Kabanata LII

95 7 20
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw na naging linggo, buwan, at taon. Sa isang iglap naka graduate na pala kami ng tropa. Hanggang ngayon nagkikita-kita pa rin kami tulad ng dati.

Hindi pa rin nagbabago ang samahan namin nila Cameron, Marco, Jaxon at RJ. Nakakatuwa nga isipin at naging sila Marco at Cameron talaga; yung mga pabebeng yun.

Si Jaxon naman engaged sa mga raket niya. Dinaig pa ang pamilyadong tao kung maka-raket, akala mo lima na anak sa sipag.

Samantalang si RJ naman at ako nganga, ika nga ni RJ kami daw ang single ladies pero kahit ganoon masaya ako.

May magandang trabaho na ako ngayon at nasu-suportahan ng maayos ang aking pamilya. Sa totoo lang nag-aayos ako ngayon ng mga gamit ko sa bahay na lilipatan ko. Bubukod na kasi ako ng tirahan.

Nangako ang tropa na dadaan sila mamaya para tumulong tapos magpa-house warming na rin daw ako.

Habang nag aayos ako ng gamit napansin ko ang isang bagay na matagal ko ng hindi nakikita at nahahawakan. Medyo maalikabok na ito pero mukhang maayos pa naman ang kondisyon nito.

Kinuha ko ang raketang binigay sa akin noon ni Ryder nung sportsfest. Isa isang nagbalik ang mga alaala ng nakaraan, hindi maiwasang mapangit dahil dito; ang dami na rin kasi palang nangyari.

Binuksan ko ang bag ng raketa at nagimbal sa aking nakita; may liham sa loob. Agad ko itong kinuha at binasa.

Dean ko,

Maaring nangyari na siguro ang bagay na hindi ko ninanais na mangyari pero ito ang lagi mong tatandaan mahal na mahal kita at gagawin ko ang aking makakaya para ayusin ang lahat ng ito. Pasensya ka na kung wala akong lakas ng loob para sabihin pa sa iyo ito kaya naman dinaan ko na lang dito sa sulat. Hopefully mabasa mo ito. Dumating na kasi ang lola ko at nandito siya para sunduin ako para ipakasal sa babaeng nararapat daw para sa akin. Kilala ko ang lola ko at hindi yun titigil hanggang hindi nasusunod ang gusto niya kaya naman para iligtas ka sa mga kaya gawin ng lola ko ako na ang lalayo hanggang sa maayos ko ito. Babalik ako pangako ko sa iyo yan. Sana pagdating ng panahon na iyon, welcome pa ko sa puso at buhay mo.

Naaalala mo yung pangako natin nung nagpunta tayo sa tabing dagat nung may nakita tayong bulalakaw?

Tutuparin ko yun kahit ano pa man ang mangyari sa hinaharap.

-Ryder

Tila parang biglang nanghina ang mga tuhod ko at hindi kinaya ang bigat ng katawan ko. Sa isang iglap lang tila nabuksan na namang ang mga sugat ng puso na akala ko matagal ng naghilom.

Hindi ko napansin na umaagos na pala ang aking mga luha sa aking mukha. Tinignan ko kung ano na ang petsa. Laking gulat ko ng tumaon pa ito sa anibersaryo sana namin ni Ryder.

Kung hindi ako nagkakamali ang pangako namin ay babalik kami doon sa tabing dagat taon taon tuwing anibersaryo namin.

Hindi ko maiwasang mapaisip at magbaka sakali na baka naroon ngayon si Ryder.

Dali dali akong nag-ayos at nagbihis. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ko ngayon kung totoo kayang tinutupad ni Ryder ang pangako naming iyon.

Nagsulat ako at nag-iwan ng munting note para sa barkada na lalabas lang ako saglit.

Humayo kaagad ako at nagmamadaling kumuha ng flight papunta doon.

Parang tambol na tumutugtog ang puso ko habang papalapit ako sa lugar kung saan kami nangako noon ni Ryder.

Papalubog na ang araw pagdating ko at tulad nga ng inaasahan ko, walang tao dito. Para din akong sira para umasa at gumastos sa liham na naisulat ilang taon na ang nakalilipas.

Aalis na sana ako ng mapansin ko ang isang clear na bote na may mga papel sa loob. Nilapitan ko ito at laking gulat nang makitang 'Dean Ko' ang nakasulat dito.

Agad ko namang kinuha ang bote at nang babasagin ko na para makuha ang mga liham sa loob, nagulat ako sa isang pamilyar na boses.

"Huwag mong gawin yan," natigilan ako at napahinga ng malalim. "Sa akin yan."

Kusang namuo ang aking mga luha at nilingon ang taong matagal ko ng gusto muling makita, "Ryder ko."

Kita sa mukha nito ang gulat. Ngumiti ito habang lumuluha, "Dean ko.


ANG PAGTATAPOS.

Serendipity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon