Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa aking tinutuluyan. Matinding kaba ang bumabalot sa akin dibdib sa mga oras na ito. Sobrang lakas nang kabog nang aking puso na tila naririnig ko na ito.
Tinulak ko nang bahagya ang aking pinto upang magbukas ito. Unti-unti itong bumukas at sumambulat ang loob nang aking kwarto.
Tila naubusan ako nang hangin sa aking baga nang masilip ko ang loob nang aking dorm. Nakataob ang aking mga upuan at mesa. Sira-sira ang bedsheet at unan nang aking kama. Basag basag ang aking mga baso at plato. Nakakalat ang lahat nang gamit ko. Parang binagyo ang buong kwarto ko.
Pumasok ako sa loob at tinignan ang mga importante kong gamit, inisa-isa ko silipin ang laman nang drawer ko. Naririto pa rin naman yung mga relo ko, alahas at iniwan kong pera.
"Mukhang hindi pagnanakaw ang motibo nang nanloob sa iyong kwarto" sambit ni Ryder.
"Mukhang tama ka sapagkat narito pa sa drawer ko ang mga alahas ko" pagkumpirma ko sa turan ni Ryder.
"Hindi na maganda ang ginagawa nang taong ito. Sobra ka na niyang pineperwisyo" inis na sambit ni Ryder. Nakasulat sa mukha ni Ryder ang matinding pagaalala na lalong nagpapahulog sa aking puso.
"Alam ko pero wala akong maisip na tao na puwedeng gumawa sa akin nito."
Nilapitan ako ni Ryder at niyakap nang mahigpit. Hinaplos nito ang aking ulo na parang isang sanggol.
Napakasarap ng mga yakap, haplos at halik ni Ryder. Nakakainis, ang hirap hindi mahalin nang ugok na ito.
"Sa ngayon, Dean ko. Doon ka muna sa dorm ko matulog, dalhin mo na lang muna sa dorm ang mga importanteng gamit mo" at nung sasagot sana ako nagpatuloy na ito sa pagsasalita "You cannot say no to me. Please, you have to understand na you might be in danger and, I can't afford to let you sleep in here in this situation."
Naiintindihan ko naman pero nakakahiya din kasi. Una sa lahat kakasagot ko lang sakanya baka isipin niya I'm taking advantage of him.
Pangalawa first night namin together...
Shit! Hindi nga pala namin first night together if ever. Nakatulog na pala kami togeher before pero wala pa naman kasing malisya iyon noon. Syemper iba na ngayon na mag partner na kami.
Mabuti na lang naalala ko dalawa ang kwarto sa elite na dorm kaya naman safe kung mag overnight ako kay Ryder. May kanya kanya kaming kwarto.
Tumango na lamang ako bilang pagsangayon sa plano ni Ryder. Nagmamadali kong inayos ang aking mga gamit para naman hindi na kami masyadong gabihin pa ni Ryder.
Habang nagiimpake, humingi ako nangtawad kay Ryder na hindi ko pa magagamot kaagad ang kanyang mga galos. Ngumiti naman ito nagpaliwanag na alam niyang gagawin ko din ito kung sa kanya ito nangyari.
Naalala ko tuloy yung oras na nakita ko sa may paahan ko si Ryder na nakahandusay, saktong pagkabukas ko nang pinto. Tapos hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman pinasok ko ito sa kwarto at inihiga sa kama.
Nakakatawang isipin na nabaliktad na ang aming sitwasyon. Ako naman ang kailangan niyang patuluyin sa dorm niya upang magpalipas nang gabi. Napangiti ako sa mga alaala at mga naiisip ko.
"Dean ko, mamaya mo na isipin ang mga gagawin natin sa dorm ko. Panay ang ngiti mo diyan, gusto mo dito na natin gawin eh" pangaasar ni Ryder.
Tinignan ko ito nang masama at nagpaliwanag na nampake ko na lahat nang dapat at kailangan ko dalhin kaya naman puwede na kaming umalis.
Sumimangot ito na tila nagpapaawang bata. Napangiti naman ako at hinilia na siya palabas nang dorm. Natatawa kaming nakalabas nang dorm ko. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-kyut itong si Ryder kapag nakangisi.
"Ano naiinlove ka na lalo sakin?"sambit nito habang nagpapakyut pa lalo.
"Sobra na nakakasuka na" pangaasar ko.
