Sabay kami bumaba ni Ryder papunta sa may bonfire. Naabutan namin na nandoon na sina Jaxon at RJ na naghaharutan at panay ang tawa.
Sa may kabilang banda naman ay sila Cameron at Marco na nagtitinginan habang nainom ng alak tapos sabay na lilingon palayo sa isa't isa; kakaiba talaga sila. Sa totoo lang pwede naman na maging honest na lang sila samin since napaka obvious naman na may something silang dalawa.
Nagpatuloy na kami ni Ryder maglakad palapit sa bonfire.
"Ryder, dito kayo ni Dean sa tabi ko" sigaw ni Ronan sabay hiklat kay Rider para maupo sa tabi niya. No choice naman ako at umupo sa tabi ni Ryder, sa kabilang side.
Minsan talaga sobra na ang inis ko dito sa Ronan na ito, ayaw na lang pumirmi napakaharot. Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi makakatikim talaga ito sakin.
Naramdaman ko naman na dahan-dahang nagapang sa mga kamay ko ang kamay ni Ryder kaya naman hinawakan ko ito pabalik. Tumingin ako sa mukha niya at sabay naman ang lingon nito sa akin at ngumiti.
Hindi ko alam kung anong mahika ang meron itong si Ryder, hindi ko maiwasang mapangiti at mapalundag ang puso ko sa saya sa mga ginagawa ni Ryder sa akin.
Naramdaman ko ang papisilpisil ng kamay ni Ryder sa aking kamay at paghimas himas dito habang nakikipagusap at kulitan siya sa lahat.
Minsan nakakalimutan ko kung gaano ka-sociable itong si Ryder. Kasi naman kapag kaming dalawa lang ang magkasama pinaparamdam niya sakin na kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Kaya tuloy parang hindi ako sanay na ang dami niyang kausap at kakulitan kapag kasama namin ang mga kaibigan namin.
Sa totoo lang minsan hindi ko alam pero feeling ko nagseselos ako kapag parang ang saya saya ni Ryder kasama ang mga kaibigan namin, kahit kausap lang. Ewan ko ba, lahat na ata pinagselosan ko.
Lumipas ang oras na parang tubig na patuloy na umaagos sa ilog. Isa isa kaming na lalango at palakas ng palakas ang tawanan at kalokohan.
Napahinto ang lahat ng biglang may tumugtog na music na maraming beat. Kaagad na tumayo si RJ at nag post sabay rampa; kahit kailan talaga si RJ hindi nauubusan ng pakulo sa buhay.
Pagkatapos nito rumampa, huminto ito at tumindig habang tinitignan kami isa isa ng nakangiti.
"Nasa inyong harapan ang babaeng umakyat ng sagada kasama si JM de Guzman, lumipad ng taiwan kasama si Judy Ann Santos at, nakipagsampalan kay Jodi Sta Maria sa Pangako Sa'yo. Opo tama po, ako po si Angelica Mapanganib na nagsasabing walang matinong lalake sa malanding kumpare! And I thank you!!!" sambit nito sabay rampa muli at upo sa kanyang pwesto.
Naghiyawan ang lahat at nagtawanan pero sa likod nito nakaramdam ako ng takot at pangamba. Ayokong isipin at pilit ko namang winawaglit pero ngayon na pinansin ko. Nakikita ko ang mga pasimpleng hampas ni Ronan sa braso ni Ryder. Ang malanding pagtawa nito, parang gusto sumabog ng puso ko.
Siguro naparami na ako ng nainom, hindi na maganda ang pakiramdam ko pero sa kabila nito nais kong malasing hanggang mamanhid ang nararamdaman ko kasi alam kong mali at wala dapat akong ipangamba, hindi ba?
"Dean ko, ayos ka lang ba?" pabulong na tanong sakin ni Ryder. Malamang napansin nito na nagbago ang mood ko.
"Wala, ayos lang naman ako Ryder ko. Naiihi lang ako. Magbabanyo lang muna ako," pagpapalusot ko kay Ryder.
"O sige, mag CR ka muna Dean ko," pabulong na tugon muli ni Ryder sa akin.
Ngumiti ako at tumayo sa aking kina uupuan. Nagpaalam ako sa lahat na pupunta lang muna ako sa banyo, tumango lang sila at nagpatuloy na sa kalokohan nila.
Naglakad na ko papunta ng banyo habang pilit kinakalma ang sarili. Sinubukan ko rin maghilamos at kausapin ang sarili ko ng makarating ako sa loob ng banyo para maibsan ang bigat ng pakiramdam ko.
Hindi ko napansin kung gaano na ako katagal nawawala sa inuman sa bonfire kaya naman nagdesisyon na ko na kailangan ko ng bumalik at baka mag alala na sila sakin.
