Sa wakas, sa sobrang daming ng nangyari akala ko hindi na matatapos ang sportsfest na ito. Pero sa kabila ng mga naganap, nais ko pa rin magpasalamat sapagkat mas pinatibay nito ang samahan namin ni Ryder.
Bukod pa rito mukhang napatigil na talaga ni RJ si Krystal sa pangugulo samin ni Ryder, para itong bulang biglang naglaho sa radar.
Medyo nakakalungkot lang ang nangyari kay Marco at Cameron, akala ko talaga ayun na eh. Papunta na sila doon. Magkakaaminan at magiging sila tulad namin ni Ryder pero mukhang nagkamali ako.
Biglang nagbackfire ang lahat sa dalawa at nagkaroon nang invisible wall sa pagitan nila. Makikita sa mga mata nila ang pangungulila nila sa isa't isa pero ayaw nila ito ipakita kaya naman ang ending iniiwasan nila ang isa't isa.
Si RJ naman mukhang magiging busy na sa cheerleading niya, career mode na si girl. Sabagay ang tindi rin naman kasi nang pressure sa kanila lalo na't sila ang mag re-represent nang unibersidad sa inter-school cheerdance competition.
Sa totoo lang si Jaxon ang pinaka misteryoso sa barkada namin, hindi ko alam kung ano kwento niya. Alam niyo yung pakiramdam na hindi mo pa siya lubos na kilala.
Napapaisip tuloy ako sino nga ba si Jaxon? Wala talaga akong ideya bukod sa makulit at parating may banat ito.
"Ryder ko curious lang ako, bakit pakiramdam ko hindi ko pa gaano kilala si Jaxon?" tanong ko kay Ryder na nakahiga sa kama ko.
Nag pumilit kasi itong dito matulog sa dorm ko buong weekend, mami-miss daw kasi niya ako. Ewan ko ba sa taong ito pero napaka clingy.
Napangiti ito sa tanong ko at tinignan ako na tila tinatansya kung nagbibiro lang ba ako. Nawala ang ngiti sa labi nito nang mapansin nitong seryoso ako sa tanong ko.
Halata sa mukha ni Ryder na nagiisip siya ng paraan para maipaliwanag sakin nang maiintindihan ko kung sino ba si Jaxon.
Inumpisahan ni Ryder sa pag linis niya ng lalamunan, natawa naman ako dito at tsaka na ito nagpatuloy.
"Si Jaxon yung typical class clown at dahil doon, he is always surrounded by a lot of people kaya natuto siyang itago ang tunay niyang sarili, naging malihim ito."
Hindi ko alam kung saan patungo ang tinuturan ni Ryder kaya naman hindi ko naiwasang mapakunot noo habang tinitignan si Ryder.
Natawa naman ito marahil dahil halatang di ko naiintindihan yung gusto niya iparating. Nilapat nito ang isang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Kaya naman normal lang na isipin mong hindi mo pa lubos na kilala si Jaxon pero hindi pa ba sapat sayo paniwalaan yung Jaxon na kilala mo?" Pagpapatuloy ni Ryder sa sinasabi niya.
Ang mga huling katagang sinabi ni Ryder ay tila binigkas nang paulit ulit sa aking isipan. Oo nga, tama si Ryder dapat manalig ako doon sa kilala ko na Jaxon.
Ang galing din nito minsan ni Ryder, may pa-words of wisdom kapag maganda ang topak. Sana maganda lagi ang tulog niya para ganito siya araw araw.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Naiin-love ka na naman sakin, Dean ko" pangaasar sa akin ni Ryder.
Ito talagang taong ito, okay na eh. Ang ganda na nang mood, nakuha pang sirain nang pang aasar niya "baliw ka talaga."
"Sayo lang ako nabaliw nang ganito, Dean ko" banat nito. Hindi ko namang naiwasang mamula sa mga tinuran ni Ryder.
Doon na natapos ang umaga namin ni Ryder. Nagpatuloy na ako sa mga gawaing bahay ko habang si Ryder, pinasampa ko sa kama para hindi makigulo sa paglilinis ko.
Mapapansin na medyo tinatamad na ito umupo at humiga sa kama pero ayoko rin namang kumilos siya dito sa dorm ko. Tsaka alam ko naman na hindi rin naman siya marunong.
Mamaya maya pa ay napapikit na ito at mukhang dumeretso na ng tulog. Ang talentado rin nito ni Ryder kayang matulog kahit anong oras at saan.
Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko at iniwasang maistorbo ang pagtulog ni Ryder. Maya maya nagising na ulit ito "hala, Dean ko naka idlip ako, pasensya na."