Nagpatuloy na kaming pumunta sa dorm ni Ryder. Ayaw bumitaw nang pagkakahawak nito sa kamay ko, na tila hindi nahihiya sa mga makakakita na mag partner kami. Hindi ko naman ito masaway bukod sa masarap sa pakiramdam, hindi matatawaran ang ngiti na nakaukit sa mukha nito.
Ngayon lang ata ako nakakita nang tao na sobrang saya na makasama ako kahit ganito lang, naglalakad. Walang espesiyal na ginagawa pero matatanaw ang ligaya sa mga ngiti nito.
Nakarating kami sa dorm ni Ryder. Sabik nitong binuksan ang kanyang pinto at nag patuloy na kami sa loob nito. Agad nitong dinala ang bitbit kong mga gamit sa isang kwarto.
Doon siguro ang guess room.
Sumunod ako sa loob nang kwarto at tinulungan si Ryder mag unpack nang mga gamit ko. Nakakatuwa talaga siya panoorin para akong nanonood nang batang sabik na sabik buksan ang natanggap niyang regalo. Hindi maalis ang mga ngiti nito sa labi.
Nagtaka na lamang ako nang makakita ako nang mga picture frame sa may desk sa loob nang kwarto. Nilapitan ko ito at nakita ang mga litrato ni Ryder nung highschool pa siya.
"Huwag na yang mga litrato ang titigan mo, Dean ko. Narito na ako sa harapan mo oh" hirit nito habang sinasalansan ang mga damit ko.
Gusto ko sanang magreklamo nang may bigla akong naisip. Bakit may picture si Ryder sa guest room?
Agad kong binuksan ang drawer nang desk at nakita ang ibang personal na gamit ni Ryder. Loko-loko talaga ito, bakit dito sa kwarto niya nilagay iyong mga gamit ko.
"Ryder, bakit dito mo nilalabas mga gamit ko. Kwarto mo ito ah."
"Kwarto po natin" mariin na sagot ni Ryder.
"Loko, doon na lang ako sa guess room"
"Akala mo naman hindi pa tayo nakatulog nang magkatabi" pangaasar sakin ni Ryder.
Tinitigan ko lang si Ryder bilang tugon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, gumana ito sa kanya. Huminga ito nang malalim at nag roll eyes. "Ayoko na mag paliwanag Dean ko" at sumenyas ito na tila sinasabi na puntahan at tignan ko ang kabilang kwarto.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa isa pang kwarto at nagulat sa aking nadatnan.
Ano ito, Tomy's World?
Hindi ako sigurado kung mamamangha ba ako na may sarili siyang amusement center sa kwarto o maiinis. Mabuti pa sana kung ginawa niyang library, mas maiintindihan ko pa. Ano ba talaga pinunta niya rito sa unibersidad na ito, maglaro?
"I know what you're thinking. Please don't be mad at me. Ito lang ang escape ko sa reality, sa pressure. I hope you understand and besides dahil dyan tabi tayong matutulog" sambit nito sabay kindat.
May point naman siya. Iba iba nga lang siguro tayo nang paraan para maglabas nang stress at pagod. I guess, naiintindihan ko kahit papaano. Hindi naman din problema nang pamilya ni Ryder ang pera kaya wala lang sa kanya ang gumastos.
"Sa lapag na lang ako matutulog. Pahiram na lang ako nang latag" tugon ko sa hirit ni Ryder.
"Wala akong ganoon, Dean ko. Sa higaan ka na lang matulog, ako na lang sa sahig" pagtatampo nito at tumungo.
"Nagtatampo ka Ryder ko?" paglalambing ko.
Kainis hindi ako sanay, ang baho pakinggan.
Parang bumbilyang biglang umaliwalas ang mukha ni Ryder sa mga tinuran ko. Nakangiti ito abot hanggang tenga. Tinignan ako nito at makikita ang pagkutitap nang kanyang mga mata.
"Ryder ko" muli kong sinambit habang nakangiti siya sa akin.
Sinunggaban ako nito at pinaghahalikan sa pisngi. "Mahal kita, Dean ko."
"Mahal din po kita, Ryder ko."
BINABASA MO ANG
Serendipity [COMPLETED]
RomanceIskolar sa isang prestihiyosong unibersidad si Dean. Ang makisalamuha at makibagay sa mga henyo't mayayaman ang isa sa pinakamalaking pagsubok ni Dean. Dagdagan pa ito nang isang napakakulit na binata na nagpapakita sa kanya ng motibo. Makulit at ch...