Ganoon pala yun noh? Tila napaka ganda at saya nang paligid kapag in love ka. Ang gaan sa pakiramdam na para bang ako'y nakalutang sa mga ulap.
Hindi na nabura ang mga ngiti sa aking labi pagkatapos nang matamis na halik sa akin ni Ryder. Hindi ko kailanman naisip na makakaramdam ako nang ganito, lalo na sa kapwa lalaki pa.
Nag inat at warm up na kaming mga manlalaro nang badminton. Bilang paghahanda sa aming laro mamaya.
Nilapitan ko si Ryder para kunin sa kanya ang raketa, inabot sa akin ni Ryder ang bag at laking gulat ko nang buksan ko ito.
Bakit sira ang net bed nang raketa ko?
Inilabas ko ang raketa ko at tulad nang nasilip ko sa loob nang bag, sira nga ito. Tila huminto ang paligid ko at wala na akong marinig.
Bakit nangyayari ito sa akin? May sumasabutahe sa akin, pero bakit? Anong satisfaction ang nakukuha niya sa ginagawa niya sa akin?
Hindi ko napansing lumapit sa akin si Ryder. Nagulat na lang ako nang hawakan nito ang dalawang pisngi ko at pinapatingin sa kanyang mga mata.
"Dean ko, look at me" sambit nito na may halong pagaalala sa kanyang boses at mukha.
"Naiinis ako, may ginawa ba akong mali? Sayang naman ang pageensayo ko at pagbili ko nang raketa tapos ganito" paghihinaing ko kay Ryder.
Bakas sa mukha nito ang lungkot sa mga sinabi ko pero, wala naman na kaming magagawa kaya habang maaga pa mag wiwithdraw na ko sa laro. Manunood at susuportahan ko na lang siguro sila Marco at Jaxon.
Bigla akong nakaramdam nang disappointment dahil sa effort ni Ryder na sunduin ako at sa pangako ko na papanoorin niya ako sa laro ko. Tila unti unting nadudurog ang puso ko.
"I know and... I was planning to surprise you after your game but," wika ni Ryder at tsaka ito bumitaw sa aking mukha at tumingin sa gawi nito sa likuran.
Sinundan ko ito nang tingin at nakita si Bea sa may hindi kalayuan. Naglakad ito palapit sa akin at sabay ngumiti. Paglapit ni Bea inabot nito sa akin ang isang bag.
Inabot ko ito at dali daling binuksan. Laking gulat at tuwa ko makita ang pinapangarap kong bilihin na raketa. Sakto pa ang kulay, ganitong ganito ang gusto ko. Tinignan ko si Ryder at halata sa mukha nito ang kasiyahan. Nakangiti ito at tila nahihiya.
"Surprise, Dean ko!" Turan ni Ryder.
Halatang kinikilig naman itong si Bea sa harapan ko na nag abot sa akin nang regalo ni Ryder. Sobrang hindi ko inasahan ito at kailan pa dumating si Bea. Kanina pa namin siya hindi nakakasama.
Nagumpisa nang magpaliwanag si Ryder. Napansin daw nito na nagustuhan ko ang raketa na una kong tinignan. Kaya naman daw naisip niya ito iregalo sa akin.
May kamahalan kasi kaya naisip ko na hindi ko naman kailangan masyadong bumili nang sobrang mahal, bukod pa rito ang kailangan ko lang naman ay magagamit para sa laro ko dito ngayon sa sportsfest.
Lakas naman makapagpakilig nito ni Ryder, sobrang observant pati ba naman yung gusto ko napansin niya. Tapos ngayon binili pa niya para sa akin.
Suminget naman si Bea at nagdaing nang kanyang hinaing sa mga kaganapan. Ang aga aga daw niya nag punta nang mall para mabili ang raketa na regalo sa akin ni Ryder.
Napakagaling daw nang kambal niya at naisip na siya na lang ang bumili para daw hindi daw ako makahalata na may surpreso ito para sa akin; sabagay epektibo naman.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala itong magkambal na ito ngayon dito. Napakaswerte ako at may Ryder at Bea ako sa tabi ko.
