
Minulat nito ang mga mata niya "magandang umaga, Dean ko" wika nito at napatingen sa kung sino man ang nasa harapan nang pinto. Nagulat ako nang ngitian niya ito, "morning, sis."
Bumwelta kaagad ako at tinignan ang taong pinagbuksan ko nang pinto. Nakangiti ito at halatang medyo nahihiya sa nasaksihan niya, "Morning, Bea."
"Good morning, sainyo. I just thought that you might be lonely... I think, I'm going" sambit ni Bea na tila hindi alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin.
"Bea, want to have breakfast with us?" pagaalok ni Ryder.
"Oo nga naman Bea like the usual," pang eenganyo ko.
"Very tempting," natatawang tugon ni Bea "But I just thought na, you need a friend today."
"Thank you sis for taking good care of Dean ko," ika ni Ryder at pagkatapos humalik ito sa aking ulo; ginawa na ako nitong sanggol.
"Of course, knowing you? Napaka arte mo kaya" pangaasar ni Bea sa kambal niya, "anyway, have fun and congratulations at nagka ayos na kayo."
Nagpaalam na si Bea at umalis. The best talaga iyon si Bea, I'm very honored magkaroon nang kaibigang tulad niya.
Nang mawala na sa paningin namin si Bea sa hallway, hinatak na ako ni Ryder papasok sa loob nang dorm. Sinara at ni-lock na niya ang pinto at hinila na ko papunta sa kama.
Nakangiti ito na talaga namang nakakaloko, sa hindi maintindihang rason, napapangiti din ako sa mga ngiti nito. Bakit pakiramdam ko napaka sexy nang mga ngiti ni Ryder ngayon, nakakaramdam ako nang kakaibang init sa aking buong katawan.
Humiga ito sa kama habang hinihila ako papalapit sa kanya. Sumubsob naman ako sa kanya nang marating ko na ang kama.
Magkalapit ang aming mga mukha at nagtititigan sa aming mga mata na tila nangingiusap. Nagpapalitan kami nang bawat hininga, na tila ito ang bumubuhay sa amin.
Mariin at hayok na naglapat ang aming mga labi, naramdaman kong pinasok ni Ryder ang kanyang dila sa loob nang aking bibig.
Hindi din naman ako papatalo kaya gumanti din ako nang halik. Nag umpisa sa mabagal hanggang pabilis na nang pabilis, na tila kailangan namin ito para mabuhay.
Pakiramdam ko pataas na nang pataas ang temperatura ko na para bang nilalagnat ako. Sobrang init na nang katawan ko na parang nais kong mag hubad.
Hindi ko na alam kung saan tutungo ito pero ang sarap, sobrang sarap nang pakiramdam ko. Habang tumatagal ang aming paghahalikan ni Ryder mas nararamdaman ko ang pagkauhaw dito.
Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang dumapo ang mga labi ni Ryder sa aking leeg, dahan dahan itong lumalapat sa aking balat na nagdudulot nang kakaibang pagsusumamo.
Bumalikwa kami at ngayon ako naman ang nakalapat ang likod sa kama, nakangiti pa rin sa may ibabaw ko si Ryder. Tinanggal nito ang pangtaas na suot ko at nagpatuloy na sa paghalik sa aking leeg.
Napahawak ako sa kama nang bumaba nang bahagya ang mga labi at dila ni Ryder, papunta sa aking dibdib. Hindi kong maiwasang mapa ungol sa matinding sarap na nararamdaman ko.
Napahiyaw ako nang bahagya at napahigpit ang hawak sa kama nang maramdaman ko ang pag hagod nang dila ni Ryder sa aking utong. Sobrang sarap nito na hindi ko maipaliwanag.
Naghahati na tuloy ang isip ko, ayoko pa sanang gawin namin ito pero parang gustong gusto ito nang katawan ko. Tila nagmamakaawa na ito para kay Ryder.
Natatakot ako para sa sarili ko, handa na ba ako? Sure na ba ako sa gagawin ko? Pero isa lang ang sigurado ko, kung susubukan ko ito gusto ko kay Ryder lang at wala nang iba.
Nagumpisa na muling bumaba ang mga labi at dila ni Ryder. Nilibot at niligid nito ang aking katawan. Wala itong sulok na pinapatawad na tila dapat lahat nang parte nang katawan ko ay kanyang malawayan.
Muli na naman akong napa ungol nang bigla nitong hawakan ang dalawa ko kamay gamit ang isang kamay niya at dinilaan niya ang kili-kili ko na para itong dumidila nang ice cream.
Shit! Ganito pala iyon, mapapaliyad ka talaga sa sarap. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari pero ayokong tumigil pa si Ryder kung ano man ang ginagawa niya.
Hindi ako makapalag sa ginagawa sa akin ni Ryder, hindi ko alam kung dahil di ko kaya o dahil gusto ang ginagawa niya.
Bumalik ang mga labi nito sa aking mga labi at sa hindi ko mawaring dahilan pakiramdam ko mas tumamis pa ang mga halik nito. Hinawakan ko ang kanyang batok at diniin papunta sa akin. Isinisigaw na nang buong katawan ko ang pangalan ni Ryder. Hindi na nito mapigilan ang sobrang sarap na dulot nang mga labi at dila ni Ryder.
Dahan dahan na ni Ryder binaba ang pangbaba ko at nang medyo ma-stuck ito tinulungan ko na siya. Tinulungan ko na rin siya tanggalin ang pambaba niya habang hindi bumibitaw ang mga labi namin sa isa't isa.
Muli na naman akong napahiyaw sa sarap nang maramdaman ko ang pagdikit nang mga labi ni Ryder sa aking tyan papunta sa aking pusod.
Hindi ko na maintindihan ang sumasabog na sarap na ngayon ay aking nararansan mula sa mga labi pa lamang ni Ryder.
Tila bigla akong sinaniban nang kung ano, hindi ko na ma-kontrol ang aking sarili at nanlaban sa ginagawa ni Ryder. Hindi ko akalain na hanggang dito competitive pa rin ako.
Hayok na hayok kong hinalikan si Ryder at naramdaman kong napangiti ito, "handa ka na ba, Dean ko?"
"Give me all you got" tanging tugon ko habang hinahabol ang aking paghinga.
Napakagat labi si Ryder habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...