"Ano ka ba, saglit ka pa lang nakatulog halos 30mins pa lang ang nakalipas" sagot ko sa tinuran ni Ryder.
Bumangon na si Ryder at naghilamos sa banyo, nang makarinig ako ng may kumakatok sa pinto ko. Sasagutin ko na sana ng mapansin ko si Ryder na basa basa pang tumungo sa pinto para buksan ito.
Mapapansin ang mga butil nang tubig sa mukha at buhok nito, ang basa nitong buhok na hinahawi nang kanyang kamay at sinusuklay nang mga daliri nito.
"Ako na mag bubukas nang pinto Dean ko" ika nito.
Minsan talaga mapapaisip ka na lang kung anong mayroon sa mayayaman bakit sila may awra na kakaiba. Yung tipong madali sila ihiwalay sa mga commoners na gaya ko.
Mali siguro na magtanong ako at magtaka pero ano ba ang nakita sa akin ni Ryder bakit niya ako nagustuhan? Unang araw ko pa lang sa unibersidad na ito nakabuntot na sa akin ang ugok na ito.
Oo nga noh? Si Ryder unang nag pumansin sa akin. Kinausap niya ako at hinihiritan nang mga kalokohan niya pero bakit? Hindi naman ako head-turner.
Pagbukas ni Ryder ng pinto agad naman nitong tinanong kung ano ang kailangan nito. Hindi ko masyado marinig ang tugon nang taong nasa labas, ano kaya sinasabi niya?
Naaaninag ko ang ngiti sa labi ni Ryder, bakit niya nginingitian yung kausap niya? Sino ba iyon? Kung si Bea man yan bakit hindi pa niya papasukin?
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, naiinis ako nang hindi ko alam ang dahilan. Na tila sumisira sa magandang araw ko.
Kinakain na ako ng aking kuryusidad kung sino ang nasa likod ng pinto at bakit panay ang ngiti ni Ryder sa kanya. Nakakairita pala ang ngiti na iyon kapag hindi niya sa akin binibigay.
Napahinto na ako sa aking ginagawa at nakatayo na lamang at pilit pinakikinggan kung ano ang pinaguusapan ni Ryder at nang kausap niya sa labas.
Lumakad ako ng bahagya at pilit sinisipat ang taong kausap ni Ryder pero ako ay nabigo, hindi ko pa rin makita kung sino ito.
Nagulat ako at halos mapalundag nang biglang lumingon sa akin si Ryder na may pagtataka sa mukha; may nagawa ba ako?
Ngumiti ako para hindi halata ang nararamdaman ko. Ayoko namang palakihin pa ito bukod dito, wala naman itong magandang maidudulot sa samahan namin ni Ryder.
Ngumiti naman ito sa akin pabalik habang sinusuri ako na tila may nagawa akong isang krimen. Hindi ko alam kung ako lang ba nag iisip nun o ganoon talaga ang nangyayari.
Nakakainis napa-paranoid ako sa nangyayari, ano bang problema ko? At jusko naman Ryder, sino ba yang kausap mo dyan sa labas at hindi mo man lang ako ipakilala, dorm ko kaya ito.
Tama dorm ko ito kaya siguradong kakilala ko kung sino man ang kausap ni Ryder ngayon sa may kabila ng pinto. Ang tanong sino naman ang ngi-ngitian nang ganoon ni Ryder sa mga iyon?
"Dean ko, ano bang tinatayo mo diyan? Lumapit ka dito" turan ni Ryder sa akin; kanina pa pala niya ako hinihintay lumapit, praning lang ako at kung anu ano ang iniisip.
Lumakad na ko palapit at tumayo sa tabi ni Ryder. Agad ko naman sinipat kung sino ang kausap ni Ryder at nagimbal sa aking nakita; bakit hindi ko siya kilala?
"Hi, Dean" ika nang lalaki na kausap ni Ryder at ngini-ngitian; oo issue sa akin ang pag ngiti ni Ryder sa kumag na ito.
Napansin naman agad ni Ryder na hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong kausap niya kaya naman suminget agad ito para pakalmahin ako.
"Dean ko, nakilala natin siya nung nakaraan" pagpapaliwanag ni Ryder.
"Sorry my bad, I'm Ronan by the way. We met at the cafeteria last time, you were all being noisy and..." Hindi ko na naintindihan pa ang mga kasunod na sinabi ni Ronan pero naalala ko na kung sino siya.
Siya yung lumapit samin at pinagsabihan kami na hindi lang kami ang tao sa cafeteria, mabuti na lang kinausap siya ni Ryder at pinakalma.
Wait, what? Eh anong ginagawa niya rito sa dorm ko?
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...