Paglabas ko ng banyo dumeretso na ako agad sa may bonfire at naabutan na nakatayo na ang lahat at nasayaw. Natatawa ako sa itsura ni Cameron na tila napipilitan lang dahil gusto ni Marco kasayaw siya.
Samantalang si Jaxon at RJ naman ay parang mga party animal na panay ang sayaw at todo bigay. Ayaw magpakabog ng bawat isa.
Doon ko napansin na nawawala sila Ryder at Ronan. Nakaramdam agad ako ng matinding kaba sa aking puso na tila naglululundag ito at nais makawala sa dibdib ko.
Dali dali akong lumapit sakanila at hinanap ang dalawa, pare-parehas sila ng sagot na hindi nila namalayan na nawala yung dalawa.
"Mader, napansin ko kanina lasing na si fafa Ryder kasi nakatungo na, natutulog na ata kaya nagmabuting loob na ata si Ronan para dalhin sa kwarto niyo si fafa Ryder," pagpapaliwanag ni RJ sa akin.
Agad akong tumakbo patungo sa kwarto namin ni Ryder at umaasa na mali ang naiisip ko. Hindi ko na tinanong kung kanina pa ba o ngayon lang. Hindi na rin kasi nagana ng tama ang aking isipan.
Hindi ko alam kung lasing na ba ko pero pakiramdam ko ang bagal ng oras, ang bagal ng lahat para akong naka slow motion.
Bawat hakbang ko parang inaabot ng ilang segundo kasabay ng pagyabag ng paa ko sa sahig ang pagwawala ng puso ko sa aking dibdib.
Nang marating ko ang taas na palapag na pansin ko kaagad na hindi sarado ang kwarto namin ni Ryder, na sa tingin ko ay magandang senyales. Ibig sabihin wala silang ginagawang masama.
Siguro nga sobra lang ako magisip. Sobrang praning lang siguro ako kaya kung anu ano agad naisip ko. Nakakainis para akong tanga ang sama sama ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa kwato namin ni Ryder. Habang papalapit ako sa kwarto namin may naririnig akong boses na tila naguusap silang dalawa.
"Ryder, ituloy na natin yung naudlot na ginagawa natin kaninang hapon," mahinang sambit ni Ronan.
Kung tinamaan na kayo ng kidlat noon at nabuhay kayo ganoon siguro ang pakiramdam ko ngayon. Parang tuluyan ng nawasak ang dibdib ko at nahulog na ang puso ko.
Dahan dahan akong sumilip sa maliit na awang sa pinto ng kwarto namin ni Ryder. Nakita ko ang mga damit nila na nasa sahig. Nakatayo si Ronan habang nakahiga naman si Ryder sa kama, hindi ko makita ang mukha ni Ryder dahil natatakpan ito ni Ronan.
Unti-unti kong naririnig na nababasag ang mundo ko na tila huminto ang oras sa pagkakataon na iyon. Hindi ako makagalaw o makaimik man lang.
Parang nadurog ang puso ko ng marinig ko ang mahinang pagungol ni Ryder.
Dito na tuluyang nabasag ang mundo ko at nagkakalaskalas. Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata na tila ba isa itong gripo na nakabukas.
Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking mga binti hanggang sa umabot na sa punta na bumigay ito at bumulagta ako ng malakas sa sahig.
Napalingon sa gawi ko si Ronan na halatang gulat na gulat at mukhang gayon din si Ryder. Bumangon ito at tinulak si Ronan sa ibabaw niya na hindi nakibo sa gulat.
Nakatingin sakin si Ryder na tila gulong gulo sa nangyayari, na tila nagaalala sa akin na nasa sahig ako nakabulagta. Nagtaka itong tumayo para lumapit sakin pero hindi ko napigilan sumigaw na huwag mo akong lalapitan.
Sa hindi kalayuan narinig ko na may nagtatakbuhan sa hagdanan, malamang para tignan kung ano yung narinig nilang malakas na kalabog mula dito sa taas pati na rin kung bakit ako nasigaw.
Sigurado akong nakikita na nila ang nakita. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sakanila. Nahihiya ako sobra, gumawa pa ko ng eskandalo dito.
Walang naimik malamang inaantay nila kung anong sasabihin ko o gagawin ko.
"Dean ko, let me explain please..." pagmamakaawa ni Ryder.
"Wala ka namang dapat ipaliwanag sakin, kung saan ka masaya susuportahan kita, " sambit ko ng buong tapang habang sinusubukang tumayo dahan dahan habang nakatungo.
"Dean ko..."
"Stop, please... stop."
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...