Ipinarating ko kay Bea at sympre kay Ryder ang labis kong pasasalamat. Yumakap at humalik ako sa pisngi ni Bea at humalik ako sa lips sa nobyo ko, kay Ryder; the best boyfriend in the world.
"Dean, tara na practice game muna lahat nang manlalaro" pagtawag sa akin ni coach. Mabuti na lang talaga at may maganda na akong raketang gagamitin.
Sabay na tumango ang dalawa bilang senyales na puntahan ko na ang coach ko. Nginitian ko sila parehas bilang tugon at lumapit na sa coach ko, na naghihintay sa akin.
Sa kabila nang magandang nangyari, hindi pa rin mawaglit sa isip ko kung sino ang nananabutahe sa akin. Bakit naman kaya niya sisirain yung raketa ko, takot ba siyang matalo ko?
Kailan kaya niya ginupit yung net bed ko sa raketa? Malamang ito yung oras na naiwan ko sa may bleachers yung raketa.
Bigla akong nakaramdam nang kaba nang maisip ko ang isang posibilidad.
Hindi kaya, hindi ko naman talaga naiwan yung raketa, kundi may kumuha nito habang naka pokus ako sa bumato sa akin. Kaya malamang sinadya ang pagbato sa akin para ma-disorient ang utak ko at makalimutan ko yung dala dala kong raketa.
Haist. Paano ko naman mapapatunayan na iyon nga ang nangyari, sa ngayon haka haka lang ito at walang konkretong ebidensya.
Nakakainis na tila wala akong magawa para man lang matulungan ko ang aking sarili. Habang tumatagal patindi na nang patindi ang mga nangyayari sa akin dito; Kung sino man siya, mukhang matindi ang galit niya sa akin.
Itinuro at ipinakilala na ako ni coach sa magiging kapareha ko sa pageensayo at nagtungo na sa pwesto namin. Nagkamay kami at nag toss coin para malaman kung kanino ang service.
Hindi ko alam pero hindi pa rin ako mapakali, hindi mawala wala sa isipan ko ang nangyari kanina. Paulit-ulit lang itong tumatakbo sa utak ko na tila isang sirang palabas.
Hanggang sa nakaisip ako nang isang plano. Medyo risky pero wala na akong maisip na paraan para mahuli ang loko lokong nanggugulo sa akin.
Kumuha ako nang tiyempo at nagpaalam sa kapareha ko na magpupunta lamang ako nang banyo para umihi. Pumayag naman ito at nagsabi na mag 15mins break na muna kami.
Nakaramdam ako nang kaba dahil dito. Sana magawa ko nang maayos ang pinaplano ko. Isang beses ko lang kasi puwedeng gawin ito kaya hindi dapat ako magkamali at mabulilyaso.
Dahan dahan akong nagtungo sa banyo upang makita ako nang kung sino man nananabutahe sakin kung saan ako papunta.
Marahan akong pumasok nang banyo at inihanda na ang aking plano. Simple lang naman ang naisip ko, para mahuli ang hunghang dapat isipin niyang busy ako sa loob nang cubicle.
Kaya naman magpapanggap akong naglalabas nang sama nang loob at ilalapag ang aking raketa sa may bandang malapit sa pinto nang cubicle.
Para naman mabigyan nang oras yung hunghang na nanabutahe sa akin na kunin yung raketa ko. Ang hindi niya alam, handa ako at naka abang sakanya.
Iniisip ko pa lang natatawa na ko. Pakiramdam ko isa akong detective sa isang palabas tapos nasa isang misyon ako para hulihin ang isang kriminal.
Pumasok na ako sa loob nang cubicle at inilapag na ang raketa ko malapit sa pintuan. Umarte na akong nadumi at nag flu-flush pa para makatotohanan. Napansin ko ang anino sa lapag at nagulat nang makita ko ang kamay na dahan dahan pumapasok sa ilalim nang pinto.
Kahit pala inaasahan mo na ang isang bagay napapatameme ka pa rin kapag nandiyan na sa iyong harapan.
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomantikIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...
![Serendipity [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/195245828-64-k790594.jpg)