Narinig ko ang salpukan ng dalawang balat na nag-umpugan ngunit wala akong nararamdamang masakit sa aking mukha.
Manhid na ba ko? Ni-hindi ako na out of balance. Hindi ba siya tumama? eh ano yung narinig ko na malakas na lagapak?
Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Ryder na nasa aking harapan, nagdurugo ang kanyang mga labi.
Bakit niya sinalo ang suntok na para sa akin gamit ang mukha niya? Dumura ito ng may kasamang dugo patungo sa sahig at tinitigan ng masama ang lider ng grupo.
"Huwag mo silang idamay, Raven. Ako naman ang hanap mo diba?" maangas na ika ni Ryder.
Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Raven.
"Ma'am may nanggugulo po dito oh, mukha pa naman silang may mga rabis," sigaw ni Jaxon mula sa likod.
Tumingin ang lahat sa kinakawayan ni Jaxon. Susunod na rin sana ako ng tingin ng maramdaman kong may humatak sa kamay ko.
"Huwag ka na makiisyoso doon, hayop ka," ika ni Marco habang natakbo kaming lima palayo sa mga nanggugulo.
"That's called flight mode, bro," sambit naman ni Cameron na halatang napapagod na sa pagtakbo namin.
Si Cameron kasi ang medyo bilugan sa barkada bukod doon, siya rin ang pinakamaliit.
Huminto na kami ng makaramdam na kami ng matinding pagod. Bukod dun tila hindi na rin naman nakasunod ang mga naghahanap kay Ryder.
Hindi ko lang labis maisip kung bakit matindi ang galit ng mga iyon sa ugok na si Ryder.
"Ayan ah, ayaw mo na bumitaw sa kamay ko," pang-aasar ni Ryder sa akin.
Hindi ko napansin na si Ryder pala ang humila sa aking kamay para tumakbo.
"Hindi ba't ikaw ang humatak sa kamay ko para tumakbo," tugon ko na may halong inis.
Agad ko namang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ni Ryder at tinignan ng masama ito.
Napansin ko ang sugat nito sa labi. Hindi pa rin ako makapaniwala na iniligtas ako ni Ryder, nagi-guilty tuloy ako dahil nasapak siya dahil sa akin.
"Eh, anong tinitingin-tingin mo sa akin, na po-fall ka na ba sa akin?" pagsira nito sa pagka-guilty ko sa nangyari sa kanya.
"Hindi, dapat lang sayo iyan. Ano ba kasing atraso mo sa kanila. Bakit labi ang galit sayo nung Raven na yun?"
"Patay na patay kasi sa akin yun kaso ayoko sa kanya," tugon nito sa akin at dahan dahan na lumapit "kasi may iba akong gusto," pagpapatuloy nito habang nakatitig sa aking mga mata.
Sa hindi ko maintindihang rason nagwala ang aking puso sa ginawa ni Ryder, na para bang nais lumabas ng puso ko sa dibdib ko.
Teka, tignan mo ito napakaloko. Tinatanong ko ng ayos puro kalokohan na naman ang sagot. Pakiramdam ko tuloy pinagtripan niya siguro talaga yung Raven na yun kaya bwiset na bwiset sa kanya.
Naku talaga parang gusto ko pang dagdagan yung sapak sa kanya. Mukhang kulang pa para maalog ang utak at matauhan.
"Baka nakakalimutan niyo narito din kaming tatlo nagtatago kasama niyo," pagsingit ni Jaxon ng pabiro.
Umubo ng bahagya si Ryder at umayos ng pagkakatayo. Nagpaalam ito na mauunang umalis para hindi na daw kami madamay pa nang tuluyan sa kaguluhan. Nais ko sana siyang pigilan pero tumakbo na ito agad palayo sa amin.
"Bro, hayaan natin siya ayusin ang gusot na pinasok niya," pagpigil sa akin ni Cameron ng magtangka akong habulin pa si Ryder.
"Hayaan mong masapak ulit para madala," dagdag ni Marco.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...